Huwebes, Hunyo 26, 2025

Bakit Mahina ang mga Mag-aaral na Pilipino sa mga Asignatura?

 Bakit Mahina ang mga Mag-aaral na Pilipino sa mga Asignatura?

Allan A.Ortiz

Maraming mag-aaral sa Pilipinas ang nahihirapan sa pagbasa at pag-unawa ng mga tekstong kanilang binabasa. Ayon sa Programme for International Student Assessment (PISA) 2022, ang Pilipinas ay may pinakamababang marka sa reading comprehension sa 79 bansa. Nakakuha lamang ang mga mag-aaral ng 340 puntos, malayo sa karaniwang marka na 487 puntos. Dahil dito, maraming mag-aaral ang nahihirapan sa pagkuha ng pangunahing ideya ng binabasa at sa pag-uugnay ng impormasyon. Halos walang pinagkaiba sa resulta noong 2018.

Maraming dahilan kung bakit mahina ang mga mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa. Ilan sa mga ito ay kakulangan sa kasanayan sa pagbasa. Dahil sa kakulangan ng pagsasanay, maraming mag-aaral ang nahihirapan sa pag-intindi ng mahahabang teksto.  Ang kakulangan sa mga aklat at materyales  sa maraming paaralan, kulang ang mga aklat at iba pang babasahin na maaaring makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral. Ang epekto ng teknolohiya  dahil sa madalas na paggamit ng social media, mas sanay ang mga mag-aaral sa maikli at impormal na paraan ng komunikasyon, na maaaring makaapekto sa kanilang kakayahang magbasa ng mahahabang teksto. Maging ang kakulangan sa pagsasanay ng mga guro ay isang salik sa kahinaan ng mga mag-aaral. Ang kalidad ng pagtuturo ay may malaking epekto sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa. Sa ilang paaralan, hindi sapat ang pagsasanay ng mga guro sa mabisang pagtuturo ng pagbasa.

Upang matulungan ang mga mag-aaral, maaaring gawin ay una,  pagpapalakas ng programa sa pagbasa. Dapat palakasin ang mga programa sa paaralan na naglalayong pahusayin ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Pagalawa, pagtuturo ng kritikal na pag-iisip. Mahalaga ang pagsasanay sa pagsusuri ng impormasyon upang matulungan ang mga mag-aaral na hindi lamang magbasa, kundi maunawaan ang kanilang binabasa. Pangatlo, pagtutok sa pagsasanay ng mga guro.  Ang pagbibigay ng sapat na pagsasanay sa mga guro ay makakatulong upang mas epektibong maituro ang pagbasa sa mga mag-aaral. Panghuli, pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor. Ang pamahalaan at mga pribadong organisasyon ay maaaring magtulungan upang maglaan ng sapat na aklat at babasahin sa mga paaralan.

Ang mababang antas ng pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral na Pilipino ay isang seryosong suliranin na nangangailangan ng agarang aksyon. Sa pamamagitan ng mahusay na edukasyon, sapat na materyales, at epektibong pagtuturo, maaaring mapabuti ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa, na magbibigay sa kanila ng mas magandang kinabukasan. 

Sanggunian:Education GPS - Philippines - Student performance (PISA 2022) 

PISA 2022 Results (Volume I and II) - Country Notes: Philippines | OECD

https://www.bing.com/search?q=PISA+2022+results+Philippines&toWww=1&redig=1953A914BB804576A5A2C740DEA42055

Philippines still lags behind world in math, reading and science — PISA 2022 | Philstar.com