Huwebes, Nobyembre 3, 2016

Kaligirang Pagkasaysayan at Pag-aaral ng Epiko Gamit ang Pagdulog Biblikal

                 Sinulat ni Allan A. Ortiz
(Paalala: Kung gagamitin ang artikulo ay kailangang humingi ng pahintulot sa Abiva Publishing House at makipag-ugnayan kay Bb. Sofie Gerong, Manager, Book Development Department, ABIVA PUBLISHING HOUSE, INC.
851 G. Araneta Avenue, 1113 Quezon City Office: (632) 7120245 local 228, Mobile: 0920-9777998)

     Ang epiko ay isang akdang pampanitikan na nagmula sa iba ibang pangkat etniko sa iba’t ibang panig ng mundo. Lumaganap ang ganitong uri ng panitikan sa mga sumunod na salinlahi sa pamamagitan ng pasalindila. Ang pasalindilang pagbabahagi ng epiko ay inaawit ng isang pinuno ng tribu o isang Babaylan. Tanging sa hinirang na susunod na Babaylan o pinuno ng tribu itinuturo ang buong epiko ng kanilang lipi.
     Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mgapangyayari.
     Ginamit ng mga ninuno ang epiko  upang maipakita ang kaniilang pagpapahalaga , tradisyon, paniniwala , mithiin, at layunin sa buhay.
     Marami sa mga epiko sa ibang dako ng daigdig ay may pagkakatulad sa pangyayari at tema. Ano ang dahilan ng pagkakahalintulad ng ilang pangyayari at tema ng mga epikong ito sa iba pang epiko sa daigdig?
     Kung pagbabatayan natin ang Bibliya, nasusulat ang paglikha  ni Yahweh sa daigdig (Genesis 1-2) at maging ang tao (Genesis 2:7;21-25). Ngunit nagkasala ang tao (Genesis 3:1-13) na nagdulot ng sumpang binitawan ng Diyos sa kanyang nilalang na tao (Genesis 3:14-19). Kahit na nagparusa ang Panginoon kay Adan at Eva ay nasasaad sa Genesis 3:22 Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, “Katulad na natin ngayon ang tao… Ginamit sa pahayag ng Panginoon ang salitang natin na nangangahulugang hindi iisa ang Diyos. Alam natin na may tatlong persona o Trinity sa iisang Diyos: Diyos Ama, Si Cristo Hesus at Espiritu Santo (Genesis 1:26). Dahil sa pagmamahal ng Diyos sa tao kailangang may magligtas sa tao mula sa kanila ng kasalanan at ang Diyos Anak ang siyang magiging tagapagligtas.
     Dahil ito ay nasusulat sa unang aklat sa Lumang Tipan, batid ng mga tao na may magliligtas sa kanila. Hindi nila alam kung sino ang magiging tagapagligtas nila kaya pinapangarap ng mga tao ang kanilang magiging tagapagligtas. Binuo ng mga tao ang katangian ng isang magiging tagapagligtas nila na may kakaibang lakas, may kapangyarihan, makisig, matipuno, matapang, mapagmahal. Ganito ang ilang paglalarawan ng mga sinaunang epiko sa pangunahing tauhan nila.
May mga pangyayari sa ibang dako ng daigdig na nagbabanggit tungkol sa mga higanteng taong nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan at masama. Nakapaloob pa rin sa Lumang Tipan sa Genesis ang tungkol sa mga nilalang na ito. Ang mga anghel ng Panginoon ay nakipagtalik sa mga babae dahil sa taglay nitong kagandahan. (Genesis 6:1-2) Ang tawag sa mga binunga ng pangyayaring ito ay Nephilim o mga higante (Genesis 6:4, Bilang 13:33) Nagbunga ito ng kasamaan sa sa daigdig (Genesis 6:5)kaya ninais ng Panginoon na lupigin ang kasamaan ng mga tao (Genesis 6:7) sa pamamagitan ng malaking pagbaha (Genesis 6:17a).
     Maraming mga epiko sa ibang dako ng daigdig gaya ng gayundin sa Pilipinas ang may pangyayari tungkol sa malaking pagbaha. Ang epikong “Alim” ng Ifugao, ang epiko ng “Ibalon” ng Bicol. Sa ibang panig ng daigdig ang mga epiko na magtataglay ng tungkol sa malaking pagbaha. Ang epiko ng Atrahasis tungkol sa pagbaha ng Gilgamesh, ang epiko sa India na “Manu at Matsha,” ang Mesoamerican flood myths at ang epiko ng Cañari ng etnikong pankat ng lalawigan ng Azuay at Cañar ng Ecuador ay may epiko ring may pangyayari tungkol sa pagbaha. Ilan lamang ito sa mga alamat o epiko sa daigdig tungkol sa malaking pagbaha.
