Kaligirang Pagkasaysayan at Pag-aaral ng Epiko gamit Pagdulog Biblikal
ni Allan A. Ortiz
(Paalala: Kung gagamitin ang artikulo ay kailangang humingi ng pahintulot sa Abiva Publishing House at makipag-ugnayan kay Bb. Sofie Gerong, Manager, Book Development Department, ABIVA PUBLISHING HOUSE, INC.
851 G. Araneta Avenue, 1113 Quezon City Office: (632) 7120245 local 228, Mobile: 0920-9777998)
Ang epiko ay isang akdang pampanitikan na
nagmula sa iba’t ibang pangkat etniko sa iba’t ibang panig ng mundo. Lumaganap
ang ganitong uri ng panitikan sa mga sumunod na salinlahi sa pamamagitan ng
pasalindila. Ang pasalindilang pagbabahagi ng epiko ay inaawit ng isang pinuno
ng tribu o isang Babaylan. Tanging sa hinirang na susunod na Babaylan o pinuno
ng tribu itinuturo ang buong epiko ng kanilang lipi.
Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa
mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway
na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang kababalaghan at
di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga
kagila-gilalas na mga pangyayari.
Ginamit ng mga ninuno ang epiko upang maipakita
ang kaniilang pagpapahalaga, tradisyon, paniniwala , mithiin, at layunin sa
buhay.
Marami sa mga epiko sa ibang dako ng daigdig
ay may pagkakatulad sa pangyayari at tema. Ano ang dahilan ng pagkakahalintulad
ng ilang pangyayari at tema ng mga epikong ito sa iba pang epiko sa daigdig?
Kung pagbabatayan natin ang Bibliya,
nasusulat ang paglikha ni Yahweh sa
daigdig (Genesis 1-2) at maging ang tao (Genesis 2:7;21-25). Ngunit nagkasala
ang tao (Genesis 3:1-13) na nagdulot ng sumpang binitawan ng Diyos sa kanyang
nilalang na tao (Genesis 3:14-19). Kahit na nagparusa ang Panginoon kay Adan at
Eva ay nasasaad sa Genesis 3:22 Pagkatapos,
sinabi ng Panginoong Yahweh, “Katulad na natin ngayon ang tao… Ginamit sa
pahayag ng Panginoon ang salitang natin
na nangangahulugang hindi iisa ang Diyos. Alam natin na may tatlong persona o
Trinity sa iisang Diyos: Diyos Ama, Si Cristo Hesus at Espiritu Santo (Genesis
1:26). Dahil sa pagmamahal ng Diyos sa tao kailangang may magligtas sa tao mula
sa kanila ng kasalanan at ang Diyos Anak ang siyang magiging tagapagligtas.
Dahil ito ay nasusulat sa unang aklat sa
Lumang Tipan, batid ng mga tao na may magliligtas sa kanila. Hindi nila alam
kung sino ang magiging tagapagligtas nila kaya pinapangarap ng mga tao ang
kanilang magiging tagapagligtas. Binuo ng mga tao ang katangian ng isang
magiging tagapagligtas nila na may kakaibang lakas, may kapangyarihan, makisig,
matipuno, matapang, mapagmahal. Ganito ang ilang paglalarawan ng mga sinaunang
epiko sa pangunahing tauhan nila.
May mga pangyayari sa ibang dako ng daigdig
na nagbabanggit tungkol sa mga higanteng taong nagtataglay ng kakaibang
kapangyarihan at masama. Nakapaloob pa rin sa Lumang Tipan sa Genesis ang
tungkol sa mga nilalang na ito. Ang mga anghel ng Panginoon ay nakipagtalik sa
mga babae dahil sa taglay nitong kagandahan. (Genesis 6:1-2) Ang tawag sa mga
binunga ng pangyayaring ito ay Nephilim o mga higante (Genesis 6:4, Bilang
13:33) Nagbunga ito ng kasamaan sa sa daigdig (Genesis 6:5) kaya ninais ng
Panginoon na lupigin ang kasamaan ng mga tao (Genesis 6:7) sa pamamagitan ng
malaking pagbaha (Genesis 6:17a).

Maraming epiko sa ibang dako ng daigdig gayundin sa Pilipinas na may pangyayari tungkol sa malaking pagbaha.
Ang epikong “Alim” ng Ifugao, ang epiko ng “Ibalon” ng Bicol. Sa ibang panig ng
daigdig ang mga epiko na magtataglay ng tungkol sa malaking pagbaha.
Ang epiko ng Atrahasis tungkol sa
pagbaha ng Gilgamesh, ang epiko sa India na “Manu at Matsha,” ang Mesoamerican
flood myths at ang epiko ng Cañari ng etnikong pangkat ng lalawigan ng Azuay at
Cañar ng Ecuador ay may epiko ring may pangyayari tungkol sa pagbaha. Ilan
lamang ito sa mga alamat o epiko sa daigdig tungkol sa malaking pagbaha.
Pinatunayan ng isang pagsasaliksik at
siyensiya na tunay ang Arko ni Noah. Natuklasan ito ng isang Turkish captain na
si Llhan Durupinar noong 1959 habang
kinukuhanan ng larawan sa himpapawid ang kaniyang bansa. Ang arko ay natagpuan
sa bundok ng Ararat sa Turkey.
Binigyan ito ng malalim
na pag-aaral noong 1977. Ang lahat ng detalye at sukat sa Bibliya kaugnay sa
arko ay eksakto batay sa natagpuang lugar. Gayundin ang mga artifacts na nakuha
mula sa lugar ay nagpapatunay na ang mga naiwang bahagi ay pumapatungkol sa
panahon ng panahon ni Noah.
Ang mga dambuhalang nilalang na inilarawan sa
mga epiko gaya ng “Ibalon” at “Indarapatra at Sulayman” ay maaaring paglalarawan
sa mga sinaunang nilalang ng Diyos na nasasaad sa Genesis 1:21-24. Maging ang
siyensiya ay pinatunayan ang mga nilalang na ito sa mga artifacts ng mga
dinosours. Kahit ang mga pelikulang “The Croods” inilararan ang mga sinaunang
hayop ay mas malaki pa sa tao o dambuhala. Ang paglalarawan sa mga halimaw o
mga dambuhalang hayop sa mga epiko ng ating mga ninuno ay matutukoy natin kung
gaano katanda ang epiko. Ang mga dambuhalang hayop na nilalang ng Panginoon sa
daigdig ay kahalintulad ng paglalarawan ng sa mga epiko.
Ang pakikipagsapalaran at pakikipaglaban ng
bayani ng epiko sa mga halimaw ay nagpapakita ng paghahangad ng tao na
mailigtas sila sa mga mababangis na hayop o halimaw na naghahari noon sa lupa,
karagatan at himpapawid.
Paano nagkakatulad ang ilang bahagi o
pangyayari ng epiko sa ibang panig ng mundo? Kung babalikan natin muli ang
pangyayari sa Bibliya, naunang nangyari ang paggunaw sa daigdig gamit ang
tubig o ulan. Ang sunod nito ay nang magalit ang Diyos dahil sa pagnanais ng
tao na makarating sa langit sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang mataas na tore
na tinawag na Bebel (Genesis 11). Ang Bebel sa wikang Hebreo ay
nangangahulugang “ginulo.” Ginawa ng Panginoon na guluhin ang tao na ibahin ang
wika nito sa iba’t ibang wika(Genesis 11:7:9). Nagsama-sama ang magkakaparehong
wika at nagkani-kaniyang lakbay patungo sa iba’t ibang panig ng mundo. Kaya
dala ng mga taong ito sa kanilang lupaing pinanahanan ang kasaysayang nangyari
na nasusulat sa Genesis. Kaya may ilang paniniwala, tradisyon, mithiin at
layunin ang kanilang sinaunang panitikan.
Hanggang sa ngayon taglay pa rin ng iba’t
ibang uri ng panitikan ang paghahangad ng tao na magkaroon ng isang bayaning
magtatanggol sa kanila laban sa kasamaan. Dahil ang mundo ay napaliligiran ng
kasamaan dahil sa kasalanang dulot ni Eva at Adan sa Hardin ng Eden (Genesis
3:6-7). Ngunit ang tagapagligtas ng tao na si Hesus ay dumating na sa mundo at
inako na ang lahat ng kasalanan ng tao sa pamamagitan ng sakripisyo Niya sa
krus. Kung babalikan natin sa Genesis 3:21 ay ginawan ng Panginoon ang
mag-asawang Eva at Adan ng damit na yari sa balat ng hayop. Pinakikita nito ang
unang sakripisyong ginawa ng Diyos para sa tao. Pumatay ng hayop ang Diyos
bilang sakripisyo upang takpan ang katawan nito na nagdulot sa kanya ng
kahihiyan dahil sa kasalanan. At ang unang hayop na ginawang sakripisyo ng
Panginoon ay walang bahid ng kapintasan; ibig sabihin puro o dalisay. Sa
sakripisyo ay may pag-aalay ng dugo gaya ng pag-aalay ni Hesus sa krus dahil
inako Niya ang lahat ng kasalanan ng tao at si Hesus ay walang bahid ng
kasalanan kaya siya tinawag na kordero ng Panginoon; dakilang handog sa
Panginoon upang patawarin ang tao sa kasalanan.
Nananatili ang epiko bilang bahagi ng mayamang tradisyon o
kasaysayan ng isang tribo sa pamamagiitan ng pasalimbibig. Hanggang
sa kasalukuyan pinag-aaralan ang mga epiko ng mga sinaunang tao
upang kilalanin ang kanilang kultura, paniniwala, pamumuhay,
tradisyon, mithiin at layunin sa
buhay.
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinez
TumugonBurahin