Paggamit ng Social Media: Nakabubuti
nga ba?
(Paalala: Kung gagamitin ang artikulo ay kailangang humingi ng pahintulot sa Abiva Publishing House at makipag-ugnayan kay Bb. Sofie Gerong, Manager, Book Development Department, ABIVA PUBLISHING HOUSE, INC.
851 G. Araneta Avenue, 1113 Quezon City Office: (632) 7120245 local 228, Mobile: 0920-9777998)
Sa
kasalukuyan, ang panahon ay tinatawag na Information Age kung saan mabilis na
nakukuha ang impormasyon sa pamamagitan lang ng isang klik sa computer o smart
phones. Ang ganitong kaganapan sa mundo ay bunga ng teknolohiya upang mapabilis
ang kalakaran sa mundo, telekomunikasyon, komersyo, negosyo, transportasyon at
marami pang iba gamit ng internet. Sa pamamagitan nito pinaliit ng tao ang
mundo na kaya na nitong mahawakan sa kanyang mga palad. Sa kapangyarihan na
ibinigay sa tao dala ng produkto ng teknolohiya, maraming tao ang nahilig sa
paggamit nito.
Halos
kalahati ng populasyon ng mundo o 3.75 billyon ay gumagamit ng internet ayon sa
ulat sa "Digital in 2017 Global Overview."
May 8% taon sa taon ang pagtaas ng paggamit ng internet sa buong mundo. Sa
Pilipinas, na may 103 milyong populasyon, 60 milyon o 58% ng kabuoang
populasyon ay gumagamit ng internet. Nasa 50% ng global internet penetration na
bahagya lamang sa bahagdan ng China at Vietnam (53%) kung saan ang nangunguna
ay ang Estados Unidos (99%).
Ang
Pilipinas nasa 15 puwesto sa 20 bansang may mataas na bilang ng paggamit ng
internet sa buong mundo batay sa tala noong Hunyo 2017 ayon sa
internetworldstat.com. Naglalaan ng 8 oras at 59 na minuto ang isang Pilipino
sa bawat araw sa paggamit ng internet na mas mataas pa sa mga bansang Brazil,
Thailand, Indonesia at Japan. Ito ay pinagsamang paggamit ng mobile at desktop.
Noong 2019, sa ginawang sarbey ng Social Weater Station sa unang quarter ng taon, 21% na tinatayang nasa 13.9 milyong indibidwal na Pilipinong nasa wastong edad (adult) ang gumagamit ng Facebook para sa pagbabasa ng balita. Kalahati o nasa 49% ng nasabing bilang ay nasa kolehiyo at nagtapos ng sekondarya, 37% ay nagtapos ng elementarya at 36% ay mga hindi nakapagtapos ng elementarya. 99% na tinatayang nasa 30.3 milyong Pilipinong na nasa wastong gulang ay gumagamit ng internet at may Facebook account. Ito ay halos kapantay ng kabuoang bilang ng populasyn mga nasa wastong eded (adult)na 45% na tinatayang nasa 40.5 milyong indibidwal.
Isang
produkto ng Information Age ay ang social media. Nilikha ito upang mapabilis
ang komunikasyon ng tao saang panig ng mundo. Sa buong mundo may 2.789 billion
ang gumagamit ng social media sa lahat ng uri ng platforms – 37% ng populasyon
ng mundo. Ang platform ay paggamit ng mga pooksapot o website at mga online applications upang magbahagi ng mga parehong kagustuhan o interes gaya ng pag-awit, pagsusulat ng blog at iba pa. Ang nangungunang platform ay Facebook na may 1.871 billion na tao ang
gumagamit kasunod ang WatsApp at Facebook Messanger. Sa Pilipinas may 58% na
may buwanang paggamit ng malalaking social media sites katumbas ng 37% ng
paggamit nito sa buong mundo. Sa madaling
sabi na ang mga Pilipino ay adik na sa paggamit ng paggamit ng mga social
media. Subalit tila hindi batid ng nakararami ang halaga, at paraan ng paggamit
ng social media.
Sinasabi
na ang paggamit ng social media sites ay upang mabingyang kabatiran ang mga tao
sa mga nangyayari sa buong mundo. Subalit ito nga ang pagkakaunawa ng mga tao
sa paggamit nito?
Mapapansin
sa Pilipinas na ang nilalaman ng Facebook ng isang subscriber ay patungkol sa
kanyang sarili. Ibinabahgi niya ang mga pangyayari sa kanyang sarili – mula sa
umaga paggising hanggang sa pagkain, mga nararamdamang emosyon sa bahay,
trabaho, pamahalaan, lalo na sa pag-ibig. Samahan pa ng mga larawan at video na
ina-upload na bibigyan ng mga reaksyon ng netizens at komento. Malamang ay nais ng tao na mapansin sa buong mundo upang sumikat at makilala gaya ng mga
internet sensations na ngayon ay kilala nang singer, artista o celebrity.
Bukod
pa sa mga ganitong pangyayari sa social media world ay ang pagbibigay ng mga
komento ng tao sa sarisaring mga uri ng mga inilalabas na impormasyon, usapin
sa politika, pag-ibig, hinahangang artista. Nariyan pa ang pagbabahagi ng mga
maling ulat o impormasyon na pinaniniwalaan ng nakararami na nagdudulot ng
kaguluhan. Indikasyon lamang nito na mahina ang mga tao sa pagbabasa at pagbeberipika
ng katotohanang impormasyong nababasa sa internet. Samahan mo pa ng mga netizens na makikipag-away sa iyo dahil sa tumataliwas ka sa kanilang pinaniniwalaan lalo na kung ang
ibinibigay na komento ng mga concerns netizens ay itama ang mga inilalagay sa
mga platforms na ito. Naging daan ito para sa isang nangungunang suliranin
pagdating sa social media ang cyber bullying.
Sa
blog ni Kyle Tsakiris, isang pang-global na usapin ang responsableng paglalagay
ng larawan sa social media. Ang paglalagay ng larawang ito ay may kinalaman sa photojournalism
at pagpapataas ng kabatiran sa lahat sa mga nangyayari sa mundo. Gaya na lamang
ng larawang inilalagay na may kinalaman sa usapin ng global warming, krisis sa
mga refugee, racism o kapootang panlahi at marami pang iba. Dahil sa walang
kaalaman ang nakararami sa usapin ng photojournalism nagpapakita lamang ang mga
imaheng ito ay walang halaga kaysa sa sa isang narsisitikong uri ng moralismo
sa mga Kanluraning bansa at sa iba pang na hiwalay mula sa aktuwal na mga kaganapan
na nakalarawan. Kapag sinabing narsisismo, ito ay isang pambihirang interes at paghanga para sa sarili. Sa pagpapakita ng mga ganitong larawan ay nagbubunga ng pakikisimpatya
ng iba at karamihan ay nakikipagtalo sa mga uspaing ito na nagpapalala sa
pangyayari. Nagpapataas nga ba ng kamalayan ng mga tao ang mga inilalagay na
larawang ito sa social media o nais lamang ng iba ay magbahagi ng kanilang
saloobin na may matataas na emosyon na humahantong sa pagtatalo at di pagkakaisa
ng nakararami?
Habang
ang kamalayan ng social media ay nakapahalaga sa ating makabagong kamalayan sa
pagturturo sa atin ng mga isyu sa buong mundo, hindi ito maaari, at hindi dapat
malito ang mga tao sa mga kongkretong katotohanan. Subalit ang panahon ngayon
ay naliligaw ang tao sa kung ano ang tama at totoo. Ito rin ang panahon ng pagkukunsinti
ng tao sa mga sinasabi ng tao sa social media. Pumapasok ang usapin ng freedom
of expression. Subalit ang kalayaang ito na makapagpahayag ng sariling opinyon
ay lumalampas sa limitasyon nito. Kung itama man o punahin ng isang netizen ang
post ng isang netizen ay gulo ang kahahantungan at sasamahan pa ng iba pang netizens
na kapanalig ng mga ito. Nagbubunga ito ng pagkakawatak-watak ng mamamayan
dahil sa maling impormasyon, maling pagkilos at maling paraan ng pagpapahayag. Maging
ang mga larawang inilalagay sa social media ay hindi para sa pagpapabatid sa
nakararami ng isyu na magdadala sa mga netizens ng pakikisimpatya, pagpapahayag
ng kanilang damdamin, saloobin at opinyon subalit kung sasaliksikin natin ang
sarili ay bunsod ng pansaring interes. Hindi alam kung paano kikilos ang tao
sa mga ganitong uri ng uspain upang matugunan ang posibleng solusyon sa mga ito.
Ang lahat ng ito ay bunsod ng kawalang kaalaman ng tao sa responsableng
pagpapahayag. Ayon sa isang propagandista na si Jacques Ellul,
“And, in fact, modern man does not think about current problems; he feels them.
He reacts, but be does not understand them any more than he takes responsibility
for them. He is even less capable of spotting any inconsistency between
successive facts; man's capacity to forget is unlimited. This is one of the
most important and useful points for the propagandist, who can always be sure
that a particular propaganda theme, statement, or event will be forgotten
within a few weeks.”
Bukod sa usaping ito sa
paggamit ng social media ng mga tao ay nakadikit din ang pag-aaksaya ng tao sa
kalidad ng panahon dapat inilalaan niya sa kanyang pamilya at pag-aaral. Sa
pagkawala ng komunikasyon sa loob ng tahanan ay nagbubunga ng pagkalayo ng
relasyon sa miyembro nito na nagdudulot ng pagkasira ng tahanan. Kung masira
ang tahanan, na sentro ng lipunan, masisira rin ang lipunan. Nauubos ang
panahon ng bawat kasapi ng pamilya na nakatutok sa paggamit smart phone o
computer para sa paggamit ng internet. Ang tamang pagpapahayag ng emosyon ay
hindi na naitatama dahil malaya nang nakapagpapahayag ang mga kabataan sa social
media na nagbubunga ng pagbabago ng pag-uugali nila na nadadala nila sa loob ng
tahanan at komunidad. Ang kawalaan ng kaalaman sa tamang paggamit nito,
kasanayan sa pagbabasa at pag-unawa, ay indikasyon ng maling pag-unawa sa
kalayaan na nagbubunga ng aktibismo sa social media.
Dito
na pumapasok ang gampanin ng mga magulang upang turan ang kanilang mga anak sa
responsableng paggamit ng social media. Dapat binabantayan nila ang mga
inilalagay ng kanilang mga anak kung ito ba nakabubuti sa kanila, nagpapakita
ng pagpapabatid ng tamang impormasyon at iba pa. Dito papasok ang pagsusog ng sektor
ng edukasyon upang mas bigyang lalim ang kaalaman ng mga mag-aaral sa responsableng
paggamit ng social media gamit ang kanilang natutuhan lalo na sa wika at photojournalism.
Bawat
isa ang kailangang kumilos upang ang suliranin sa isyu ito ay matugunan ang
lumalalang kalagayan at pag-uugali ng tao na sumusira sa mundo.
Tao ang may kapangyarihan sa paggamit ng mga sicial media at nasa kamay natin ang responsableng paggamit nito.
https://www.websitehostingrating.com/tl/internet-statistics-facts/
http://www.sws.org.ph/swsmain/artcldisppage/?artcsyscode=ART-20190629182313