Antas
ng Wika
Ang salitang tinukoy ay isa lamang
antas ng wikang Filipino. Nagkakaroon ng antas o pagbabago ng salita dahil sa
panahon, lugar, o pagkakataon sa pagkakagammit.
Apat na pamantayan ng wika ayon sa
sosyo-edukasyonal na pangkat na ginagamitan ng wika:
1. Balbal (slang) ang
pinakamababa. Kasama rito ang barbarismo at kusupsyon sa tunog at kahulugan.
Mga salitang nalikha at ginagamit sa mga lansangan.
Halimbawa:
Ihaw, bebot, praning, yosi
Nagkaroon ng kategorisasyon ng mga salitang ginagamit ng
kabataan na masasabing nasa ilalim ng salitang balbal (Pebrero 23, 1995)
Binaliktad ang kategorisasyong ito
ay may layong bumuo ng sariling bokabularyo.
Halimbawa:
gat-bi – bigat astig – tigas
todits – dito erap - pare
Nilikha ang kategorisasyon ay
walang tiyak na pinagmulan. Karaniwan itong maririnig kung kani-kanino at kung
saan-saan.
Halimbawa
paeklat – maarte
hanep – paghanga
espi – esposo o
asawang lalaki
Pinaghalo-halo ang kategorisasyong ito ay pinagsama-samang
salita at /o pantig ng salitang Ingles at Filipino.
Halimbawa:
In-nai-in - naaayon
kilig to the bones –
paghanga
Iningles ang kategorisasyong ito ng mga salita ay puro
Ingles ngunit naiiba ang kahulugan.
Halimbawa:
Jinx – malas
Weird – pambihira
Yes, yes, yo – pagsang-ayon
Dinaglat ang kategorisasyong ito
ay binubuo ng mga letra ng mga salita o pariralang pinaikli.
Halimbawa:
SMB – Style Mo Bulok
MU – Mutual
Understanding
ITALY – I Trust and
Love You
Hinango sa salitang katutubo – mga
salitang pinagmulan ay wikain ng katutubo
Halimbawa:
gurang – (Bikol, Bisaya) – matanda
utol (Bisaya) – kapatid
buwang (Bisaya) – luko-luko
pabarabarabay (Tagalog) –
paharang-harang
Hinango sa wikang banyaga – ang
salita ay nagmula sa mga salita sa banyaga
Halimbawa:
tisoy, tisay (Espanyol: mestizo,
mestizo)
tsimay, tsimoy (Espanyol:
muchacha, muchacho)
kosa (Russian Mafia: Cosa Nostra0
sikyo ( Ingles: Security guard)
orig (Ingles: original)
sisiw (Ingles: chicks)
toma (Espanyol: tomar) inom
Pagsasalarawan o Pagsasakatangian
– pagtukoy sa isang bagay na inuugnay batay sa paglalarawan o katangian nito.
Halimbawa:
yoyo-
(relo dahil hugs yoyo)
lagay – (tong ay inilalagay o isinisingit
para hindi
halata ang pagbibigay)
basag durog (dahil nawawala sa sariling
isip kapag
nakadroga)
Gay Lingo o Bekimon – ang
kategorisasyong ito ay mga salitang giinagamit ng mga bading sa lipunan na
ginagamit na rin sa karaniiwang pakikipagtalastasan. Binuo ito sa pamamagitan
ng pag-uugnay ng salita sa isang bagay, sikat na tao, o nilalandian lamang ang
pagbigkas.
Halimbawa:
chaka – ang orihinal na salita ay
“Chanak” mula sa pelikulang “Tiyanak.” Bago pa itto nauso ginagamit na
ekspresyon ng mga bading ang “Baby ni Janice” na diyalogo mismo sa nasabing
pelikula upang ituro ang isang pangit na tao. Sa paglipas ng panahon dahil sa
naging sikat ang pelikulang “Chuckie” na isang pangit na manika dito na
iniugnay ang salita.
ganetch – ganito,
pinalanding pagbigkas
Sincha o Cynthia – nauso nang
naging artista sa ating bansa si Cynthia Luster. Dahil sa magkatunog ang Sino
siya? At Cynthia at kasagsagan ng kasikanatn ng artista kaya ito ginamit ng mga
bading. Di nagtagal ay naging Sinetch Itey na nilandian na ang pagbigkas.
2. Lalawiganin – Ang
mataas–taas ngunit ukol sa isang pook lamang at sa katunayan ay isang diyalekto
sa loob ng isang wika.
Halimbawa:
ibad – negra uyab - kasintahan
gamay- maliit
Tinatawag din itong dayalek na nakikilala hindi lamang sa pagkakaroon
nito ng set ng mga distinct na bokabularyo kundi maging sa
punto o tono at sa istraktura ng pangungusap. Pansinin na lamang natin ang
pananagalog ng mga naninirahan sa iba’t ibang lugar na gumagamit ng isang wika.
Isang wika ang Tagalog,
pero iba’t iba dayalek ito. Nariyan ang Tagalog-Cavite, Tagalog-Batangas,
Tagalog-Manila, Tagalog- Quezon, Tagalog-Bulakan at iba pa.
Katulad ng sa
Tagalog, may barayti rin ang Ifugao ng Amganad, Batad at Kianan; ang Subanon ng
Tuboy-Salog, Siocon, Lapuyan at Sindangan; ang Blaan ng Koronadal at Sarangani;
at ng marami pa pang ibang dayalekto.
Samadaling sabi, ang
dayalek ang wikang
pekulyar o katangi-tangi sa isang lugar o rehiyon, kasama ang punto,
bokabularyo, o pagkakabuo ng mga salita.
Halimbawa:
Ala eh! ng Batangas
3. Kolokyal – ang anyo ng wika na ginagamit sa mga impormal na usapan.
Kasama sa ganitong anyo ng wika ang lokal na idyoma, balbal, o pinaikling
pahayag na ginagamit sa isang partikular na pangkat ng tao. mga
pang araw-araw na salita na ginagamit sa pagkakataong impormal at maaaring may
kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari rin itong
maging repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita nito.
Ang mga pagpapaikli ng isa, dalawa o mahigit pang salita ay
mauuri rin sa antas n ito.
Halimbawa:
nasa’n
(nasaan), pa’no (paano),
sa’kin (sa
akin), sa’yo (sa iyo),
kelan
(kalian), meron (mayroon)
Sa pag-aaral ng wika, may
kinalamman ang llipunan sa pag-unlad ng wikang Filipino. Sosyolek ang makauri o
makapangkat na paggamit ng wika. Bawat tao ay may uri, grupo o antas na
kinabibilangan. Ang pagpapangkat ay maaaring ibatay sa pagkakapareho ng
trabaho, antas ng edukasyon, uri ng pamumuhay, grupong kinaaaniban o kahit ang
laki o baba ng sweldo. Halimbawa, madalas na may taong halong Ingles yaong mga
nakatuntong sa kolehiyo. Kakaiba at masasabing napakamalikhain naman ang
lengguwahe ng mga bading. Iba ang bolabukaryo ng mga istambay sa kanto kaysa sa
doktor.
Makikilala ang iba’t
ibang barayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na tangi sa pangkat na
gumagamit ng wika. Pansinin kung paanong inilalantad ng rehistro ng mga
sumusunod na pahayag ang pinagmulan ng mga ito:
a. Wiz ko feel ang
mga hombre ditech, day!
b. Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
c. Kosa, pupuga na tayo mamaya.
d. Girl, bukas na lang tayo maglayb . Mag-malling muna tayo ngayon.
e. Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun, e.
Ang sosyolek ay
maaari ring may okupasyunal na rehistro. Pansinin ang mga sumusunod na termino.
Kung maririnig mo ang mga ito sa isang taong hindi mo kilala, ano ang agad mong
iisiping trabaho niya?
hearing, exhibit,
court,
pleading, fiscal, justice,
settlement, appeal, complainant
Ang mga salitang
nakatala sa itaas ay mga legal jargon. Ang jargon ang
mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain.
Ang mga sumusunod
naman ay mga jargon sa disiplinang Accountancy at
iba pang kaugnay na disiplina:
account, balance, net
income,
debit, revenue, asset,
credit, gross income. cash flow
Sa disiplinang
Medisina at Nursing naman ay gamitin ang mga sumusunod:
diagnosis, therapy,
prognosis,
symptom, emergency, patient
check up, ward, x-ray
Kung minsan, ang
mga jargon ng isang larangan ay may kakaibang kahulugan sa
karaniwan o sa ibang larangan. Pansinin ang mga sumusunod na salitang gamitin
sa isports na tennis at kung paano naiiba ang kahulugan ng mga
ito sa karaniwan:
ace, fault, love,
breakpoint, deuce, rally,
slice, advantage, service
Pansinin naman na ang
mga sumusunod na terminolohiya ay may magkaibang kahulugan o rehistro sa
larangang nasa boob ng panaklong:
mouse (Computer,
Zoology)
stress (Language, Psychology)
strike (Sports, Labor Law)
hardware (Business, Computer)
race (Sports, Sociology)
nursery (Agriculture, Education)
operation (Medicine, Military)
note (Music, Banking)
accent (Language, Interior Design)
server (Computer, Restaurant Management)
ETNOLEK nadedebelop mula sa
mga salita ng mga etnolonggwistikong grupo.
EKOLEK kadalasang mula o
sinasalita sa loob ng bahay.
PIDGIN wikang walang pormal
na estruktura.
Halimbawa: Ikaw bili
isda. Naku, ako lugi negosyo.
Ang isang Intsik ay na di maalam sa wikang Pilipino ay
bumubuo ng pangungusap batay sa alam lamang nitong salita.
REJISTER wikang
espesyalisadong nagagamit sa isang partikular na domeyn.
Halimbawa:
Mga partikular na
propesyunal na gumagamit ng kanilang wika sa termino. Halimbawa mga doktor,
arkitekto etc.
CREOLE nadedebelop ang
pormal na estruktura mula sa Pidgin na naging native sa isang partikular na
lugar.
Hallimbawa:
Chavakano. Mula sa wikang Kastila na nakasanayang gammitin at kalaunan ay
kinilalanng native sa Zambuanga na tinawag na Chavakano.
4. Ang Pamantayang
Pangwika o Pormal – Ito ang pahayag na pinakamahusay at pinakamatayog na
pamantayan sa paggamit ng wika ng isang bansa. Naririto ang katangiang pambansa
at karangalang pambansa, gaya rin ng pambansang pilosopiya at sikolohiya sa
tuktok ng kagalingan.
Idyolek – ang indibidwal na
paggamit ng isang tao sa kanyang wika. Partikular ito sa kanyang sarili.
Halimbawa:
May taong gumagamit
nng siya sa halip na ito; may laging nagsisimula sa bale o actually; may
iba namang mura ang itinutumbas sa tuldok.
Ang mga kilalang personalidad ay may tatak na pagbigkas ng
salita maging ang paggamit ng salita.
Halimbawa:
Si Mike Enriquez, Kris Aquino, Zenaida Seva, Noli de Castro
atbp.
http://www.academia.edu/6001666/Antas_ng_Wika
http://www.slideshare.net/jessicavduque/antas-ng-wika-28063693
https://www.wattpad.com/55905648-komunikasyon-sa-akademikong-filipino-varayti-ng
http://tagaloglang.com/Basic-Tagalog/Ano-ang/mga-uri-ng-barayti-ng-wika.html
Ortiz, Allan A. (2015) Wikang Sarili 7. Abiva Publishing House,
Inc. Quezon City