SAMPLE
SCRIPT RADIO
NEWS BROADCAST
Isinulat
ni Allan A. Ortiz
(Paalala: Kung gagamitin ang artikulo ay kailangang humingi ng pahintulot sa Abiva Publishing House at makipag-ugnayan kay Bb. Sofie Gerong, Manager, Book Development Department, ABIVA PUBLISHING HOUSE, INC.
(Paalala: Kung gagamitin ang artikulo ay kailangang humingi ng pahintulot sa Abiva Publishing House at makipag-ugnayan kay Bb. Sofie Gerong, Manager, Book Development Department, ABIVA PUBLISHING HOUSE, INC.
851 G. Araneta Avenue, 1113 Quezon City Office: (632) 7120245 local 228, Mobile: 0920-9777998)
Program
Title: -
Bilis Balita Ngayon
FORMAT:
-
Balita
Station -
DWST 10.05
Airtime -
8:00 a.m. – 8:05 am daily
Petsa
ng Newscast _ ___________
Talents
Anchor: Allan Ortiz
Reporter Toni Peru
Art
Roaring
Field
Reporter Mar Almosa
NEWS
BROADCAST MSC FADE UP
STATION
ID MUSIC FADE UNDER
VOICE
OVER
Ang
himpilan ng mamamayan at sandigan ng malayang pamamahayag ito ang DWST
10.05. Kapisanan ng mga broadcaster ng Pilipinas. DWST 10.05 ang Radyo ng
Pilipino sa inyong talapihitan.
NEWS
BROADCAST MSC FADE UNDER
INTRO
VOICE
OVER
Mula sa bulwagang pambalitaan ng DWST 10.05 narito ang matapang na maghahatid
ng nagbabagang mga balita ang inyong tagapagbalita na si Allan Ortiz, ito ang
Bilis Balita Ngayon!
NEWS
BROADCAST MSC FADE UP
SFX
CHIME
VOICE
OVER
Ang
oras sa buong kapuluan, alas otso ng umaga.
NEWS
BROADCAST MSC FADE UNDER
ALLAN
Magandang,
magandang umaga sa inyong lahat. Ako po ang inyong kabalitaan ss umagang ito
Kabayang Allan Ortiz at kayo’y nakikinig sa Bilis Balita Ngayon!
Para
sa ulo ng mga balita ngayong araw ng Lunes, ika-14 ng Nobyembre 2016.
Delima
at iba pa, pinakakasuhan ng NBI.
Pagpasok
ng Chinese firms sa government projects bubusisain.
Estudyante
timbog sa party drugs.
Para sa lokal na balita, Tanod todas sa tandem
Para sa showbiz balita, Married life na ng AlDub ang istorya sa kalyeserye
SFX CHIME
VOICE OVER
Oras
ngayon, isang minuto minuto makalipas ang ika-walo ng umaga.
Delima at iba pa, pinakakasuhan ng NBI.
Nirekomenda ng National Bureau
of Investigation (NBI) na sampahan ng kaso sina Senator Leila de Lima,
ilang government officials at inmates sa New Bilibid Prisons (NBP) sa
Department of Justice (DoJ).
Isasampa
laban kay De Lima ay paglabag sa Dangerous Drugs Act at Anti-Graft and Corrupt
Practices Act, sa pangunguna nina NBI spokesman Ferdinand Lavin at Anti-Illegal
Drugs Division (AIDD) chief Joel Tovera.
Kaugnay sa kaso ay ang paglabag
sa Republic Act (RA) 6173 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public
Officials and Employees..
Ito ay nakabatay sa kanilang
preliminary investigation na nagsimulan noong Oktubre 4.
Pinakakasuhan din ng NBI sina
dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Franklin Bucayu, dating Justice
Undersecretary Francisco Baraan III, at dating BuCor officer-in-charge (OIC)
Rafael Ragos. Direct bribery at sa kasong paglabag sa Anti-Graft & Corrupt
Practices Act, RA 6173.
Ayon kay Lavin, lumalabas na ang
sanga-sangang koneksyon kaugnay sa pagkakasangkot ng mga perosnalikdad sa
iligal na droga..
Kasama rin na kakasuhan ay sina
sina Ronnie Dayan at Joenel Sanchez na dating mga tauhan ng Senadora, NBI
Intelligence Agent Jovencio Ablen Jr., Wilfredo Elli, Julius Rejuso, isang alyas
‘George’, Lyn Sagum na assistant ni De Lima at Jesusa Francisco. Gayundin ang
mga inmates sa NBP na sina Jaybee Sebastian, Herbert Colangco, Wu Tuan
Yuan alias Peter Co, Engelbert Durano, Vicente Sy, at Jojo Baligad na inmates
sa NBP. (Argyll Cyrus B. Geducos)
NEWS
BROADCAST MSC FADE UP
STATION
ID
DWST
10.05
NEWS
BROADCAST MSC FADE UNDER
Samantala, pagpasok ng
Chinese firms sa government projects bubusisain para sa detalye narito si Toni
Peru.Toni, bilis, balita mo ngayon!
SFX
NEWS
BROADCAST MSC FADE UNDER
TONI
Pinasisilip
sa Senado ni Senator Leila de Lima ang bilyung halaga ng proyektong
pinasok ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng China sa kanyang tatlong araw na
state visit noong Oktubre.
Narito ang mga pahayag ni De
Lima: “ Dapat malaman ang 17 investment projects alinsunod na rin sa probisyon
ng Saligang Batas na nagsasaad ng “full public disclosure of all its
transactions involving public interest.”
“It
has been our nation’s unfortunate and oft-repeated experience that questionable
contracts are only discovered after public funds have already been expended,
and the public interest has already been compromised.”
Sabi
pa ni De Lima, may pitong Chinese firms at isang indibidwal ang nasangkot sa
anomalya at pinagbawalan nang makilahok sa mga proyekto ng WB hanggang 2017 na
nakasaad sa ulat ng World Bank (WB) noong 2009 at 2001.
Hindi hangad ni De Lima sa
kanyang panukala na hadlangan ang mga proyekto ng pamahalaan, hangarin niyang
ay malinawan ang mga transaksyon, paglilinaw ni De Lima.
Ako si Toni Peru, nag-uulat para
sa Bilis Balinta Ngayon ng DWST.
NEWS
BROADCAST MSC FADE UP
STATION
ID
DWST
10.05
NEWS
BROADCAST MSC FADE UNDER
Sa
iba pang balita… Estudyante timbog sa party drugs.
Nakumpiska nitong Miyerkules ng
gabi ang labing-apat na piraso ng ecstasy ng mga tauhan ng Southern Police
District (SPD) sa isang estudyante sa buy-bust operation sa Bonifacio Global
City (BGC) sa Taguig City.
Nahaharap
ang suspek na si Kim Go, 21, ng Taguig City sa kasong paglabag sa Section 5 at
11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Isinagawa ang buy-bust operation
laban sa suspek, sa pangunguna ng mga kagawad ng District Anti-Illegal Drugs-Special
Operation Task Group (DAID-SOTG) ng SPD sa BGC dakong 10:00 ng gabi.
Tumayong tumayong poseur buyer
ng limang tableta ng ecstasy sa halagang P2,500 ang isang pulis. Sa aktong
pag-abot sa poseur buyer ay agad dinakip na ng mga pulis si Go, at nahulihan
pa ng siyam na ecstasy pills na isinilid sa isang candy box.
Ayon kay Taguig City Police
chief Senior Supt. Allen Ocden, matagal nang nasa police surveillance ang
suspek matapos makumpirma ng ilang asset ng pulisya na nagbebenta si Go ng
ecstasy sa BGC at iba pang lugar sa Maynila.
Nakadetine si Go sa SPD sa Fort
Bonifacio, Taguig City.
Patuloy ang follow-up operation
ng awtoridad sa pamilya ni Go laban sa umano’y supplier niya ng party
drugs at iba pang kasabwat. .
http://balita.net.ph/2016/11/11/estudyante-timbog-sa-party-drugs/
NEWS
BROADCAST MSC FADE UP
STATION
ID
DWST
10.05
NEWS
BROADCAST MSC FADE UNDER
ALLAN
Para sa lokal na balita,
Tanod todas sa tandem, para sa detalye narito si Mar Almosa.Mar, bilis, balita
mo ngayon!
SFX
NEWS
BROADCAST MSC FADE UNDER
MAR
Bulagta hinihinalang tulak ng
ilegal na droga na isang barangay tanod na makaraang pagbabarilin
ng riding-in-tandem sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.
Naliligo sa kanyang sariling
dugo si Emilliano Pahayhay, alyas “Intoy”, tinatayang nasa 40 hanggang
45-anyos, ng Barangay Tambo, Paranaque City na may ilang tama ng bala sa iba’t
ibang bahagi ng katawan.
Dakong dakong 1:20 ng madaling
araw naganap ang pamamaslang ng dalawang suspek na sakay sa motorsiklong walang
plaka sa Quirino Avenue, Bgy. Tambo batay sa ulat na nakalap ni Parañaque City
Police chief Senior Supt. Jose Carumba.
Batay sa ulat, nakatambay umano
ang biktima sa lugar nang dumating ang mga suspek at pinaputukan si Pahayhay.
Iniuugnay sa ilegal na droga ang
motibo sa pamamaril lalo na’t kilala umano ang napaslang na drug pusher sa
kanilang lugar Ayon kay Carumba.
Patuloy ang imbestigasyon sa
insidente.
Ako si Mar Almosa, nag-uulat
para sa Bilis Balinta Ngayon ng DWST.
SFX
NEWS
BROADCAST MSC FADE UNDER
ALLAN
Maraming salamat Mar Para sa showbiz
balita, Married life na ng AlDub ang istorya sa kalyeserye, para sa detalye,
nariro si Art Roaring,. Art, blis balita mo ngayon.
SFX
NEWS
BROADCAST MSC FADE UNDER
ART
Tuwang-tuwang sumusubaybay
araw-araw ng AlDub Nation ang buhay mag-asawa nina Mr. & Mrs. Alden
Richards ng kalyeserye ng Eat Bulaga.
Matapos nilang ‘ikasal” noong
October 22 ay nag-honeymoon ang bagong kasal sa Europe. November 1 ay lumipad
ang AlDub papuntang London at Germany.
Ibinabahagi
lamang ng mga lola ni Yaya Dub na sina Lola Nidora na ginagampanan ni Wally
Bayola, Lola Tidora na ginagampanan ni Paolo Ballesteros at Lola
Tinidora na ginagampanan naman ni Jose Manalo sa tagasubaybay ng
kalyeserye ang mga nangyayari sa pullutgata ng dalawa sa Europe.
Matatandaan nang bumalik sila sa
bansa noong Lunes, tinanong agad ng mga lola si Maine kung may may nabuo na sa
kanyang sinapupunan. Sinagot agad sila na wala pa. Ngunit bago natapos ang
episode, may nais nang ipagtapat si Maine kay Lola Nidora na inabutan ng
busina, na ikinasabik ng mga manonood. Sabi ni Bossing Vic Sotto, hindi sila
papayag kung hindi nila malalaman kung ano ang sekreto ni Maine.
Martes nang ipinagtapat ni Yaya
Dub (Maine Mendoza) ang mga nararamdaman niya. Madalas nakararamdam siya ng
pananakit ng ulo at pagkahilo. Hinala nila na may jet lag pa
sila at di pa nakakapag-adjust sa oras. Ipinatapat ni Yaya Dub na malakas
maghilik si Alden. Ikinagulat ng lahat maging ni Alden ang biglaang pagtayo ni
Maine nagsuka sa lababo.
Nang sumunod na araw, labis ang
pag-aalala ni Lola Nidora, pero sina Tidora at Tinidora, nasasabik dahil hinala
nilang magkakaapo na sila ng apo sa tuhod. Sa tuwing nababanggit ang
bagay na ito ay hinihimatay si Nidora. Dapat makatiyak silang magkakaapo na
sila kapag nagpakita ng senyales ni Yaya Dub gaya ng paghingi nito ng maasim na
pagkain.
Nang pumasok na ang mag-asawa sa
bahay ay ibinahagi nilang nakapag-adjust na sila sa jet lag. Ikinuwento pa ni
Alden na pinagluto niya si Maine ng almusal at pinagsilbihan. Nag-breakfast in
bed ang dalawa.
Sa kalagitnaan ng kalyeserye ay
biglang humingi si Maine ng maasim na maasim na mangga na may bagoong, na
siyang ikinahimatay na naman ni Lola Nidora.
Agad naglabas ng manggang hilaw
si Alden. Sinabi ni Maine na may ipagtatapat siya kay Alden ngunit siya naman
ang biglang nawalan ng malay.
Bakit kaya hinimatay si
Maine? Alamin natin sa pagpapatuloy ng daily episode ng kalyeserye.
Para sa showbiz chika, ako si
Art Roaring nag-uulat para sa Bilis Balita Ngayon ng DWST.
NEWS
BROADCAST MSC FADE UP
STATION
ID
DWST
10.05
NEWS
BROADCAST MSC FADE UNDER
ALLAN
Maraming
salamat Art.
At
iyan ang mga maiinit at sariwang mga balita ngayong ika-14 ng Nobyembre 2016.
Mga
balitang nakalap ng buong puwersa ng DWST 10.05 sa aming mas
pinalawak na pagbabantay. Muli, ito ang Bilis Balita Ngayon! Ako si Allan Ortiz
ang inyong naging tagpag-ulat.
NEWS
BROADCAST MSC FADE UP
STATION
ID
VOICE
OVER
Ang
himpilan ng mamamayan at sandigan ng malayang pamamahayag ito ang DWST
10.05. Kapisanan ng mga broadcaster ng Pilipinas. DWST 10.05 ang Radyo ng
Pilipino sa inyong talapihitan.
SFX –
CHIME
VOICE
OVER
Ang
programang ito ay inihatid sa inyo ng Dunkin Donut, ang pasalubong ng bayan.
BIZ – ADVERTISEMENT (INFOMERCIAL
DUNKIN DONUT)
MSC SAD INSTUMENTAL
FADE UNDER
Anak: Tatay!
Nanay: Anak, huwag ka nang humabiol sa Tatay mo.
Tatay: may trabaho si Tatay. Hintayin mo ako at may pasalubong ako sa iyo pag-uwi ko.
Anak: Talaga?
Tatay! oo anak.
MSC HAPPY INSTUMENTAL
FADE UNDER
Anak! Tatay!
Tatay! Anak, Heto ang pasalubong ko sa iyo!
VOICE OVER
Masaya ang pamilya kung pasalubong ay pinagsasaluhan.
Isang paalala ng Dunkin Donut, NCCA at ng himpilang ito.
Paumanhin sa spacing ng blog kong ito, hindi tumugma ang margin sa Word file ko nang ipaskil ko dito. Aayusin ko ito pangako.
TumugonBurahinganda ng pagkagawa
TumugonBurahinganda hahahah ito pinapraktis ko pag may contest kami sa broadcasting
TumugonBurahinthank you
TumugonBurahinThank u
TumugonBurahin