Sinulat ni Allan Ortiz
Maraming
espekulasyon ang kumakalat kung bakit natalo ang ating pambansang kamao sa
kanyang mga nakaraang laban sa taong ito. Masasabi bang ito’y isang kamalasan o
isang pahiwatig sa kanya?
Malaki ang
kanyang pananalig at pananampalataya. Sa katunayan sa bawat laban niya ay hindi
niya nalilimutang magdasal sa sulok ng ring sa bawat laban nito. Tangan-tangan
niya ang isang rosaryo at sa tuwing siya
ay nagwawagi ay inilalabas niya ito at hinahalikan, pagpapakita ng kanyang
pasasalamat sa Maykapal na gumabay sa kanya habang lumalaban.
Nagbago ang ihip
ng hangin sa kanyang pananalig nang magbago siya ng relihiyon. Nagkaroon ng
kakaibang Manny Paquiao. Nagba-Bible Study kasama ang ilang kasama, nagtuturo ng
salita ng Diyos sa mga pagtitipon at nagbabanggit ng mga Bible Verse sa bawat
interview niya sa telebisyon. Isang bagong Manny Paquiao ang ating nakilala.
Sa kanyang
pagkatalo nitong nakaraang Disyembre 9,2012, nagulantang ang lahat dahil ang
kanilang idolo at kinikilalang kampeon ng ring, ang isang mahusay na mandirigma
ng boxing ay napatumba ng sa ika-6 na round ng kanyang laban. Nang makalaban din
niya si Bardley ay natalo siya dahil sa
resultang binigay ng mga hurado sa laban nito. Ngunit isang laban pa rin ang
itinakda noong Disyembre 9, 2012 kay Juan Manuel Marquez. Sa kasamaang palad ay
hindi naipagtanggol ng ating Pambansang Kamao ang kanyang korona.
Simula pa ay
sinasabihan na siya ng kanyang inang si Mammy Dionisia na tumigil na sa boxing.
Ito ang lagi niyang hinihiling sa kanyang anak. Ngunit nagpatuloy pa rin si
Manny sa kanyang kagustuhang lumaban. Ipinagpatuloy niya ang laban maging sa
politika. Ang kanyang desisyong ito ay maaaring may impluwensya ng mga taong
nakapaligid sa kanya. Dahil alam nila na malaki ang pagkakataong manalo pa siya
sa mga sususnod na laban. Mas malaki rin ang kanilang makukuhang benepisyo
maaaring sa iba’t ibang aspeto.
Nasasaad sa Colosas
3: 20-21, Mga anak, sundin ninyo lagi ang inyong magulang, sapagkat
iyan ang nakalulugod sa Diyos. Mga magulang, huwag ninyong pagagalitan ng labis
ang inyong mga anak at baka masiraan ng loob. Sa Efeso 6: 1-4, Mga anak, sundin niyo ang inyong mga magulang
sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat. Igalang mo ang iyong ama’t ina. Ito
ag unang utos na may kalakip na pangakong “Ikaw ay giginhawa at hahaba ang
iyong buhay sa lupa. Mga magulang, huwag kayong gumawa ng bagay na ikagagalit
ng inyong anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at kayuruan ng
Panginoon. Marapat lamang nakinig
si Manny sa kanyang ina dahil alam ng ina ang nakabubuti sa kanyang anak. Ang
pagsunod ng anak sa magulang ang isa sa alituntunin na lagging ipinaaalala sa
mga nasusulat.
Ngunit maraming mga kaibigan si Manny na
ang-uudyok na muling tumuntong ng ring upang patunayan na siya ang
pinakamahusay na mandirigma sa larangan na ito. Nakasaad sa Kawikaan 12:26,
Ang payo ng kaibigang matuwid ay isang gabay, ngunit ang daang masama ay tungo
sa pagkaligaw. Kung hanggad ng mga kaibigan ni Manny ay makabubuti sa kanya
ay marapat lamang nagpapayo sila ng maganda sa kanya. Nasusulat sa Kawikaan
12-19, Ang mga nagbabalak ng masama ay mag-aani ng kapahamakan, ngnit ang
nag-iisip ng mabuti’y magtatamo ng kagalakan.
Tama nga ba ang bang pakinggan at sundin ni
Manny ang mga mungkahi ng mga tao sa kanyang paligid? May mabuti ba silang
hanggarin para sa ating Pambansang Kamao? Tama bang mabaliwala ang payo ng
isang ina na ang hangad ay mapabuti ang
anak?
Tanging si Manny lamang ang
makakapagdesisyon ng tama sa kanyang buhay. Maraming aspeto na maaari niyang
isipin bago niya ibigay ang kanyang desisyon.
Nakapanghihinayang isipin na kung nakinig
lamang siya sa kanyang ina ay maaaring taglay pa ng niya ang respeto ng mundo
dahil sa kanyang pinanghahawakang tagumpay. Sa kanyang bagong buhay sa kanyang
pananampalataya, isuko nawa ni Manny ang kanyang buhay sa Panginoon at Siya na
ang kumontrol nito upang umayon sa kanya ang lahat. May plano ang Diyos para sa
kanya. Ayon sa Jeremias 29:11 Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko
para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikasasama kundi para sa sa inyong
ikabubuti. Ito ang mga palnong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno
ng pag-asa.
Sa pagkatalo ng ating idolo, marapat lamang
siyang tularan at hangaan. Hindi madaling tanggapin ang pagkatalo. Ang isang
tinitingala at hinahangaan ng lahat ay bigla na lamang magbabago dahilan sa
isang pagkakamali; ito ay ang pagkatalo. Nasusulat sa Kawikaan 16:18-19 Ang
kapalalua’y humahantong sa pagwasak at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak.
Higit na mabuti ang mapagkumbaba kahit mahirap, kaysa makihati sa yaman ng
mapagmataas. Hindi siya nagmalaki. Nagpakumbaba siya. Ito ang magandang
katangian ng isang bayaning kagaya niya. Katangian na dapat taglayin ng bawat
isa sa atin at isinasabuhay ito.
Hangarin ko lamang ay mamulat ang isipan ng
mga mambasa, tagahanga, at n gating Idolo sa pangyayaring ito. Walang akong
hangaring manira o pasakitan ang mga taong nasa paligid.
Monday,
June 17, 2013, 3:02:47 AM
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento