Sabado, Disyembre 24, 2016

Tunay na Damdamin ng Pasko

Tunay na Damdamin ng Pasko
Allan A. Ortiz



   Tuwing sasapit ang Kapaskuhan, ang paligid ay masaya; kumukutitap na parol, abalang mga tao sa pamimili ng regalo, maririnig ang awiting pamasko sa radio maging sa mga malls. Sa kabila ng lahat ng ito, kabaligtaran ang nararamdaman ko – kalungkutan.
 Masaya ako dahil may trabaho ako at nakatatanggap ng bonus at 13th month pay sa aking employer. Pinagpapasalamat ko ang mga bagay na ito. Pinagpapasalamat ko ang anumang dumaratinhg sa aking biyaya maliit man o ito o malaki. Sa mga panahong ito ramdam ko sa aking puso ang kalungkutan. Hindi ko magawang makapagsaya sa tuwing may nakikita akong namamalimos sa lansangan; mga batang walang bagong damit, sapatos o laruan. Mga pamilyang natutulog sa bangketa at walang pagkaing napagsasaluhan. Mayroon mang mga taong nagkakaloob ng aginaldo sa mga kapuspalad nating kababayan ngunit hindi naman lahat napagkakalooban.

                Hindi patas ang mundong ito pagdating sa mga natatanggap na biyaya sa atin. Ang iba’y lubos-lubis ang natatanggap ngunit ang karamihan ay salat. May mga labis na natatanggap subalit ni makapagbahagi ay hindi nila magawa. Nasaan ang puso ng Pasko?

                Naramdaman koi to noong namatay ang aking pinakamamahal na ina noong Disyembre 5, 2001. Ito ang unang Paskong malungkot kami sa aming tahanan. May kulang na kaligayahan kaming hinahanap. Ang aking ama’y lunos ang pagdadalamahati lalo nang makita niya akong nagbubukas ng mga regalo. Sabi niya, “Ang Mama mo sana kasama natin…” Hindi ko magawang masiyahan sa pagbubukas ko ng mga regalo mula sa mga natanggap ko sa aking mga mag-aaral. Ito pa naman ang unang taon na ako’y naging guro. Marami akong mga pangarap sa Mama ko ngunit ang lahat ng iyon ay pangarap na lamang. Sa aking pag-iisa at paglilibot noong Paskong iyon, namulat sa mga mata ko ang mga kababayan nating kapuspalad sa lansangan; mga batang namamalimos at kumakatok ang mga bintana ng sasakyan. Nahabag ang puso ko at tinanong sa aking sarili kung bakit ganoon, ako’y mayroon at sila ay wala. Sa aking katanungang ito, wala rin akong kakayahan upang matulungan sila.
               
Maraming taon ang lumipas at nagpatuloy ang ganitong damdamin. Dala ko sa aking pangarap n asana may magawa ako kahit paano upang makatulong sa mahihirap nating kababayan. Ang Panginoon ay mabuti! Tumutugon Siya sa tamang panahon. Taong 2013 nang mailunsad ang Light of Light Ministry. Nagsimula sa pamamahagi ng school supplies sa mga mag-aaral ng Pamplona Elementary Schiol. Di naglaon ay nakapagbahagi ang ministry, sa tulong ng mga mabubuting kaibigan, napagkalooban ang mga bata ng isang masayang Christmas Party. Sa paghahangad ng mga kaibigan at volunteers ay pinagpatuloy ito sa pagbibigay ng pagtuturo sa mga mag-aaral ng Mabuting Balita at mapaunawa ang pagkakaroon ng relasyon kay Hesuristo. Sa sumunod na taon pati mga magulang ay binabahaginan na rin namin ng pagtuturo ng Mabuting Balita sa tulong mg mga kaibigan sa pananampalataya. Kay buti ng Panginoon.
            
    Sa paglipas ng panahon, naunawaan ko na ang tunay na kahulugan ng Pasko. Ang pagdating ng Tagapagligtas sa lahat ng tao. Noon hindi ko naisasapuso ang mga pangungusap na ito. Sa malalim na relasyon ko kay Cristo, naunawaan ko na kung bakit ko naramdaman ang kalungkutan at ngayon ay napalitan na nang kaligayahan. Ang pag-ibig ng Diyos ay tapat. Pinadala niya ang Kanyang butihing anak upang ang makasalanan ay maligtas. Sa pagtanggap ko kay Cristo sa aking buhay, kusang bumubukal sa akin ang mabuting gawa hindi para sa kin kundi para sa ikararangal ng pangalan ni Hesukristo na Siyang nagligtas sa atin sa ating mga kasalanan.

           
 Ipadama natin ito sa lahat. Ito ang tungkuling nararapat nating gawin upang parangalan an gating Panginoon. Ang ibahagi sa lahat , mahirao man o mayaman ang pagdating ni Hesus sa araw ng Pasko bilang isang mahalagang regalo sa atin ng ating Panginoon. Dapat tayong magalak dahil an gating Tagapagligtas ay isinilang sa miundo. Sa paggunit ng Kanyang kapanganakan, ibahagi natin ang Mabuting Balita na si Hesus ay isinilang sa mundo para sa sangkatauhan upang iligtas tayo sa ating kasalanan. Nararapat nating Siyang tanggapin sa ating buhay upang parangalan ang Kanyang pangalan. s

Miyerkules, Disyembre 21, 2016

Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna




Ang Kaligirang Kasaysayan ng Koridong Ibong Adarna
 Allan A. Ortiz
(Paalala: Kung gagamitin ang artikulo ay kailangang humingi ng pahintulot sa Abiva Publishing House at makipag-ugnayan kay Bb. Sofie Gerong, Manager, Book Development Department, ABIVA PUBLISHING HOUSE, INC.

851 G. Araneta Avenue, 1113 Quezon City Office: (632) 7120245 local 228, Mobile: 0920-9777998)


“Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania” ang tunay na pamagat ng obrang  “Ibong Adarna” Ito ay isang pasalaysay na tula na walang tiyak na petsa ng pagkakalimbag ang tula, maging ang awtor nito. Bagaman pinaniniwalaan ng ilan na isinulat ni Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de la Cruz ang Ibong Adarna ngunit wala pa ring matibay na katibayan na siya nga ang sumulat nito. Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, Si Huseng Sisiw ang nagturo umano kay Francisco Balagtas kung paano sumulat ng tula. 
Umiinog ang kasaysayan ng tula sa magkakapatid na prinsipeng  sina Don Juan, Don Diego, at Don Pedro na pawang nagtiyagang makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na dumarapo sa puno ng Piedras Platas sa Bundok Tabor. Kailangang mahuli  ng kahit sino man sa magkakapatid ang ibon upang mapagaling ang amang hari na dinapuan ng di matukoy na karamdaman na di kayang lunasan ng kahit sinong mediko.  Tanging ang huni ng mahiwagang ibon ang makapagbibigay lunas sa sakit ng hari. Sa hustong gulang ng mga anak ng hari na dumaan sa pagsasanay sa pananandata ay kailangang humarap sa mga pagsubok. Nabigong kapwa sina Don Diego at Don Pedro sa paghuli sa mahiwagang ibon dahil sa nakatulog sa matarling na awit ng Ibong Adarna at naghunos bato nang maiputan ng ibon. Ang kapalaran ni Don Juan ay naiba dahil nabatid niya ang lihim ng mahiwagang ibon sa tulong ng isang matandang lalaking pinagkalooban niya ng tulong sa daan. Ipinagkaloob kay Don Juan ang mahihiwagang gamit upang mabihag ang Ibong Adarna gayindin kung paano mapanunumbalik ang kanyang dalawang kapatib na naging batong buhay. Dahil sa inggit nila Don Pedro at Don Diego kay Don Juan, pinagtaksilan nila ang kanilang kapatid. Iniwan ng dalawang kapatid si Don Juan sa isang malalim na balon na muntik nitong ikasawi at inagaw ang Adarna. Iniligtas si Don Juan ni Donya Maria na nakatira sa ilalim ng mahiwagang balon at ipinagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los Cristal. Sa kanyang pakikipagsapalaran ay naramdaman niya ang pag-ibig sa dalawa pang kapatid ni Maria, na sina Donya Leonora at Donya Juana ngunit  kailangang muling dumaan siya sa mga pagsubok na mula kay Haring Salermo.
Nagtagumpay si Don Juan sa mga pagsubok at nagpakasal kay Donya Maria. Samantala, ang Ibong Adarna ay nagsilbing tagapagbunyag ng lihim na pagtataksil kay Don Juan. Nagsilbi itong instrumento upang itampok ang mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng mga prinsipe sa iba't ibang pook.
Ang tulang korido ay isang anyo ng tulang Español na gumagamit ng sukat na wawaluhin at karaniwang may isahang tugma. Karaniwang pinapaksa ng koridong Español ang buhay o pakikipagsapalaran tulad ng pakikipagsapalaran at buhay  nina Charlemagne (Carlo Magno) at Haring Arthur (Arturo), at ang kaligiran ng Troya, Gresya, at Roma batay sa pag-aaral ni Damiana L. Eugenio. Nakapaloob sa mga elemento ng tulang korido ang matimyas na pag-iibigan, ang relihiyosong paniniwala, at ang kagila-gilalas o di kapani-paniwalang pangyayari. Ang mga katangian ng korido ay kinasangkapan ng mga katutubong Pilipino upang ipakilala ang naiibang kaligiran Batay sa malalim na pag-aaral ni Virgilio S. Almario sa katutubong tulang Tagalog, ang terminong “korido” ay ginamit sa Filipinas upang ibaon ang dalit na isang tulang may sukat ay wawaluhin din at may isahang tugma
Galing ang salitang korido Mehikanong salitang “corridor” na ibig sabihin ay “kasalukuyang pangyayari”, ang salitang ito naman ay mula sa Kastilang “occurido” na isang anyo ng tulang romansa. Ito’y  naglalarawan at nagpapamalas ng pakikipagsapalaran sa buhay ng mga kababalaghan at pantasya, kagitingan, kabayanihan at pagkamaginoo. Lumaganap sa Europa ang korido bilang isang mataas na uri ng libangan na batay sa mga alamat, kuwentong-bayan ng Espanya, Denmark, Pransiya, Gresya, Italya, Austria, Germany,  at maging sa Tsina at Malay o Polenesia.
Ayon na rin sa pag-aaral ni Roberto T. Añonuevo , ang koridong Ibong Adarna ay may 1,056 saknong na  umabot sa 48 pahina. Maraming alusyon ang ginamit sa korido mula sa Europa, sa Gitnang Silangan na may bahid ng Kristiyanismo na nakapalooban din ng mga konseptong Budismo at Islam,.
Hindi nalalayo sa mga epikong bayan sa Pilipinas ang dalumat ng Ibong Adarna batay sa malalim at na pag-aaral ni Añonuevo.. May mga epikong katutubo na may kinalaman sa ibon dahil maraming ibon sa ating bansa. Tulad na lamang ng epikong Kudaman at Manobo ay nakapagsasalita ang ibon at may kapangyarihang makapagpagaling ng karamdaman, nakalilipad ng matayog, at tumutulong sa nakapagpapaamo rito
Sa panahon ng pananakop ng Español, nakaabot sa Mexico ang koridong Ibong Adarna at di kalaunan ay nakarating sa Pilipinas. Ginamit ito ng mga Español sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo na kinapalooban ng katutubong kaugalian ng mga katutubo sa Pilipinas maitanghal ang natatangi at naiibang kaligiran nito gayong ito’y banyagang padron.
Kinahumalingang basahin ng mga katutubo ang korido marahil sa wlaang ibang anyong panitikan ang mababasa maging sa panahong iyon ay mahigpit ang mga prayle sa pagpapahintulot ng paglilimbag o pagpapalaganap ng mga iba’t ibang uri ng babasahin. Kinakailangan may kinalaman sa pananampalataya ang mga akdang ipalilimbag. Naibigan at tinangkilik ng mga katutubo ang maharlikang pamumuhay sa mga kaharian na mababasa sa mga akdang pinalaganap ng mga Español na taliwas sa pamumuhay dito sa Pilipinas.
Sa ibang paningin, ang  Ibong Adarna ay maituturing na kwentong-bayan sapagkat walang tiyak na sumulat nito. Maraming palagay tungkol sa Ibong Adarna: ito ay isalin sa wikang Tagalog, mula sa ibang bansa sa Europa ang orihinal na pangalan ng akda at hindi na naisama ang pangalan ng may-akda; ang pangalan ng tagapagsalin ay hindi naisama sa pagpapalathala; sulat-kamay ang unang salin at hindi nakopya ang pangalan ng naunang nagsalin; hindi tiyak ang tunay na may-akda nito at pinili ng mga tagapagsalin na hindi na isama ang kanilang pangalan sa pagpapalimbag. Naging tanyag ang Ibong Adarna sa ating bansa nang isalin ito sa katutubong wika ibinibenta sa mga perya. Mabilis itong lumaganap dahil karaniwang palipat-lipat ang perya sa mga bayan kung saan may pagdiriwang ng pista. Gayumpaman, di ganap ang paglaganap nito dahil maraming katutubo ang hindi marunong magbasa at ilan kopya ang napalimbag.  Di naglaon, itinanghal sa entablado ang Ibong Adarna gaya ng komedya at moro-moro na napapanood tuwing kapistahan sa bayan. Ang kasalukuyan nating nababasang korido ay isinaayos na salin ni Marcelo P. Garcia noong 1949 batay sa kanyang pag-aaral. Maraming anyo ang Ibong Adarna sa paglipas ng panahon. Hinalaw ito sa pelikula, dulang panradyo, teatro, sayaw at sarisaring pagtatanghal. Nabago ang nilalaman ng Ibong Adarna nang ito’y inilimbag sa teksbuk dahil sa mga editor na huwak nito. Nariyan na binago ang anyo nito maging ang pagbabaybay ng mga salita upang matugunan ang panlasa ng mga mambabasa at nais ng mga publikasyon. Hanggang ngayon, bahagi pa rin ng kurikulum sa mataas na paaralan ang pagbabasa at pagtalakay ng Ibong Adarna na nagpapakilala ng kasaysayan ng ating bansa, kultura, paniniwala, pamumuhay at pag-uugali.
Kahit hindi orihinal sa ating bansa ang Ibong Adarna, kinikilala itong bahagi ng Panitikang Pilipino gaya ng “Bernardo Carpio.” Dahil taglay nito ang kaugalian, kultura, paniniwalang Pilipino tulad ng pagmamahal sa pamilya, magulang, pagpapahalaga sa edukasyon, pananampalataya sa Diyos, pagtulong sa kapwa lalo na sa nagangailangan, pagpapatawad, utang na loob at marami pa.
Higit na pinalalaganap ang obrang ito sa patuloy na pag-aaral sa mataas na paaralan sa ikapitong baitang sa pagpapatibay at kalinangan ng kulturang Pilipino at kahusayan ng panitikang Pilipino.
PAGHAHAMBING NG AWIT AT KORIDO
Ang AWIT at KORIDO ay dinala ng mga Español sa bansa mula sa Europa. Ang “Ibong Adarna” ay sinasabing hango sa mga kuwentong bayan sa iba’t ibang bansa sa Europa tulad ng Germany, Denmark, Romania, Austria, Finlad, at Indonesia. Taglay ng “Ibong Adarna” ang motif at cycle sa mga kwentong bayan: may sakit ang inang reyna o amang hari at tanging mahiwagay bagay gaya ng tubig, halaman o hayop gaya ng ibon ang makapagbibigay lunas sa karamdaman.  
Ilan sa mga akda na may pagkakatulad sa “Ibong Adarna”:
1. Mula ito sa Kwentong “Scala Celi”. Kinalap ng isang paring Dominiko, na sinasabing katha noong pang 1300.
2. Mula sa Denmark(1696).
3. Mula sa Malayo-Polinesia,sinulat ni Renward Branstetter.
4. Mula sa Hessen, Alemanya (1812)  "The Golden Bird"
5.  Mula sa Paderborn, Alemanya
6.  Mula sa Vaderbon, isinulat ni Gretchen Wild ang “Ang Maputing Kalapati” (1808)
7.  Mula sa “Isang Libo’t Isang Gabi”
8. Mula sa Malische- Marchen na tinipon ni Paul Ambruch
Sanggunian: 
http://documents.tips/

https://filipinotek.wordpress.com/

Lunes, Disyembre 19, 2016

Responsibilidad ng Paggamit ng Teknolohiya sa Kasalukuyan


Responsibilidad ng Paggamit ng Teknolohiya sa Kasalukuyan
Allan A. Ortiz
(Paalala: Kung gagamitin ang artikulo ay kailangang humingi ng pahintulot sa Abiva Publishing House at makipag-ugnayan kay Bb. Sofie Gerong, Manager, Book Development Department, ABIVA PUBLISHING HOUSE, INC.
851 G. Araneta Avenue, 1113 Quezon City Office: (632) 7120245 local 228, Mobile: 0920-9777998)


Nabubuhay ang tao sa kasalukuyan sa tinatawag na digital age na  ang lahat ay gumagamit ng mga modernong kagamitan o gadgets. Malaki ang ginagampanan ngayon ng teknolohiya sa pamumuhay ng tao. Mas napadadali nito ang kalagayan o pamumuhay ng tao sa pag-aaral, trabaho, komunikasyon, negosyo at iba pa. Napakalaking tulong ito sa pagpapagaan ng buhay ng tao. Gayundin, napakalaking tulong nito upang mapalaganap ang panitikan Filipino.    
Noon ay pasalimbibig na ibinabahagi ang mga panitikan ng ating mga ninuno hanggang sa paglilimbag upang ito ay mabasa. Ngayon mabilis na itong naipamamahagi at nababasa sa pamamagitan ng paglalagay sa internet. Higit na naging mabilis at mainam ang pagbabahagi at pagpapalaganap ng panitikan sa lahat ng tao at sa iba pang panig ng mundo. Sa tulong ng teknolohiya, gaya ng internet, lalong nakaaakit sa mga kabataan ang pagtangkilik ng panitikan dahil sa maaari na rin itong mapakinggan at mapanood. Nagawa na nilang maglathala ng sarili panitikan sa pamamagitan ng pagba-blog, pagbibigay ng komento, paglalathala ng kanilang sariling kuwento, noobela at iba pa patungkol sa kanilang pangarap at karanasan, pag-a-upload ng mga larawan, o video ng kanilang karanasan at buhay o kilala sa tawag na vlog.
Sa kabilang banda, sobrang kalabisan ang paggamit ng tao ng makabagong teknolohiya at kagamitan maging ng kanilang kalayaan. Sarisaring suliranin ang umusbong sa lipunan gaya ng cyber bullying, cyber crimes, pagnanakaw ng identidad ng ibang tao gamit ang mga social media account at iba pa.
     Kung babalikan natin ang panahon nang mauso ang social media sa bansa gaya ng Friendster, Myspace, Hi5, at Multiply ay nagsisunuran ang maraming Pilipino, lalo na ang mga kabataan na magkaroon ng account. Nariyan na mag-add ka ng mga kaibigan dito basta magandang lalaki o babae bibigyan mo ng imbitasyon. Maging ang pagbabasa ng mga testimonials na binibigay ng mga cyber friends mo rito ay iyong inaabangan, pinagyayabang o hindi kaya inihihingi mo sa kaibigan basta may mabasa lamang sa wall mo. Sa paglipas ng mga taon ay nagkaroon pa ng mas maraming social media platforms ang nagsulputan gaya ng Facebook, Instagram, Twitter, Thumber at marami pang iba. 
     Ayon sa Rapler, sa Pilipinas may 60 milyon -- o 56% ng kabuoang populasyon na nakaka-access sa internet. Taong 2018, inaasahang may 36.2 milyon mula sa 29.88 miyong gumagamit ng Facebook sa Pilipinas kumpara sa karatig bansa sa Asya at sa malalaking bansa gaya ng China ayon naman ito sa ulat sa "Digital in 2017 Global OverviewTaong 2017 nanguna ang bansa sa may pinakamataas na paggamit ng social media. May 4 na oras at 17 minuto ang iginugol ng karaniwang Pilipino sa paggamit ng nito batay sa pagkonsumo ng buwanang paggamit ng data. 
Ngayong 2020 dala ng pandemya tinatayang nasa 10 oras at higit pa ang paggamit ng mga Pilipino sa social media at internet upang may mapaglibanagan habang naka-lockdown. Sa paggamit ng mga social networking sites, kahit sino ay lumulikha na ng sariling account upang makasunod sa trend ng lipunan. Dahil sa ganitong sitwasyon nagsulputan ang suliranin gaya ng pagnanakaw ng identidad, pagkakaroon ng fake accounts, cyber bullying at ang mainit na pinag-uuspaan ang fake news
Kung susuriin, dahil sa mga techie ang mga millennials at kabataan sa henerasyong Alpha, ito ay dahil sa mabilis na pag-usbong ng teknolohiya. Mula sa mga computer at laptops at pag-connect sa internet, mas pinabilis ito sa pamamagitan ng smartphones at wifi. Madali na silang maka-access at makapaglikha ng kanilang account. Sa ganitong paraan ay hindi nila binabasa ang mga terms and conditions na nakasaad sa pagsali sa mga social media networks. Kaya kahit batang paslit sa elementarya ay mayroon nito. Idagdag pa natin ang paglikha ng account ng mga magulang sa kanilang mga anak na kapag tumuntong sila sa edad na sa tingin nila ay maaari na silang gumamit ay ibibigay na sa kanila ang ginawang account
Gayun din ang paglalagay ng mga selfie, na minu-minuto ay naglalagay ang netizens sa sarili nitong mga accounts. Hindi ka pa nakuntento nariyan na ili-link mo pa sa Twitter at Instagram. Pati ang mga isinusulat mo ay hindi maunawaan dahil sa jejemon ito o Taglish o salitang balbal o slang kung tawagin. Isama pa ang mga typo errors, maling bantas at gramatika na nakakainis at nakakasakit ng ulo kapag binasa. Isama pa ang ibinabahaging ang mga post na trending na hindi man lang inalam kung sino ang orihinal na pinagmulan para kilalanin man lang. Maging ang fake news ay ipapasa mo sa iba na hindi man lamang sinuri o binabasa. Dapat natuturuan ang mga kabataan ng netiquette sa paggamit ng social media. Dapat mabatid nila na ang mga ito ay nagagamit rin para sa pambansang layunin para makapagparating ng impormasyon na magbibigay ng kaalaman at solusyon sa umiiral na suliranin sa lipunan. 
     Bawat social networking site ay may kani-kaniyang tungkulin o gamit nito subalit tila hindi ito lubos na nauunawaan ng mga netizens kaya kung saan-saan na lamang nila inili-link ang kanilang mga post para lamang makakuha ng maraming hits, like o layuning mapusuan ng mga makakakita nito. Ano ba talaga ang pangunahing layunin ng gumagamit nito? Magkaugnay ba ang layunin ng gumagamit sa layunin o gampanin ng social networking sites? Nakatutulong ba ito sa nakararami o pansarali lamang ang hangarin upang matugunan lamang ang pansariling interes? 
      May kasabihan, anumang labis ay nakasasama. Sa labis na paggamit ng teknolohiya at kalayaan ng tao na magpahayag, tila nalimutan natin ang responsibilidad sa bawat isa. Kapuwa biktima ang tao at teknolohiya kapabayang umiiral sa ating mundo. Nalimutan ng tao ang kahalagahan at layunin sa paglikha ng teknolohiya at paggamit nito ng tama. Marapat lamang gamitin natin ito nang may kaakibat na respoonsibilidad lalo na ng mga kabataan upang pag-aralan ang panitikan, kultura, at pagbabahagi ng pambansang layunin  upang palaganapin ito.



Wikang Sarili 7, Abiva Publishing House, Inc. 

Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko Gamit ang Pagdulog Biblikal

Kaligirang Pagkasaysayan at Pag-aaral ng Epiko gamit Pagdulog Biblikal
ni Allan A. Ortiz
(Paalala: Kung gagamitin ang artikulo ay kailangang humingi ng pahintulot sa Abiva Publishing House at makipag-ugnayan kay Bb. Sofie Gerong, Manager, Book Development Department, ABIVA PUBLISHING HOUSE, INC.
851 G. Araneta Avenue, 1113 Quezon City Office: (632) 7120245 local 228, Mobile: 0920-9777998)
    
Ang epiko ay isang akdang pampanitikan na nagmula sa iba’t ibang pangkat etniko sa iba’t ibang panig ng mundo. Lumaganap ang ganitong uri ng panitikan sa mga sumunod na salinlahi sa pamamagitan ng pasalindila. Ang pasalindilang pagbabahagi ng epiko ay inaawit ng isang pinuno ng tribu o isang Babaylan. Tanging sa hinirang na susunod na Babaylan o pinuno ng tribu itinuturo ang buong epiko ng kanilang lipi.

Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang kababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari.
Ginamit ng mga ninuno ang epiko upang maipakita ang kaniilang pagpapahalaga, tradisyon, paniniwala , mithiin, at layunin sa buhay.
Marami sa mga epiko sa ibang dako ng daigdig ay may pagkakatulad sa pangyayari at tema. Ano ang dahilan ng pagkakahalintulad ng ilang pangyayari at tema ng mga epikong ito sa iba pang epiko sa daigdig?
Kung pagbabatayan natin ang Bibliya, nasusulat ang paglikha  ni Yahweh sa daigdig (Genesis 1-2) at maging ang tao (Genesis 2:7;21-25). Ngunit nagkasala ang tao (Genesis 3:1-13) na nagdulot ng sumpang binitawan ng Diyos sa kanyang nilalang na tao (Genesis 3:14-19). Kahit na nagparusa ang Panginoon kay Adan at Eva ay nasasaad sa Genesis 3:22 Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, “Katulad na natin ngayon ang tao… Ginamit sa pahayag ng Panginoon ang salitang natin na nangangahulugang hindi iisa ang Diyos. Alam natin na may tatlong persona o Trinity sa iisang Diyos: Diyos Ama, Si Cristo Hesus at Espiritu Santo (Genesis 1:26). Dahil sa pagmamahal ng Diyos sa tao kailangang may magligtas sa tao mula sa kanila ng kasalanan at ang Diyos Anak ang siyang magiging tagapagligtas.

Dahil ito ay nasusulat sa unang aklat sa Lumang Tipan, batid ng mga tao na may magliligtas sa kanila. Hindi nila alam kung sino ang magiging tagapagligtas nila kaya pinapangarap ng mga tao ang kanilang magiging tagapagligtas. Binuo ng mga tao ang katangian ng isang magiging tagapagligtas nila na may kakaibang lakas, may kapangyarihan, makisig, matipuno, matapang, mapagmahal. Ganito ang ilang paglalarawan ng mga sinaunang epiko sa pangunahing tauhan nila.
May mga pangyayari sa ibang dako ng daigdig na nagbabanggit tungkol sa mga higanteng taong nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan at masama. Nakapaloob pa rin sa Lumang Tipan sa Genesis ang tungkol sa mga nilalang na ito. Ang mga anghel ng Panginoon ay nakipagtalik sa mga babae dahil sa taglay nitong kagandahan. (Genesis 6:1-2) Ang tawag sa mga binunga ng pangyayaring ito ay Nephilim o mga higante (Genesis 6:4, Bilang 13:33) Nagbunga ito ng kasamaan sa sa daigdig (Genesis 6:5) kaya ninais ng Panginoon na lupigin ang kasamaan ng mga tao (Genesis 6:7) sa pamamagitan ng malaking pagbaha (Genesis 6:17a).

Maraming epiko sa ibang dako ng daigdig  gayundin sa Pilipinas na may pangyayari tungkol sa malaking pagbaha. Ang epikong “Alim” ng Ifugao, ang epiko ng “Ibalon” ng Bicol. Sa ibang panig ng daigdig ang mga epiko na magtataglay ng tungkol sa malaking pagbaha.

      Ang epiko ng Atrahasis tungkol sa pagbaha ng Gilgamesh, ang epiko sa India na “Manu at Matsha,” ang Mesoamerican flood myths at ang epiko ng Cañari ng etnikong pangkat ng lalawigan ng Azuay at Cañar ng Ecuador ay may epiko ring may pangyayari tungkol sa pagbaha. Ilan lamang ito sa mga alamat o epiko sa daigdig tungkol sa malaking pagbaha. 

Pinatunayan ng isang pagsasaliksik at siyensiya na tunay ang Arko ni Noah. Natuklasan ito ng isang Turkish captain na si Llhan Durupinar noong 1959 habang kinukuhanan ng larawan sa himpapawid ang kaniyang bansa. Ang arko ay natagpuan sa bundok ng Ararat sa Turkey.
Binigyan ito ng malalim na pag-aaral noong 1977. Ang lahat ng detalye at sukat sa Bibliya kaugnay sa arko ay eksakto batay sa natagpuang lugar. Gayundin ang mga artifacts na nakuha mula sa lugar ay nagpapatunay na ang mga naiwang bahagi ay pumapatungkol sa panahon ng panahon ni Noah. 
Ang mga dambuhalang nilalang na inilarawan sa mga epiko gaya ng “Ibalon” at “Indarapatra at Sulayman” ay maaaring paglalarawan sa mga sinaunang nilalang ng Diyos na nasasaad sa Genesis 1:21-24. Maging ang siyensiya ay pinatunayan ang mga nilalang na ito sa mga artifacts ng mga dinosours. Kahit ang mga pelikulang “The Croods” inilararan ang mga sinaunang hayop ay mas malaki pa sa tao o dambuhala. Ang paglalarawan sa mga halimaw o mga dambuhalang hayop sa mga epiko ng ating mga ninuno ay matutukoy natin kung gaano katanda ang epiko. Ang mga dambuhalang hayop na nilalang ng Panginoon sa daigdig ay kahalintulad ng paglalarawan ng sa mga epiko.
Ang pakikipagsapalaran at pakikipaglaban ng bayani ng epiko sa mga halimaw ay nagpapakita ng paghahangad ng tao na mailigtas sila sa mga mababangis na hayop o halimaw na naghahari noon sa lupa, karagatan at himpapawid.
Paano nagkakatulad ang ilang bahagi o pangyayari ng epiko sa ibang panig ng mundo? Kung babalikan natin muli ang pangyayari sa Bibliya, naunang nangyari ang paggunaw sa daigdig gamit ang tubig o ulan. Ang sunod nito ay nang magalit ang Diyos dahil sa pagnanais ng tao na makarating sa langit sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang mataas na tore na tinawag na Bebel (Genesis 11). Ang Bebel sa wikang Hebreo ay nangangahulugang “ginulo.” Ginawa ng Panginoon na guluhin ang tao na ibahin ang wika nito sa iba’t ibang wika(Genesis 11:7:9). Nagsama-sama ang magkakaparehong wika at nagkani-kaniyang lakbay patungo sa iba’t ibang panig ng mundo. Kaya dala ng mga taong ito sa kanilang lupaing pinanahanan ang kasaysayang nangyari na nasusulat sa Genesis. Kaya may ilang paniniwala, tradisyon, mithiin at layunin ang kanilang sinaunang panitikan.
Hanggang sa ngayon taglay pa rin ng iba’t ibang uri ng panitikan ang paghahangad ng tao na magkaroon ng isang bayaning magtatanggol sa kanila laban sa kasamaan. Dahil ang mundo ay napaliligiran ng kasamaan dahil sa kasalanang dulot ni Eva at Adan sa Hardin ng Eden (Genesis 3:6-7). Ngunit ang tagapagligtas ng tao na si Hesus ay dumating na sa mundo at inako na ang lahat ng kasalanan ng tao sa pamamagitan ng sakripisyo Niya sa krus. Kung babalikan natin sa Genesis 3:21 ay ginawan ng Panginoon ang mag-asawang Eva at Adan ng damit na yari sa balat ng hayop. Pinakikita nito ang unang sakripisyong ginawa ng Diyos para sa tao. Pumatay ng hayop ang Diyos bilang sakripisyo upang takpan ang katawan nito na nagdulot sa kanya ng kahihiyan dahil sa kasalanan. At ang unang hayop na ginawang sakripisyo ng Panginoon ay walang bahid ng kapintasan; ibig sabihin puro o dalisay. Sa sakripisyo ay may pag-aalay ng dugo gaya ng pag-aalay ni Hesus sa krus dahil inako Niya ang lahat ng kasalanan ng tao at si Hesus ay walang bahid ng kasalanan kaya siya tinawag na kordero ng Panginoon; dakilang handog sa Panginoon upang patawarin ang tao sa kasalanan.

     Nananatili ang epiko bilang bahagi ng mayamang tradisyon o 

kasaysayan ng isang tribo sa pamamagiitan ng pasalimbibig. Hanggang 

sa kasalukuyan pinag-aaralan ang mga epiko ng mga sinaunang tao 

upang kilalanin ang kanilang kultura, paniniwala, pamumuhay, 

tradisyon, mithiin at layunin sa buhay.

Linggo, Nobyembre 20, 2016

Suring Pelikula - Pagtalakay ni Allan A. Ortiz


SURING PELIKULA

(Paalala: Kung gagamitin ang artikulo ay kailangang humingi ng pahintulot sa Abiva Publishing House at makipag-ugnayan kay Bb. Sofie Gerong, Manager, Book Development Department, ABIVA PUBLISHING HOUSE, INC.


851 G. Araneta Avenue, 1113 Quezon City Office: (632) 7120245 local 228, Mobile: 0920-9777998)


            Ang pelikula ay isang uri ng komunikasyon kung saan ang mensahe o ang punong kaisipan ay inilalahad sa pamamagitan ng isang isinadulang kuwento. Ang sanhi ng pag-aaral o pagsusuri ay ang pagtaas ng mga insidente ng karahasan na pinangungnahan ng mga kabataan noong panahong 1920’s. Ang mga artistang gumaganap at karakter na nisinasabuhay nila ay nagiging modelo ng mga nakakapanood partikular ng mga kabataan.

            Sa pagsusuri ay tinitingnan ang lahat ng aspeto ng pelikula. Hindi lamang ang kagandahan ng pelikula o sa tauhang gumaganap dito bagkus binibigyang halaga rin ang disenyo ng mga ilaw, ang pagkilos ng kamera, ang paghahati-hati at pagkaksunud-sunod ng mga eksena, at ang paggamit ng angkop na tunog o sound effects. Ang kabuuang elementong ito ang nagbibigay-buhay sa pelikula at nagiging batayan ng isang de kalidad na pelikula.



Katangian ng Pelikula Ayon Kay Ricky Lee
  1. Ang pelikula ay isang audio-visual.
  2. Ang internal ay ginagawang external, ang abstract ay ginagawang physical, upang maging cinematic.  Ang hindi nakikita o naririnig ay hindi mailalagay sa screen.
  3. Ang mga imahen (images sa pelikula ay putol-putol: mga paa, ulo, hagdan, o bintana.  hindi kailangang kita lahat.)
  4. Ang pinagputol-putol na imahen ay pinagsama-sama o pinagdugtong-dugtong upang may makitang kabuuan ang manood.  The parts represnts the whole.
  5. Dahil hindi kailangang ibigay ang lahat, ang pelikula ay may kakayahang mag-distort ng time at ng space.
  6. Ang pelikula ay naka-fix sa ksalukuyan.  Walang hinaharap, walang nakalipas sa pelikula.  lahat ng pinanonood mong nangyayari ay nangyayari ngayon.
  7. Kagaya ng entablado o tanghalan, ang pelikula ay may fixed na haba.  Kadalasan ito ay dalawang oras.
  8. Ang pelikula ay gawa ng maraming tao – mga artista, ekstra, cinematographer, production designer, creative people, at iba pa.


Batayan ng Gawad Urian sa Pagsusuri ng Pelikula

http://www.pinoystop.com/news/celebrity/1149/jericho-rosales-wins-best-actor-at-the-gawad-urian-for-indie-film-alagwa


  1. Nilalaman.  Higit na mausay ang nilalaman ng isang pelikula kung ito ay makatotohanang paglalarawan ng kalagayan ng tao mula sa pananaw ng Pilipino, at kung ito ay tumatalakay sa karanasang Pilipino na makahulugan sa higit na nakararaming manonood.
  2. Pamamaraan. Paggamit at pagsasanib ng filmaker sa iba’t ibang elemento ng pelikula.
  3. Pinakamahusay na Pelikula.  Nagpapakita ang pinakamahusay na pelikula ng mapanlikhang pagsasanib ng iba’t ibang elemento ng pelikula, sa antas na di napanayan ng mga pelikulang kahanay nito.
  4. Pinakamahusay na Direksyon. epektibo ang direksyon kung matagumpay ang direktor sa pagbibigay-buhay sa dulaang pampelikula, at nagawa niyang ipabatid ang kanyang pagkaunawa sa materyal sa pamamagitan ng mapanlikhang pagsasanib ng iba’t ibang elemento ng pelikula.
  5. Pinakamahusay na Dulang Pampelikula.  Epektibo ang dulang pampelikula kung ito ay may makabuluhang nilalaman o karanasang sinusuri at binabalangkas ito sa paraang orihinal ayon sa pangangailangan ng midyum ng pelikula.
  6. Pinakamahusay na Pagganap. Matagumpay na napaniwala ng artista ang manonood sa tauhang kanyang inilalarawan.
  7. Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksyon. Naisakatuparan sa malikhaing pamamaraan ang pook, tagpuan, make up, kasuotan, at kagamitan na nagpalitaw ng panahon, kapaligiran, at katauhang hinihingi ng realidad ng dulang pampelikula.
  8. Pinakamahusay na Sinematograpiya. Matagumpay na paglalarawan ng ng nilalaman sa pamamagitan ng pag-iilaw, komposisyon, galaw, at ibang kaugnay na teknik ng kamera.
  9. Pinakamahusay na Editing. Malikhaing pinakikitid nito o pinalalawak ang oras, kalawakan, at galaw upang pangibabawin ang anumang nais ipahayag ng filmaker.
  10. Pinakamahusay na Musika. Pinalilitaw ang kahulugan, pinatitungkad ang atmospera at damdamin, nakatutulong sa pagtiyak ng katauhan, at inaayunan ang ritmo at daloy ng pelikula.
  11. Pinakamahusay na Tunog.  Naisalin nito nang buhay na buhay ang diyalogo, musika, epektibong tunog at katahimikan, at ang mga ito’y naisasaayos sa malikhaing paraan.

Mga Bahagi ng suring pelikula


  1. Panimula – kagaya nang sa isang pagsusuri, kinakailangang bigyan ang mga mambabasa ng perspektibo sa kung patungkol ang iyong pagsusuri. Kinakailangang bigyan ng background tungkol sa pelikula na bibigyan ng pag-aanalisa ang kung paano bibigyan ito ng pagsusuri.
Maaaring ibigay sa mga mababasa ang tungkol sa kung anong uri ng pelikula ang susuriin. Ito ba ay komersyal o isang art film? Ano ang sinaryo sa isang bansang pinanggalingan ng pelikula nang isinagawa ito? Ano sa iyong hinuha ang mga layunin ng pelikula?

Sa panimula, kinakailangang banggitin ang pamagat ng pelikula, produksyong gumawa ng pelikula, ang mga artistang nagsipagganap, sumulat ng pelikula, production designer, director ng photogtapiya, producers, executive  producers, at director. Maaring idagdag sa panimula kung 
ito ay halaw sa isang nobela, kung saan nakabase ang pelikula.

  1. Synopsis – ito ay maikling buod ng pelikula. Dito makikita ang mga mahahalagang impormasyon at kaganapan na lumutang sa pelikula. Ang mga pangyayari ay nagsisimula sa tagpuan, plot o banghay, kasukdulan at wakas ng pelikula.
  1. Kuwento – sa pagsuri ng kuwento ng pelikula, kinakailangang matukoy kung ano ang genre ng pelikula. Ang genre ay uri ng pelikula kung saan natukoy ng manunuod at gumawa ng pelikula. Ang mga karaniwang genre ay musical, melodrama, thriller, comedy, disaster films, spy films, samurai films, Westerns, atbp. Bigyang komento kung nabigyang kasiglahan ang mga manunuood batay sa genre  ng pelikula.
Bigyan ng masusing pagsusuri ang storyline. Paano pinaulad ng manunulat ang kasaysayan ng pelikula. Akma ba ang mga tagpuan? Ano-ano ang mga tagpuan? Ano-ano ang mga suliraning umusbong sa pelikula? ang mga sub-plots? Ito ba ay kinakailangan? Lahat ba ng mga tagpo ay kinakailangan upang mapaunlad ang kasaysayan ng pelikula? Ano ang suliranin? Paano ito nilutas? Ano ang nais iparating ng pelikula sa kabuoan? Ano ang aral na makikita sa pelikula? Ano ang istilo ng manunulat upang ipakita at inilapat sa pelikula? Paano ito nakatulong sa kabuoan ng pelikula? Paano ipinamalas ang kasukdulan ng pelikula? Paano nagwakas ang pelikula? Nakamit ba ng gumawa ng pelikula ang kanilang layunin nang gawin ang pelikula?

  1. Karaktirisasyon – ang pagsasatao ng mga karakter ng pelikula ang binibigyang suri sa bahaging ito ng pelikula. Ang kasaysayan ng pelikula ay nakapainog sa mga tauhan ng pelikula o karakter. Kahit ito ay mula lamang sa imahinsyon ng manunulat ng pelikula, kinakailangang madama ng manunuod ang nga karakter o tauhan sa pelikula. Kinakailangang maanalisa ang mga panunahing karakter o tauhan sa pelikula. Tingnan ang kanilang historical background sa pelikula. Ano ang kanilang ginagawa sa kasalukuyan? Ano ang nais nilang mangyari sa hinaharap? Ano ang kanilang gusto at pangangailangan? Paano sila mag-isip? Ano ang nagpapagalaw sa kanila o nagbibigay sa kanila ng motibasyon upang kumilos? Ano ang kanilang mga hangarin? Ano ang sagabal sa pagkamit ng kanilang hangarin? Alaming mabuti ang bawat karakter at talakayin sa iyong sariling pag-aanalisa. 
  1. Pagganap – ito ay ang mga artistang gumanap sa karakter ng pelikula. Binibigyang suri ang pagkakaganap ng mga artista sa mga karakter na pinakilala sa pelikula. Kapani-paniwala ba ang kanilang pagkakaganap? Nakulangan ka ba sa kanilang pagganap? Saang bahagi ng pelikula ito nakita? Subuking sagutin ang ilang katanungan sa pagkakaganap ng mga artista sa pelikula kung nakulangan o nagalingan ka sa kanilang pagganap.
  1. Tunog – isa sa mahalagang bahagi ng pelikula ang tunog. May tatlong anyo ang tunog: musika, ingay at speech. Ang speech ay boses o tinig ng mga aktor/aktres. Ito ay maaaring dubbed o live sound. Music ay soundtract na inilapat sa pelikula. Ingay ay mga sound effects.
Ang tunog ay isinasagawa nang hiwalay sa pagkuha ng mga eksena. Mahalaga ng tunog sa kabuoan ng pelikula. Ito ay nagpapabuti sa pakiramdam ng manunuod upang tutukan ang pelikula. Nakatutulong din ang tunog sa pag-unawa sa kasaysayan o kuwento ng pelikula. Nabibigyang din ng tunog ang pagbibigay ng interpretasyon ng manunuod sa tagpo ng pelikula. Halimbawa, sa isang horror film, ang tunog na nakakatakot ay magbibigay sa mga manunuood ng kaisipan na may mangyayaring masama. Ang tunog ay nakapagdurugtong o nakapaghihiwalay ng mgab tagpo sa pelikula. Maaring suriin sa tunog kung paano inilapat ang mga tunog at pinagsama-sama ang mga ito.

  1. Sinematogtapiya – May tatlong katangian ang sinematograpiya. Ito ay photographic image, the framing of the shots at the duration of the shots.
Ang photography ay tinatawag ding writing in light. Malaki ang ginagampanan ng potograpiya sa sinematograpiya. Kinakailangan ng camera upang malaman kung gaanong ilaw o liwanag ang kakailanganin na dapat makuha sa camera.  Ang range of tonalities ay nangangahulugang tekstura at kulay na makikita sa pelikula. Ang mga imaheng makikta ba ay madilim o maliwanag o napakaliwanag. Ang tekstura ay maaaring nakita kung ang pelikula ay blur o malabo. Ang speed of motioinspeed of motioin ay ang paggalaw ng mga kilos sa isang pelikula. Kung ang ginamit ba ay ­slow-motion, ordinary o normal o fast-motion.

  1. Editing – Ito ay ang pagkakabit-kabit ng mga eksena na hiwa-hiwalay na kinunan. Malinaw bang napagtagni-tagni ang mga pangyayari nang eksena sa pelikula. Maayos bang nailapat ang paraan sa pag-eedit gaya nang fade out, dissolves, wipes. Ang ibig sabihin ng fade out ay pagdilim sa huling bahagi ng isang shot. Dissolve ay isang mabilis na mabilis na paglagay ng susunod na shot mula sa nauna. Ang wipe ay pagpapalit ng susunod na shot na may gumagalaw na boundery line na makikita sa screen. Sa pagsuri ng editing kinakailangang makita ang paguugnay-ugnay ng mga eksena sa bawat frame at malinis ang pagkakakabit-kabit ng mga ito.
  1. Kasuotan, Makeup at Production Design – ang kasuotan at makeup ay ang panlabas na anyo ng mga actor at aktres. Makikita ang kasiningan ng pelikula mula sa mga kasuotang ginamit. Naipalalabas ng kasuotan at makeup ang ginagampanang karakter ng mga artista sa pelikula.Naipakikita rin sa pamamagitan ng kasuotan ang panahon na ipinamalas sa pelikula. Ang production design  ay kinabibilangan nang set design, backdrop at props. Tinutukoy nito kung ano ang tagpuan ng isang tagpo. Halimbawa, may isang lalaking pupunta sa bahay ng isang mahirap na ginoo. Kinakailangang maipakita ng production designi ang kung ano ang itsura ng bahay ng mahirap na ginoo mula sa kasangkapan, sahig upang mapakita ang kalagayan ng mahirap na ginoo.
  1. Musika – ang paglalapat ng musikang may awitin sa bahagi ng pelikula ay sinusuri rin. Maaari itong soundtrack o kombinasyon ng diyalogo, tunog at musika o kaya musical score, ito ang paglalapat ng soundtrack sa bahagi ng pelikula. Kilala ang musical score sa paglalapat ng movie themesong sa bahagi ng pelikula akung saan tayo pinakikilig o dili kaya’y mas naantig dahil sa musikang inilapat sa bahagi ng eksena ng pelikula. Maaari ring panay musika lang na walang liriko ang siyang inilapat sa eksena ng pelikula kung saan nagpadama sa atin ng mas lalong emosyon ng eksena ng pelikula.
  2. Direksyon – Mahirap ang ginagampanan ng isang director dahil kinakailangang maipamalas ng director ang kanyang bisyon sa pelikula sa kanyang producer at scriptwriter. Dapat maiugnay ng director ang mensahe ng pelikula sa mga manunuod. Ang tungkulin ng director ay maiugnay nito ang mga eksenang nakasulat sa iskrip. Dapat napag-ugnay-ugnay nito nang mahusay ang mga elemento ng pelikula mula sa mga pagganap ng artista, sa tunog, musika, kasuotan, props at disenyo ng produksyon, editing at iba pa. Ang isang mahusay na director ay naipamamalas niya ang isang mahusay na gawang pelikula
  3. Konklusyon at Rekomendasyon – sa bahaging ito, maaaring ilagay ang iyong pagbubuod o paglalagom sa mga key points na tinukoy sa iyong ginawang pagsusuri. Balikan ang mga elemento ng pelikula na binigyang suri at mula rito ay maaaring magbigay ng sariling rekomendasyon kung paano pa mapagbubuti ang isang pelikula mula sa iyong saring  paghuhusga.

Sablay, Claire T. Students’ Guidebok in Writing School Paper (2005) Smart Book Publishing.
Sagguniang larawan: 
Heneral Luna: https://en.wikipedia.org/wiki/Heneral_Luna


Sabado, Nobyembre 12, 2016

SAMPLE SCRIPT RADIO NEWS BROADCAST (Filipino) Isinulat ni Allan A. Ortiz


SAMPLE SCRIPT RADIO NEWS BROADCAST
Isinulat ni Allan A. Ortiz
(Paalala: Kung gagamitin ang artikulo ay kailangang humingi ng pahintulot sa Abiva Publishing House at makipag-ugnayan kay Bb. Sofie Gerong, Manager, Book Development Department, ABIVA PUBLISHING HOUSE, INC.
851 G. Araneta Avenue, 1113 Quezon City Office: (632) 7120245 local 228, Mobile: 0920-9777998)


Program Title:                                        - Bilis Balita Ngayon
FORMAT:                                               - Balita
Station                                                    - DWST 10.05
Airtime                                                    - 8:00 a.m. – 8:05 am daily
Petsa ng Newscast                  _ ___________
Talents
                             Anchor:                      Allan Ortiz
                             Reporter                     Toni Peru
                                                                 Art Roaring
                             Field Reporter           Mar  Almosa
                                                                            

NEWS BROADCAST MSC FADE UP
STATION ID MUSIC FADE UNDER
VOICE OVER

Ang himpilan ng mamamayan at sandigan ng malayang pamamahayag ito ang DWST 10.05.  Kapisanan ng mga broadcaster ng Pilipinas. DWST 10.05 ang Radyo ng Pilipino sa inyong talapihitan.


NEWS BROADCAST MSC FADE UNDER
INTRO
VOICE OVER

            Mula sa bulwagang pambalitaan ng DWST 10.05 narito ang matapang na maghahatid ng nagbabagang mga balita ang inyong tagapagbalita na si Allan Ortiz, ito ang Bilis Balita Ngayon!


NEWS BROADCAST MSC FADE UP
SFX CHIME
VOICE OVER

                Ang oras sa buong kapuluan, alas otso ng umaga.

NEWS BROADCAST MSC FADE UNDER
ALLAN

Magandang, magandang umaga sa inyong lahat. Ako po ang inyong kabalitaan ss umagang ito Kabayang Allan Ortiz at kayo’y nakikinig sa Bilis Balita Ngayon!
Para sa ulo ng mga balita ngayong araw ng Lunes, ika-14 ng Nobyembre 2016.
Delima at iba pa, pinakakasuhan ng NBI.
Pagpasok ng Chinese firms sa government projects bubusisain.
Estudyante timbog sa party drugs.
Para sa lokal na balita, Tanod todas sa tandem
Para sa showbiz balita, Married life na ng AlDub ang istorya sa kalyeserye


SFX CHIME
VOICE OVER
Oras ngayon, isang minuto minuto makalipas ang ika-walo ng umaga.

Delima at iba pa, pinakakasuhan ng NBI.   
Nirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) na sampahan ng kaso sina Senator Leila de Lima,  ilang government officials at inmates sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Department of Justice (DoJ).
Isasampa laban kay De Lima ay paglabag sa Dangerous Drugs Act at Anti-Graft and Corrupt Practices Act, sa pangunguna nina NBI spokesman Ferdinand Lavin at Anti-Illegal Drugs Division (AIDD) chief Joel Tovera.

Kaugnay sa kaso ay ang paglabag sa Republic Act (RA) 6173 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees..
Ito ay nakabatay sa kanilang preliminary investigation na nagsimulan noong Oktubre 4.
Pinakakasuhan din ng NBI sina dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Franklin Bucayu, dating Justice Undersecretary Francisco Baraan III, at dating BuCor officer-in-charge (OIC) Rafael Ragos. Direct bribery at sa kasong paglabag sa Anti-Graft & Corrupt Practices Act, RA 6173.
Ayon kay Lavin, lumalabas na ang sanga-sangang koneksyon kaugnay sa pagkakasangkot ng mga perosnalikdad sa iligal na droga..
Kasama rin na kakasuhan ay sina sina Ronnie Dayan at Joenel Sanchez na dating mga tauhan ng Senadora, NBI Intelligence Agent Jovencio Ablen Jr., Wilfredo Elli, Julius Rejuso, isang alyas ‘George’, Lyn Sagum na assistant ni De Lima at Jesusa Francisco. Gayundin ang mga inmates sa NBP na sina  Jaybee Sebastian, Herbert Colangco, Wu Tuan Yuan alias Peter Co, Engelbert Durano, Vicente Sy, at Jojo Baligad na inmates sa NBP. (Argyll Cyrus B. Geducos)

NEWS BROADCAST MSC FADE UP
STATION ID
DWST 10.05
NEWS BROADCAST MSC FADE UNDER
Samantala, pagpasok ng Chinese firms sa government projects bubusisain para sa detalye narito si Toni Peru.Toni, bilis, balita mo ngayon!

SFX
NEWS BROADCAST MSC FADE UNDER
TONI

Pinasisilip sa Senado ni  Senator Leila de Lima ang bilyung halaga ng proyektong pinasok ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng China sa kanyang tatlong araw na state visit noong Oktubre.

Narito ang mga pahayag ni De Lima: “ Dapat malaman ang 17 investment projects alinsunod na rin sa probisyon ng Saligang Batas na nagsasaad ng “full public disclosure of all its transactions involving public interest.”
“It has been our nation’s unfortunate and oft-repeated experience that questionable contracts are only discovered after public funds have already been expended, and the public interest has already been compromised.” 

Sabi pa ni De Lima, may pitong Chinese firms at isang indibidwal ang nasangkot sa anomalya at pinagbawalan nang makilahok sa mga proyekto ng WB hanggang 2017 na nakasaad sa ulat ng World Bank (WB) noong 2009 at 2001.
Hindi hangad ni De Lima sa kanyang panukala na hadlangan ang mga proyekto ng pamahalaan, hangarin niyang ay malinawan ang mga transaksyon, paglilinaw ni De Lima.
Ako si Toni Peru, nag-uulat para sa Bilis Balinta Ngayon ng DWST.

NEWS BROADCAST MSC FADE UP
STATION ID
DWST 10.05
NEWS BROADCAST MSC FADE UNDER
Sa iba pang balita…Estudyante timbog sa party drugs.
Nakumpiska nitong Miyerkules ng gabi ang labing-apat na piraso ng ecstasy ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) sa isang estudyante sa buy-bust operation sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City.
Nahaharap ang suspek na si Kim Go, 21, ng Taguig City sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Isinagawa ang buy-bust operation  laban sa suspek, sa pangunguna ng mga kagawad ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (DAID-SOTG) ng SPD sa BGC dakong 10:00 ng gabi.
Tumayong tumayong poseur buyer ng limang tableta ng ecstasy sa halagang P2,500 ang isang pulis. Sa aktong pag-abot sa poseur buyer  ay agad dinakip na ng mga pulis si Go, at nahulihan pa ng siyam na ecstasy pills na isinilid sa isang candy box.
Ayon kay Taguig City Police chief Senior Supt. Allen Ocden, matagal nang nasa police surveillance ang suspek matapos makumpirma ng ilang asset ng pulisya na nagbebenta si Go ng ecstasy sa BGC at iba pang lugar sa Maynila.
Nakadetine si Go sa SPD sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Patuloy ang follow-up operation ng awtoridad sa pamilya ni Go  laban sa umano’y supplier niya ng party drugs at iba pang kasabwat. .
http://balita.net.ph/2016/11/11/estudyante-timbog-sa-party-drugs/

NEWS BROADCAST MSC FADE UP
STATION ID
DWST 10.05
NEWS BROADCAST MSC FADE UNDER
ALLAN
Para sa lokal na balita, Tanod todas sa tandem, para sa detalye narito si Mar Almosa.Mar, bilis, balita mo ngayon!


SFX
NEWS BROADCAST MSC FADE UNDER
MAR
Bulagta hinihinalang tulak ng ilegal na droga  na isang barangay tanod na  makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.
Naliligo sa kanyang sariling dugo si Emilliano Pahayhay, alyas “Intoy”, tinatayang nasa 40 hanggang 45-anyos, ng Barangay Tambo, Paranaque City na may ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dakong dakong 1:20 ng madaling araw naganap ang pamamaslang ng dalawang suspek na sakay sa motorsiklong walang plaka sa Quirino Avenue, Bgy. Tambo batay sa ulat na nakalap ni Parañaque City Police chief Senior Supt. Jose Carumba.
Batay sa ulat, nakatambay umano ang biktima sa lugar nang dumating ang mga suspek at pinaputukan si Pahayhay.
Iniuugnay sa ilegal na droga ang motibo sa pamamaril lalo na’t kilala umano ang napaslang na drug pusher sa kanilang lugar Ayon kay Carumba.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
Ako si Mar Almosa, nag-uulat para sa Bilis Balinta Ngayon ng DWST.
SFX
NEWS BROADCAST MSC FADE UNDER
ALLAN
Maraming salamat Mar Para sa showbiz balita, Married life na ng AlDub ang istorya sa kalyeserye, para sa detalye, nariro si Art Roaring,. Art,  blis balita mo ngayon.


SFX
NEWS BROADCAST MSC FADE UNDER
ART
Tuwang-tuwang sumusubaybay araw-araw ng AlDub Nation ang buhay mag-asawa nina  Mr. & Mrs. Alden Richards  ng kalyeserye ng Eat Bulaga.  
Matapos nilang ‘ikasal” noong October 22 ay nag-honeymoon ang bagong kasal sa Europe. November 1 ay lumipad ang AlDub papuntang London at Germany.

Ibinabahagi lamang ng mga lola ni Yaya Dub na sina Lola Nidora na ginagampanan ni Wally Bayola, Lola Tidora na ginagampanan ni Paolo Ballesteros  at Lola Tinidora na ginagampanan naman ni Jose Manalo  sa tagasubaybay ng kalyeserye ang mga nangyayari sa pullutgata ng dalawa sa Europe.
Matatandaan nang bumalik sila sa bansa noong Lunes, tinanong agad ng mga lola si Maine kung may may nabuo na sa kanyang sinapupunan. Sinagot agad sila na wala pa. Ngunit bago natapos ang episode, may nais nang ipagtapat si Maine kay Lola Nidora na inabutan ng busina, na ikinasabik ng mga manonood. Sabi ni Bossing Vic Sotto, hindi sila papayag kung hindi nila malalaman kung ano ang sekreto ni Maine.
Martes nang ipinagtapat ni Yaya Dub (Maine Mendoza) ang mga nararamdaman niya. Madalas nakararamdam siya ng pananakit ng ulo at pagkahilo.  Hinala nila na  may jet lag  pa sila at di pa nakakapag-adjust sa oras. Ipinatapat ni Yaya Dub na malakas maghilik si Alden. Ikinagulat ng lahat maging ni Alden ang biglaang pagtayo ni Maine nagsuka sa lababo.
Nang sumunod na araw, labis ang pag-aalala ni Lola Nidora, pero sina Tidora at Tinidora, nasasabik dahil hinala nilang magkakaapo na sila ng apo sa tuhod.  Sa tuwing nababanggit ang bagay na ito ay hinihimatay si Nidora. Dapat makatiyak silang magkakaapo na sila kapag nagpakita ng senyales ni Yaya Dub gaya ng paghingi nito ng maasim na pagkain.
Nang pumasok na ang mag-asawa sa bahay ay ibinahagi nilang nakapag-adjust na sila sa jet lag. Ikinuwento pa ni Alden na pinagluto niya si Maine ng almusal at pinagsilbihan. Nag-breakfast in bed ang dalawa.
Sa kalagitnaan ng kalyeserye ay biglang humingi si Maine ng maasim na maasim na mangga na may bagoong, na siyang ikinahimatay na naman ni Lola Nidora. 
Agad naglabas ng manggang hilaw si Alden. Sinabi ni Maine na may ipagtatapat siya kay Alden ngunit  siya naman ang biglang nawalan ng malay. 
Bakit kaya hinimatay si Maine? Alamin natin sa pagpapatuloy ng daily episode ng kalyeserye.
Para sa showbiz chika, ako si Art Roaring nag-uulat para sa Bilis Balita Ngayon ng DWST.



NEWS BROADCAST MSC FADE UP
STATION ID
DWST 10.05
NEWS BROADCAST MSC FADE UNDER
ALLAN
Maraming salamat Art.
At iyan ang mga maiinit at sariwang mga balita ngayong ika-14 ng Nobyembre 2016.
Mga balitang  nakalap  ng buong puwersa ng DWST 10.05 sa aming mas pinalawak na pagbabantay. Muli, ito ang Bilis Balita Ngayon! Ako si Allan Ortiz ang inyong naging tagpag-ulat.
NEWS BROADCAST MSC FADE UP
STATION ID
VOICE OVER
Ang himpilan ng mamamayan at sandigan ng malayang pamamahayag ito ang DWST 10.05.  Kapisanan ng mga broadcaster ng Pilipinas. DWST 10.05 ang Radyo ng Pilipino sa inyong talapihitan.

SFX – CHIME
VOICE OVER
Ang programang ito ay inihatid sa inyo ng Dunkin Donut, ang pasalubong ng bayan.

BIZ – ADVERTISEMENT (INFOMERCIAL DUNKIN DONUT)
MSC SAD INSTUMENTAL
FADE UNDER

Anak: Tatay!
Nanay: Anak, huwag ka nang humabiol sa Tatay mo.
Tatay: may trabaho si Tatay. Hintayin mo ako at may pasalubong ako sa iyo pag-uwi ko.
Anak: Talaga? 
Tatay! oo anak. 
MSC HAPPY INSTUMENTAL
FADE UNDER
Anak! Tatay!
Tatay! Anak, Heto ang pasalubong ko sa iyo! 
                                                            VOICE OVER
Masaya ang pamilya kung pasalubong ay pinagsasaluhan. 
Isang paalala ng Dunkin Donut, NCCA at ng himpilang ito.