Pinatunayan ng isang pagsasaliksik at siyensiya na tunay ang Arko ni Noah. Natuklasan ito ng isang Turkish captain na si Llhan Durupinar noong 1959 habang kinuhuhanan ng larawan sa himpapawid ang kaniyang bansa. Ang arko ay natagpuan sa bundok ng Ararat sa Turkey. Binigyan ito ng malalim na pag-aaral noong 1977. Ang lahat ng detalye at sukat sa Bibliya kaugnay sa arko ay eksakto batay sa natagpuang lugar. Gayundin ang mga artifacts na nakuha mula sa lugar ay nagpapatunay na ang mga naiwang bahagi ay pumapatungkol sa panahon ng panahon ni Noah.
     Ang mga dambuhalang nilalang na inilarawan sa mga epiko gaya ng “Ibalon” at “Indarapatra at Sulayman” ay maaaring paglalarawan sa mga sinaunang nilalang ng Diyos na nasasaad sa Genesis 1:21-24. Maging ang siyensiya ay pinatunayan ang mga nilalang na ito sa mga artifacts ng mga dinosours. Kahit ang mga pelikulang “The Croods” inilararan ang mga sinaunang hayop ay mas malaki pa sa tao o dambuhala. Ang paglalarawan sa mga halimaw o mga dambuhalang hayop sa mga epiko ng ating mga ninuno ay matutukoy natin kung gaano katanda ang epiko. Ang mga dambuhalang hayop na nilalang ng Panginoon sa daigdig ay kahalintulad ng paglalarawan ng sa mga epiko.
     Ang pakikipagsapalaran at pakikipaglaban ng bayani ng epiko sa mga halimaw ay nagpapakita ng paghahangad ng tao na mailigtas sila sa mga mababangis na hayop o halimaw na naghahari noon sa lupa, karagatan at himpapawid.
     Paano nagkakatulad ang ilang bahagi o pangyayari ng epiko sa ibang panig ng mundo? Kung babalikan natin muli ang pangyayari sa Bibliya, naunang nangyari ang paggunaw sa daigdig gamit anng tubig o ulan. Ang sunod nito ay nang magalit ang Diyos dahil sa pagnanais ng tao na makarating sa langit sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang mataas na tore na tinawag na Bebel (Genesis 11). Ang Bebel sa wikang Hebreo ay nangangahulugang “ginulo.”  Ginawa ng Panginoon na guluhin ang tao na ibahin ang wika nito sa iba’t ibang wika(Genesis 11:7:9). Nagsama-sama ang magkakaparehong wika at nagkani-kaniyang lakbay patungo sa iba’t ibang panig ng mundo. Kaya dala ng mga taong ito sa kanilang lupaing pinanahanan ang kasaysayang nangyari na nasusulat sa Genesis. Kaya may ilang paniniwala, tradisyon, mithiin at layunin.
Hanggang sa ngayon taglay pa rin ng iba’t ibang uri ng panitikan ang paghahangad ng tao na magkaroon ng isang bayaning magtatanggol sa kanila laban sa kasamaan. Dahil ang mundo ay napaliligiran ng kasamaan dahil sa kasalanang dulot ni Eva at Adan sa Hardin ng Eden (Genesis 3:6-7). Ngunit ang tagapagligtas ng tao na si Hesus ay dumating na sa mundo at inako na ang lahat ng kasalanan ng tao sa pamamagitan ng sakripisyo Niya sa krus. Kung babalikan natin sa Genesis 3:21 ay ginawan ng Panginoon ang mag-asawang Eva at Adan ng damit na yari sa balat ng hayop. Pinakikita nito ang unang sakripisyong ginawa ng Diyos para sa tao. Pumatay ng hayop ang Diyos bilang sakripisyo upang takpan ang katawan ng tao na nagdulot sa tao ng kahihiyan dahil sa kasalanan. At ang unang hayop na ginawang sakripisyo ng Panginoon ay walang bahid ng kapintasan; ibig sabihin puro o dalisay. Sa sakripisyo ay may pag-aalay ng dugo gaya ng pag-aalay ni Hesus sa krus dahil inako Niya ang lahat ng kasalanan ng tao at si Hesus ay walang bahid ng kasalanan kaya siya tinawag na kordero ng Panginoon; dakilang handog sa Panginoon upang patawarin ang tao sa kasalanan.
     Nananatili ang epiko bilang bahagi ng mayamang  tradisyon o kasaysayan ng isang tribu sa pamamagiitan ng pasalimbibig. Hanggang sa kasalukuyan pinag-aaralan ang mga epiko ng mga tribu upang kilalanin ang kanilang kultura, paniniwala, pamumuhay, paniniwala, mithiin at layunin sa buhay. 

Sanggunian:
http://www.atlantisquest.com/Chum_l.html

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento