Huwebes, Nobyembre 3, 2016

MINSAN , ISANG KAHAPON (Isang Teleplay)

Sinulat ni Allan A. Ortiz
(Inspired from a True Story)
(Ito ay unang teleplay na sinulat ko na kung saan wala pa akong kaalaman sa teknikal na pagsulat ng iskrip sa pelikula) 


                Ang kuha ng kamera ay nasa langit, dahan-dahang pababa at kukunan ang ina at isang binatang lalaki na naka-itim at may hawak na bulaklak na papalapit sa isang puntod. Makarating sa puntod, kukunan ito, kukunan ang mukha ng ina na lumuluha at nakatingin sa kung saan.Kasabay nito ay isang malungkot na instrumental na musika.
               Mababaling ang kuha sa panibagong tagpo sa isang bahay at susundan ang isang dalagang papasok sa bahay. Kasabay nito ang malumanay na musikang instrumental.

Lita: (Papasok si Lita at llaapitan ang ina sa likod bahay na naglalaba)Inay mano po.
Ina: (Iaabot ang kamay) Kaawaan ka ng Diyos.
Lita: (Muling papasok sa loob ng bahay at kukunin ang kaldero upang magsaing. Susundan ng kamera si Lita sa loob ng kusina.) Inay nasan po si Anding?
Ina: (Kukunan ang ina habang naglalaba)Inutusan ko lang muna sa bayan para bumili ng makakain natin ngayong araw. Pumunta sa akin kanina si Tessie, iyong nagpapadala ng mga nangangamuhan sa Maynila. Pinipilit niya ako na
            - 1 -
mangamuhan doon.
(Lalabas si Lita mula sa kusina at kukunin ang mga natapos nang labahin ng ina upang banlawan)
Lita: Ano po ang sinabi n’yo?
Ina: Kung pumayag man ako, paano kayo rito? Mag-aalala lamang ako roon. (Sabay ubo )
Lita: (Titigil si Lita sa kanyang pagbabanlaw) O, inay matagal na ‘yang ubo n’yong iyan. Nagpatingin na ba kayo sa center?
Ina: Wala akong panahon, lagi akong maraming kuhang labahin.
Lita: “Wag kayong mag-alala inay, isang buwan na lang at tapos na ako sa hayskul, maghahanap ako ng trabaho at hindi na kayo kukuha ng labahin. (Ipagpapatuyloy ang pagbabanlaw) Kita n’yong ang payat n’yo na at sabi nyo hirap kayong lumunok pati sa pagkain nahihirapan kayo.
Ina: (Uubong muli) Sana nga anak, pero hindi siguro sasapat iyon para sa atin. Kailangan ko pa ring kumuha ng labada para sa iba pa nating pangangailangan dito sa bahay.
Lita: Inay, nagkaksakit na nga kayo dahil sa kakakuha n’yo ng labahin, basta hindi na kayo maglalabada pag nakakuha na ako ng trabaho.
            - 2 -
(Darating si Anding dala ang pinamili sa bayan.)
Anding: Inay! (Lalapitan ang ina at magmamano)
Ina: (Iaabot ang kamay) Kaawaan ka ng Diyos. Ayusin mo na ang pinamili mo at tingnan mo na rin ang sinalang na sinaing ng ate mo.
Anding:  Opo inay. (Papasok ng kusina)
(Sa ikatlong tagpo naglalakad si Lita sa kalsada at lalapitan siya ng isang lalaki. Patuloy sa pagkuha ng kamera kay Lita habang naglalakad.)
Anton: Lita, pwede ba kitang maihatid?
Lita: Anton, ikaw pala.(Parang nagulat) Ako ihahatid mo, kaya ko namang maglakad mag-isa. Hindi naman ako lumpo para ihatid mo hanggang sa bahay naming.
Anton: Pinipilosopo mo naman ako.
Lita: Ako, pilosopo? Sinasagot ko lamang ang tanong mo? Hindi ba’t tama naman ako.
Anton: O sige na nga, didiretsuhin na kita, pwede ka bang maligawan.
Lita: Ano pa bang ginagawa mo. Halos araw-araw mo na lang akong inaabangan, ihahatid kamo, makikipagkwentuhan, ngayon ligaw na. Kita ko
            - 3 -

naman na may motibo ka para sa akin.
Anton: Alam mo naman pala. Ngayon, pwede na akong manligaw?
Lita: Bahala ka. Anton alam mo naman ang kalagayan naming. Gusto kong tulungan si inay. Ayaw kong masira ang mga pangarap ko para sa amin.
Anton: Hindi ko naman hahadlangan ang mga pangarap mo. Kung gusto mo tutulungan kita. (Matitigilan ng sandali si Anton) Hindi naman masisira ang pangarap mo dahil sa pagmamahal ko sa’yo. Kung magiging tayo.
Lita: Saglit, saglit? Ang bilis mo yata? A…
Anton: (Pipigilan ni Anton ang sasabin pa ni Lita) Pakiusap, huwag mo sana akong pagbawalan na gawin ko ang mga bagay na ito na ikinaliligaya ko. Hayaan mo sanang patunayan ko sa iyo na totoo ang pag-ibig ko sa’yo.
(Matitigilan lamang si Lita sa narinig at patuloy lamang sila sa paglalakad)
(sa ikaapat na tagpo, nasa silid si Lita at kanyang ina at sinusukat ang damit na regalo para sa pagtatapos ni Lita. Ang kamera ay manggagaling sa labas ng silid at dahan-dahang pumapasok sa silid habang nagsusukatan at nag-uusap ang mag-ina.)
            - 4 -
Lita: Inay, sukat na sukat sa akin. Bagay ba sa akin inay?
Ina: Ako ang pumili ng kulay na iyan. Subukan mong ilagay ang toga mo.
Lita: Inay ga-graduate na ako. Bagay na inay? (Habang nakatingin sa salamin ng aparador.)
Ina: Oo naman anak.
Lita: Pero mas bagay sa akin kung wala itong toga. (Hinubad ni Lita ang toga at patuloy pa rin siya sa pagtingin sa salamin suot ang regalo ng ina.)
Ina: (Kukunan ang ina ng kamera mula sa balikat ni Lita na hagip ito at ibabaling ang kamera sa angulo na tinitingan ang likod ni Lita. Kukunan ng kamera ang likod ni Lita at dahan-dahang tututukan ang balat (birth mark) na parang hugis bituin. Lalapitan ng ina si Lita) Ang ganda ng balat mo anak. Kakaiba talaga, tila hugis bituin.
Lita: Inay. (Sabay aakbayan ang ina na pareho silang nakatingin sa salamin)
(Sa panlimang tagpo, Kukunan ng kamera ang papasok ng mag-iina sa bakuran ng kanilang bahay nang lumapit si Anton. Ibabaling ang kamera sa paglapit ni Anton. Kukunan ng malapitan si Lita na natigilan at nakatingin kay Anton)
Lita: Mauna na kayo inay, susunod na lamang ako.
            - 5 -
Anding:  Ate sumunod ka na lang. Nagugutom na ako.( Pumasok na sila ng
kaniyang ina sa bahay at naiwan si Lita)
Anton: (Lalapit kay Lita at iaabot ang regalo.) Pagpasensyahan mo na iyan, sana maibigan mo.
Lita: (Kukunin ang regalo ni Anton) Salamat. (Pinagmamasdan niya ang regalo)
Anton: Lita.
Lita: (Aktong parang nagulat) Ano ‘yon?
Anton: Siguro naman ngayong tapos ka na sa hayskul, pwede na akong pormal na manligaw sa inyo.
Lita: ( Parang nagulat na tila hindi alam ang sasabihin) Ah… Kumain ka na ba? May konti kaming hinanda, tuloy ka muna sa bahay.
(Papasok ang dalawa sa loob ng bahay)
 Lita: Inay, (Ipapakilala si Anton, lalapit sa ina) Si Anton po, kaibigan ko, Iyon naman ang bunso kong kapatid, si Anding.
Anton: Magandang gabi  po.
Ina: Magandang gabi naman. Maupo ka na at nagugutom na itong si Anding at
            - 6 -
hindi na makapaghintay. Lita kumuha ka na muna ng baso at wala pang baso
dito. Sige na maupo ka na.
 (Sa pagbalik ni Lita inilapag niya ang baso at naupo na. Nagtatanong lamang ang ina kay Anton kahit si Anding. Tahimik lamang si Lita at pinagmamasdan ang ina at kapatid. Umiikot ang kamera habang sila ay mag-uusap sa hapag-kainan at kasabay ng malakas na musika. *Hindi naririnig ang usapan bagkus makikita lamang ang eksena)
(Sa pang-anim na tagpo, ipakikita ang masayang tagpo ni Anton at Lita. Ang pagsama ni Anton sa paghahanap ng trabaho ni Lita. Ang pagkain nila sa labas at pagtatawanan nilang dalawa habang kumakain. Pinunasan ng tissue ni Lita sa pisngi si Anton habang kumakain. Ang paghahabulan nila sa ilalim ng puno ng mangga sa bukid. Paghiga ni Anton sa binti ni Lita sa ilalim ng mangga.)
(Sa pampitong tagpo, ang kamera ay nasa angulo nasa gilid ng bakuran, papasok sila Lita at Anton sa bakuran nila nang lapitan siya ng isang kapitbahay.)
Kapitbahay: Lita( Mapapatingin si Lita na nakatuon sa kanya ang kamera at kay Anton) sinugod ng kapatid mo ang nanay mo sa ospital.
Lita: (Nagulat at  kita sa mukha ang pagkabalisa) Bakit? Anong nagyari?
            - 7 -
Anton: Saan pong ospital isinugod?
(Sa pangwalong tagpo, sa ospital, sa ikalawang palapag nakatutok ang kamera sa pagdating ni Lita at Anton.)
Lita: (Patakbong lalapitan ni Lita si Anding sa gilid na nakaupo) Anding, nasaan si inay? (Uupo si Lita at tatabihan si Anding. Ang kamera at nakatuon lamang sa dalawang magkapatid)
Anding: Naroon siya ngayon sinusuri pa ng duktor.
Lita: Anong nagyari kay inay?
Anding: Naglilinis ako ng bahay pagbabako pumunta ako sa likod at tatanungin ko sana si nanay kung anong lulutuin kong ulam, nakita ko siya na nahihirapang huminga, habol ang kanyang paghinga. Tinayo ko siya pero nawalan siya ng malay. Humingi ako ng tulong sa kapitbahay para isugod si nanay dito.
(Lalapit ang doctor sa kinaroroonan ng magkapatid)
Doktor: Kayo ba ang anak ng sinugod na pasyente?
Lita: Opo. Dok, ano po ang kalagayan ng inay po namin?
Doktor: Matagal na siyang nahihirapang huminga dahil malala na ang goiter sa lalamunan niya. Goiter ito sa loob, hindi mo mahahalata dahil sa loob ito
            - 8 -
lumalaki. Kailangan niyang maoperahan agad upang hindi na humantong sa hindi maganda ang kalagayan ng ina n’yo. Maiwan ko muna kayo at may pasyente pa akong naghihintay.
Lita: Salamat po.
Anding: Ate , paano yan walang-wala pa naman tayo ngayon. Tiyak na malaking pera ang kakailanganin ni inay sa operasyon.
Anton: Lita, may naipon akong kaunting pera, kahit paano makatutulong iyon.
Lita: Salamat, ngunit…
Anton: Huwag mong tanggihan ang tulong ko sa inyo. Ginagawa ko ito dahil gusto ko, para sa iyong ina. Uuwi muna ako at kukunin ko lang ang pera kung may mahihiraman pa ako gagawin ko para sa operasyon ng nanay mo. Maiwan ko na muna kayo. Anding kalmahin mo ang ate mo, nabibigla pa ‘yan. (Aalis na si Anton at susundan ng tingin ni Anding)
Anding: Ate, kung tulungan tayo ni Anton, paano naman natin siya mababayaran?
Lita: (Tahimik lamang si Lita at tila tuliro) Anding maiwan ka na muna rito.

            - 9 -
(Tatayo)
Anding: Saan ka pupunta ate?
Lita: Maghahanap ng pera basta may lalapitan ako. Hintayin mo lang ako, kung mauna si Anton bumalik sabihin mo may nilapitan lang ako na mahihiraman ng pera. Diyan ka na muna.
Anding: (Pagmamasdan lamang si Lita na palayo sa kanya) Ate mag-iingat ka!
( Sa pangsiyam na tagpo, pinuntahan ni Lita si Aling Tessie na kilala sa kanilang lugar na nagpapadala ng mga katulong sa Maynila. Susubukan niyang maghiram dito at alam naman niyang mabait ito)
Lita:(Kukunan ang malaking bahay ni Aling Tessie at kukunan si Lita na nakatingin sa bahay ni Aling Tessie at lalapit sa gate at pipindutin ang doorbell. Lalabas ang anak ni Aling Tessie) Magandang araw, nandyan ba si Aling Tesssie.
Anak: Sino po sila?
Lita: Si Lita.
Anak: Tuloy po muna kayo.( Binuksan ang gate at pumasok sila sa loob.) Maupo muna kayo tatawagin ko lamang si Mama.
            - 10 -
Lita: (Naupo sa malambot na sopa at pinagmamasdan ang buong kabahayan)
Tessie: (Papalapit sa kinaroroonan ni Lita) Lita?
Lita: (Tatayo bilang paggalang sa may-ari ng bahay) Magandang araw po.
Tessie: Maupo ka. Ikaw ba ang anak ni Imelda na labandera?
Lita: Opo. Hindi na po ako mahihiya, nasa ospital po ngayon si inay kailangan pong operahan, kailangan po naming ng pera para sa operasyon. Aling Tessie nais ko po sanang manghiram sa inyo ng pera.
Tessie: Pano n’yo naman ako mababayaran kung pahiramin ko kayo ng pera?
Lita: Katatapos ko pa lamang po ng hayskul naghahanap po ako ng trabaho. Babayaran po namin kayo kapag nakahanap na po ako ng trabaho.
Tessie: Trabaho ika mo? Tamang-tama, kailangan kasi ng isang mag-asawa sa Maynila ng katulong. Tiyak na pwedeng-pwede ka. Pahihiramin kita ng pera para sa operasyon ng nanay po ngunit kailangan mong tanggapin ang pagiging katulong sa Maynila para tiyak na mababayaran n’yo ako.
Lita: Pumapayag na po ako, basta po kay inay.
Tessie: Hintayin mo ako riyan at magbibihis lamang ako. Sasama ako sa opsital para matiyak ang kakailanganing halaga ng nanay mo para sa operasyon.
            - 11 -
Lita: Salamat po. (Tatayo si Aling Tessie at iiwan si Lita na nakaupo pa rin)
(Sa pansampung tagpo babalik si Lita sa ospital.  Babalikan niya ang kapatid. Madadatnan niya kasama si Anton.)
Anton: (Lalapitan niya si Lita na papalapit) Saan ka galing? Nag-alala ako sa’yo.
Lita: (Lalapitan si Anding at tatalikuran si Anton. Susundan lamang ng baling ni Anton si Lita) Anding kamusta na si inay?
Anding: Nandoon pa rin siya. Sabi ng nars pwede ko lamang makita si nanay kung sinabi na ng doctor. Sinusuri pa rin si nanay.
Anton: Lita, heto makakatulong ito kahit paano. (Iaabot ang perang naka sobre)
Lita: (Titingan si Anton na nakatayo) Salamat Anton sa kabutihan mo, lumapit ako kay Aling Tessie upang maghiram ng pera para sa operasyon ni inay kapalit ng pagpasok ko bilang katulong sa Maynila.
Anton: (Nagulat) Bakit? Ba…bakit ka pumayag? Paano tayo?
Lita: Intindihin mo sana ako Anton. Ginagawa ko ito para kay inay, para sa pamilya ko. Anding huwag mong babanggitin kay inay ang tungkol dito hanggang hindi pa siya gumagaling, baka mag-alala si inay at may mangyaring hindi maganda sa kanyang operasyon kapag nalaman niya. Anton intindihin mo
            - 12 -
sana ako. Nasa baba si Aling Tessie at kinakausap niya ang doctor para maagang maoperahan si inay.
(Ang kamera ay unti-unting papalayo kay Lita at Anding hanggang mahagip ng kamera si Anton na nakatayo at patuloy sa paglayo kasabay ng instrumental na musika.)
(Sa panglabing-isang tagpo, sa silid ng ospital, katabi si Lita ng inang nakahiga sa kama ng ospital, habang kinakausap ni Lita ang ina may musika na kasabay)
Lita: (Hawak ang kamay ng ina na nakatingin sa kanya) Inay, pagaling po kayo. (Lumuluha si Lita habang ipinagtatapat ang tungkol sa pagluwas niya sa Maynila) Inay, luluwas po ako ng Maynila para mangamuhan. Inay, ito lamang ang tanging alam kong paraan para mapaoperahan ko po kayo. Lumapit po ako kay Aling Tessie at pinahiram n’ya po tayo, para po mabayaran natin iyon kinuha niya akong maging katulong sa Maynila. Inay luluwas na po ako sa makalawa. Pagaling po kayo inay. Susulat po agad inay pagdating ko po sa Maynila. Sinabihan ko na po si Anding na tumigil muna ng pag-aaral kahit isang taon lang para maalagaan kayo. Magpapadala na lamang ako ng pera.
(Lumuluha lamang ang ina niya na nakatingin kay Lita. Lalakas ang musika matapos na makapagsalita si Lita. Itutuon ang kamera sa ina na papalayo hanggang makuha ang bahagi ni Lita na nakatalikod na nakatingin sa ina.)
            - 13 -
(Sa panlabing-dalawang tagpo, sa bus station kung saan luluwas na siya sa Maynila. Kasama ni Lita si Aling Tessie papuntang Maynila. Naroon rin si Anton. Maraming tao na umaakyat na sa bus. Ang kuha ng kamera sa gilid ng pinto ng bus)
Tessie: Lita tayo na baka mawalan pa tayo ng mauupuan. (Aakyat na si Aling Tessie sa bus)
Lita: (Nagpaiwan ng sumandali at kinausap si Anton) Anton, salamat sa lahat ng tulong na ibinigay mo sa pamilya ko. May pakikiusap lang sana ako sa iyo, inihahabilin ko sa iyo ang kapatid kong si Anding at si inay. Pinagkakatiwala ko lamang sa iyo ang pamilya ko habang nasa Maynila ako. Ipangako mo sa akin.
Anton: Natatakot ako Lita, baka kalimutan mo na ako matapos mong makarating sa Maynila.
Lita: Hindi mangyayari iyon, napamahal ka na sa akin. Kung mahal mo ako pagkakatiwalaan mo ako.
Anton: Lita mahal na mahal kita. Makakaasa ka, tutulungan ko si Anding at ang nanay mo.
Lita: Salamat. (Hahalikan ni Lita sa pisngi si Anton at aakyan na ng bus.Kasabay ng instrumenal na malungkot na musika. Sa pag-andar ng bus hahabol si Anton
            - 14 -
hanggang sa makalayo ito. Hihinto si Anton at kakaway na malungkot. Sa bus nakaupo si Lita na tahimik at malalim ang iniisip.)
(Sa panlabing-tatlong tagpo, sa tapat ng bahay ng papasukan ni Lita. Malaki at maganda ang bahay. Mayaman. Papasok sila sa loob ng bahay kasama si Aling Tessie. Sinalubong sila ni Gng. Ramirez.)
 Gng. Ramirez: Siya ba Tessie ang magiging katulong ko dito sa bahay. (Sisipatin ni Gng. Ramirez) Bata pa.
Tessie: Masipag at mabait si Lita.
Gng. Ramirez: Lita pala ang pangalan niya. Sige doon siya tutuloy sa likod.
Tessie: Lita magpakabait ka rito ha. Huwag kang tatamad-tamad. Iiwan na kita Tutuloy ako sa pinsan ko sa Parañaque at doon ako magpapalipas ng araw at kailangan ko ring bumalik. Mauuna na ako Gng. Ramirez.
(Tututukan ng kamera si Lita at susunod kay Gng. Ramirez)
(Pang labing-apat na tagpo, sa hapagkainan, naroon ang buong mag-anak na Ramirez at pinagsisilbihan ni Lita)
G. Ramirez: Ikaw ba ang bago naming katulong?

            - 15 -
Lita : Opo. (Habang nagsasalin ng tubig sa baso ni G. Ramirez)
Gng. Ramirez: Mukhang mabait kaya ko na kinuha. Galing probinsya, hinatid pa yan ni Tessie.
Anak: Dad, may outing kami ng tropa ko, kailangan ko sana ng pera. Hihiramin ko rin iyong isang kotse.
G. Ramirez: Sa Mama mo ka humingi ng pera.
Gng. Ramirez: Ilang linggo naman kayo roon? At saan kayo magbabakasyon na naman ng barkada mo?
Anak: Sa Batangas sa resort nila Alvin. Isang buwan kami doon. Ma, pumayag na kayo. Dad?
G. Ramirez: Sa ATM mo na lamang namin ipapasok ang perang kakailanganin mo.
Anak: Thnaks Dad.
(Sa panglabing-limang tagpo, makakatanggap ng sulat ang pamilya ni Lita. Habang binabasa na ina ni Lita ang sulat, voice over ni Lita kasabay ang instrumental na musika, ang maririnig at habang isinasalaysay niya ang buhay niya sa Maynila pinapakita ang mga pagbabanat ng buto ni Lita sa bahay, ang paglalaba, paglilinis ng sahig, mapapalantsa, paglilinis ng bakuran at paglinis
            - 16 -
ng kasilyas.)
Ang Liham:
Mahal kong ina at Anding,
            Kamusta na kayo? Siguro nakalabas na ng ospital si nanay. Mabuti naman ang kalagayan ko dito sa Maynila. Mababait ang mga amo ko. Mayaman sila inay. Nagsispag ako para makabayad tayo ng utang natin kay Aling Tessie. Pinagbubutihan ko ang lahat pata hindi ako makagalitan ng amo ko. Inay, huwag nyo akong alalahanin dito, magpalakas po kayo  para bumalik na ang dati n’yong sigla. Kayo ang pinagkukunan ko ng lakas sa bawat araw na nagdaraan. Si Anding po inay, inaalagaan po ba kayo? Baka puro barkada ang inaatupag n’ya d’yan. Si Anton po, kamusta n’yo po ako sa kanya. Alam kong hindi n’ya kayo pinababayaan. Malaki ang utang na loob ko kay Anton kung wala siya hindi ko rin alam kung paano ako malalampasan ang mga suliraning dumating sa buhay natin.
            Mag-ingat po kayo palagi riyan at mahal na mahal ko po kayo.
                                                                                                Nagmamahal,
                                                                                                Lita

            - 17 -
(Matapos basahin ng ina ang sulat lumuha ito. Lalakas ang musika)
(Sa ikalabing-anim na tagpo magkikita sila Anding at Anton sa bayan. Ipaapkita ang buhay ng bayan bago pa magkita ang dalawa.)
Anding: (Makikita niya si Anton na may binibili sa isang tindahan, lalapitan niya ito.) Anton. (Tatapikin)
Anton: (Magugulat) O ikaw pala. Anong ginagawa mo dito sa bayan.
Anding: Inutusan ako ni nanay na ihulog ang sulat kay ate. Kamakailan nga lang sumulat siya. Kinakamusta ka nga niya.
Anton: (Makikita ang pagkatuwa) Talaga, maayos ba naman siya sa Maynila?
Anding: Mabait ang mga amo niya roon. Nagsisipag siyang mabuti roon.
Anton: Sige samahan na kita maghulog ng sulat.
(Nakatutok ang kamera sa dalawa at sa kanilang pag-alis maiiwan ng saglit ang kuha ng kamera.)
(Sa panlabing-pitong tagpo natutulog si Anton at nanaginip siya. Nakahiga siya sa kama at parang habol ang hininga. Ipapakita ang panaginip ni Anton. May kadiliman ang paligid may isang liwanag sa kalayuan, may makikita ring usok sa
            - 18 -
paligid, sa liwanag na iyon lalabas si Lita at dahan-dahang lalapit kay Anton. Muling ibabalik ang tuon ng kamera kay Anton at sasabihin niyang “Lita!” Sa pag lapit ni Lita makikita niya itong lumuluha at kanyang niyakap. Makikita sa mukha ni Anton ang pagmamahal kay Lita. Kasabay nito ang musika. Biglang mapuputol ang kanilang yakapan ng may humaltak sa kamay ni Lita na bibigyang diin sa kamera. Ipapakita ang pagsigaw sa ngalan ni Anton ni Lita habang ang lalaki ay nakatalikod. Sa pagbaling ng kamera kay Anton, hindi siya makakilos at tanging kamay n’ya lamang ang iniaabot niya kay Lita. Biglang babangon si Anton sa isang masamang bangungot na makikita sa kanyang mukha ang butil-butil na pawis at may hingal.)
(Sa panlabing-walong tagpo muling babalik ang eksena sa tahanan ng mga Ramirez. Sa silid ng mag-asaya naghahanda si Gng. Ramirez dahil may lakad ito. Maglalagay siya ng kolorete sa mukha. At lalapitan ng asawa.)
G. Ramirez: Mukhang may lakad ka. Saan ang gala mo?
Gng. Ramirez: Tumawag si kumareng Susan, magpapasama siya na makipagkita sa kanyang magiging kasosyo sa bago niyang negosyo. Kung maganda ang proposal ng bago niyang kasosyo sasali na rin ako.
G. Ramirez: Okey. I Think doon ka na rin magla-lunch. (Yayakapin ang asawa at hahalikan sa leeg)
            - 19 -
Gng. Ramirez: Oh ano ba Jerry, Doon na kami sa restaurant magla-lunch. O siya na male-late na ako. Magtataxi na lang ako papunta kina mareng Susan, yung kotse niya ang gagamitin namin.
G. Ramirez: Ingat. (Hahalikan ang asawa. Lalabas na ang asawa sa kuwarto)
(Pinuntahan ni G. Ramirez si Lita sa hardin at inutusan niya ito)
G. Ramirez: :Lita marunong ka bang magmasahe?
Lita: Kuya hindi po ako marunong. Bakit po?
G. Ramirez: Masakit ang kasi ang katawan ko. Pumunta ka na lang sa kuwarto at kahit hindi ka marunong tuturuan na lang kita. Itigil mo na muna yan at sumunod ka na sa kuwarto.
Lita: Opo kuya.
(Umakyat si Lita sa kuwarto, sa pagbukas niya ng silid ng kanyang amo, nakita niya itong nakadapa sa kama at naka boxer short lamang.)
G. Ramirez: Lita lumapit ka at masahiin mo ako.
Lita: (Parang takot na lalapit sa kama) Kuya ano ang gagawin ko?

            - 20 -
G. Ramirez: Kunin mo yung pulbo at lagyan mo sa likod ko tapos masahiin mo
ako.
Lita: ( Kinuha ang pulbo sa lamesa malapit sa kama at itinaktak sa likod ni G. Ramirez at dahan-dahang minasahe ni Lita. Kinukunan ng kamera ang paghagod ng mga kamay ni Lita sa likod ni G. Ramirez: at ipapakita ang mukha nito.)
G. Ramirez: Diin-diinan mo ng konti. Yan ibaba mo ng konti.
(Habang minamasahe ni Lita si G. Ramirez bigla itong tatayo sa kanyang pagkakadapa at dahan-dahang hinahawakan ni G. Ramirez ang braso ni Lita pataas hanggang hawakan ang mukha nito.)
Lita: (Biglang iiwas matapos dumampi ang kamay ni G. Ramirez sa mukha nito. Lalayo at tatayo) Marami pa akong gagawin kuya. Lalabas na po ako.
G. Ramirez: (Pipigilan ni G. Ramirez si Lita sa paghawak sa braso nito.) Hindi pa ako tapos magpamasahe sa’yo. (Hahaltakin niya pabalik sa kanya at mapapayakap si Lita kay G. Ramirez)  Maganda ka at dalagang-dalaga. (Tiyempong hahalikan niya si Lita nang itulak siya nito)
(Sa pagkakatulak ni Lita kay G. Ramirez agad itong tumakbo sa pinto ngunit naabutan siya nito. Yakap sa baywang ni G. Ramirez si Lita habang
            - 21 -
nagpupumiglas ito, inihagis niya si Lita sa kama. Napahiga si Lita sa kama at bigla siyang sinagpang ni G. Ramirez. Tinuhod niya ito pagkatapos itinulak. Sa pagbangon ni Lita nasambunutan siya ni G. Ramirez at sinikmuraan. Nanghina siya at itinulak ni G. Ramires si Lita sa kama. Ang kamera ay nasa pormang nakikita ang likod na bahaging binti ni G. Ramirez at makikita si Litang nakahiga sa kama at namimilipit sa sakit at umiiyak. Makikita na mula sa ganoong anggulo babagsak ang boxer short na suot ni G. Ramires. Kukunan ng kamera ang mukha ni Lita at lalapit si G. Ramirez at hahalikan ito sa leeg. Sasabihin ni Lita na “Huwag po…” na nagmamakaawa. Ang kuha ng kamera ay sa itaas at sisigaw si Lita ng malakas at aalingawngaw. Tapos didilim.)
(Makikita si Lita na nakahiga sa kama na nakatalikod kay G. Ramirez. Itututok sa mukha niya ang kamera at ipakikita na siya ay umiiyak. Tatayo si G. Ramirez at magtatapis ng tuwalya. Sa pagbaling niya kay Lita makikita niya ang balat sa likod nito at makikita sa mukha nito ang pagkabigla. Ipapakita sa kamera ang balat sa likod ni Lita. Lalapitan niya si Lita at itututok ang kamera muli kay Lita na patuloy sa pagluha.)
(Sa panlabing-siyam na tagpo nagwawalis ang ina ni Lita sa harap ng bahay nila at may hihintong tricycle sa tapat ng bahay nila. Bababa si Lita na bitbit ang malaking bag.)
Ina: Lita anak! (bibitawan ang walis at lalapitan ang anak)
            - 22 -
Lita: Inay! (Yayakapin ang ina)
Ina: Ba’t hindi ka sumulat na uuwi ka na. Saglit lang, biglaan yata ang pag-uwi mo? Ilang buwan ka pa lamang doon sa Maynila ha. May nangyari ba?
Lita: Wala po inay, pinagbakasyon po ako kasi, magbabakasyon ang amo ko sa Amerika ngayong Disyembre kaya pinauwi na muna nila ako.
Ina: Ah, ganoon ba? Anding ang ate mo nandito na. Kunin mo ang bitbitin niya.
Anding: (Patakbong darating) Ate kamusta ang Maynila?
Ina: Kunin mo na muna ‘yan at tayo nang pumasok.
(Sa pandalawampung tagpo, gabi, nakadungaw si Lita sa bintana at umiiyak. Hindi niya naririnig ang tumatawag na ina mula sa pintuan hanggang sa ito’y pumasok.)
Ina: Lita. Lita. Anak (Tumatawag at papasok sa pinto at lalapitan si Lita) Anak kangina pa akong tumatawag sa labas ng kuwarto mo hindi ka man lang sumasagot. Umiiyak ka ba?
Lita: Ah, wala po inay, naalala ko lang po nang lumisan po ako dito sa atin at nasa ospital pa kayo. Inay, huwag po kayong magagalit, buhay pa ba si tatay?

            - 23 -
Ina: Bakit mo naman naitanong iyan?
Lita: Simula pa noong bata ako hindi ninyo sinasagot ang tanong ko sa inyo tungkol kay tatay. Nay gusto ko pong malaman.
Ina: Masakit ang ginawa ng tatay n’yo sa akin. Naghirap akong labis dahil sa kanya. Maging pamilya ko tinakwil na ako dahil sa pagtanan niya sa akin.
(Isang flashback ang magaganap. Naglalaba ina ni Lita na inayusang bata pa at makikita ang hindi maayos sa kanyang katawan. Maririnig ang iyak ng sanggol at kanyang iiwan ang ginagawa at pupuntahan ang anak na umiiyak. Ipapadede ang bote na may laman lamang tubig. Darating ang asawa nito na si G. Ramirez at aakyat sa kuwarto)
Ina: Saan ka galing? Hanggang tanghali ba ang trabaho mo sa bar? Wala pang gatas ang anak mo. (Pupuntahan ang asawa sa kuwarto na bitbit ang anak. Makikita na nag-aalsa balutan ang asawa) Saan ka pupunta?
G. Ramirez: (Hinahakot ang damit sa bag at sinara ito. Lalabas ng kuwarto at haharangan ng asawa)
Ina: Saan ka nga sabi pupunta? (Itutukak ang asawa pabalik)
G. Ramirez: (Ibababa ang bag at kukunin ang anak sa sawa nito. Hahalikan at ihihiga sa papag. Muling kukunin ang bag at lalabas sa silid) May lalakarin ako.
            - 24 -
Ina: Lalakarin? Halos lahat ng damit mo kinuha mo sa aparador. (Nilapitan ang asawa at hinaltak ang balikat nito) Tapatin mo nga ako!
G. Ramirez: May mahal na akong iba. Sasama na ako sa amo ko.
Ina: (Hahampasin ang asawa na umiiyak) Hayup ka! Hayup ka!
G. Ramirez: (Iilagan ang hampas ng asawa at matapos mahawakan ang mga braso nito itutulak)  Tumigil ka!
Ina: Matapos akong sumama sa’yo at talikdan ang pamilya ko. Itakwil. Ganito ang igaganti mo sa akin.
G. Ramirez: Patawarin mo ako. Hindi ako naging mabuti sa iyo. Sa mga panahong hindi ako umuuwi dito, kasama ko ang amo ko sa bar. Hindi ako makaiwas, hanggang sa may nagyari na sa amin at minahal ko na siya. (Tatalikuran si Lita) Patawarin mo ako Lita. Hindi na kita mahal. (Sabay labas ng pinto ng bahay)
Ina: (Patuloy sa pagluha. Hahabulin sa pinto ang asawa.) Jerry! Jerry!
(Muling babalik sa kasalukuyan sa kuwarto ni Lita kasama ang ina)
Ina: Iniwan ako ng ama mo  at sumama siya sa may-ari ng bar sa bayan. Nabalitaan kong lumuwas sila ng Maynila at doon nagsama. Mag-iisang taon ka pa lamang noon at nalaman kong buntis ako. Hindi alam ng ama mo na
            - 25 -
nagdadalang tao muli ako. Naghirap amo. Tanging mga kapitbahay ang tumulong sa akin sa pag-aalaga sa iyo hanggang sa panganganak ko kay Anding.
Lita: Inay ba’t n’yo nilihim sa amin ang bagay na ito?
Ina: Natatakot ako. Naghirap akong buhayin kayo ng kapatid mo at wala ni isang tulong mula sa inyong ama. Kaya nilimot ko na siya sa buhay ko.
Lita: Inay anong tunay na pangalan ni tatay?
Ina: Jerry, Jerry Ramirez
Lita: ( Makikita sa mukha ang pagkagulat at papatak ang luha sa kanyang mata)
(Sa pandalawampu’t isang tagpo, sa labas ng bahay nila Lita, nag-uusap sila ni Anton. Nakaupo at dahan-dahang lumalapit sa kanila ang kamera habang nag-uusap.)
Anton: (Nakatingin kay Lita) Bakit parang iniiwasan mo ako? Sa tuwing dumadalaw ako sasabihin ng nanay mo na tulog ka na o di kaya’y masakit ang ulo mo. Iniiwasan mo ba talaga ako?
Lita: (Nakatingin lamang sa malayo at hindi makakasagot ng sumandali) Hindi naman kita iniiwasan. (Unti-unting mababasag ang tinig at makikita sa mata nito ang luha) Sa panahon na nagkawalay tayo, napagtanto ko na hindi ako nagiging
            - 26 -
karapatdapat sa pag-ibig mo.
Anton: Lita, mahal kita. Alam mo iyan, hindi ko alam ang gagawin ko kung iwanan mo ako.
Lita: Natutnan na kitang mahalin, sa lahat ng mga ginawa mo para sa akin, sa pamilya ko, hindi ko matutumbasan ang lahat ng iyon. Ayoko na magsisi ka sa bandang huli at malaman mo na hindi ako para sa’yo.
Anton: Hindi kita maintindihan. Lita…
Lita: Mahaba pa ang panahon para umibig Anton. (Patuloy sa pagluha niya) Ngayon pa lamang Anton, limutin mo na ako. Hindi ko kayang lokohin ang taong naging matapat sa akin. Hindi ako karapat-dapat sa’yo. (Tatayo at iiwan si Anton.)
Anton: (Luluha at hahawakan ang kamay ni Lita) Lita, huwag mong gawin sa akin ito. Mahal kita.Mahal na mahal kita Lita.
(Sa pagkakahawak ni Anton ng kamay patuloy sa pagluha si Lita at papasok na si Lita sa bahay at bibitiw sa pagkakahawak si Anton. Ipapakita si Lita sa kamera na umiiyak sa pagkakasara niya ng pintuan. Matapos, kukunan naman si Anton sa labas ng bahay na patuloy sa pagluha. Kasabay ng bahaging ito ang musikang malungkot)
            - 27 -
(Sa pandalawampu’t dalawang tagpo, disperas ng pasko, naghahanda ang ina ni Lita sa kusina na katulong si Lita.)
Ina: O magpahinga ka muna anak, kangina mo pa ako tinutulungan. Ako na rito magpahinga ka muna. Sige na pumunta ka na muna sa kuwarto mo.
Lita: (Ititigil ang pagtulong sa pagluluto ng ina) Sige ‘nay magpapahinga lang muna ako.
Ina; Gigisingan na lamang kita kapag nakahanda na.
Lita: (Lalapitan ni Lita ang ina at yayakapin at hahalikan) I love you inay.
Ina: Itong anak kong ito. S’ya na magpahinga ka na.
(Kukunan ng kamera ang pagpunta ni Lita hanggang sa pagpasok nito sa silid. Kukunan ng kamera ang orasan na malapit nang maghating gabi. Kukunan ang ina ni Lita na kumakatok sa pintuan)
Ina: Lita, anak. Maghahating gabi na. Nakahanda na ang pagkain. (Patuloy pa rin sa pagkatok ang ina hanggang makikita sa mukha ang pagkabahala) Lita, buksan mo na ang pinto. Anding, Anding kunin mo nga ang susi sa kuwarto ng ate mo sa tukador. Lita!
Anding: Inay heto na po. (Inabot ang susi)
            - 28 -
Ina: (Sinusian ang pinto at nang mabuksan nakatambad si Lita sa kama na bumubula ang bibig na hawak ang pamatay ng ipis) Anak! (Nilapitan si Lita at niyakap)
Anding: Ate!
Ina: (Umiiyak habang niyayakap ang anak) Tumawag ka ng tulong bilis! (lalabas si Anding ng kuwarto upang humingi ng tulong kasabay nitong bahagi ang malungkot na musika.)
(Sa pandalawampu’t tatlong tagpo, sa silid ni Lita papasok ang ina ni Lita. Makikita na walang nabago sa ayos nito mula sa insidente. Lumapit siya sa kama at inayos niya ito. May makikita siyang papel sa ilalim ng unan. Mauupo siya at baabsahin ang liham. Maririnig ang voice over na tinig ni Lita na laman ng liham. Kasabay nito ang malungkot na musika.)
Mahal kong ina,
            Patawarin n’yo ako sa ginawa ko. Alam kong walang kapatawaran ito ngunit ito lamang ang tanging paraan ko upang wakasan ang sarili kong suliranin. Inay, hindi ko matanggap ang naganap sa akin sa Maynila. Inay, buntis ako. Lito ako. Natatakot. Hindi ko alam ang gagawin. Takot akong malaman ng tao na nagdadalang tao ako. kapag nalaman ng mga tao ang kinasapitan ko, hindi ko matatanggap ang sasabihin nila sa akin.
            - 29 -
            Pinagsamantalahan ako ng amo ko. Nanlaban ako inay pero wala akong nagawa ng sikmuraan niya ako. Matapos noon inay, tinanong niya sa akin ang balat sa likuran ko. Hindi ako makasagot. Sinabi niya sa akin kung ina ko si Imelda Santos. Nagulat ako dahil kilala niya kayo. Napalingon ako sa kanya at naunawa niya ang reaksyon ko sa tanong niya, kilala kayo ng lalaking lumapastangan sa akin. Binigyan niya ako ng pera pabalik dito at tsekeng nagkakahalagang singkwenta mil. Hindi ko lubos maunawaan kung bakit n’ya ako binigyan ng pera. Nasabi niya sa akin na patawarin ko siya sa ginawa niya. Magulo ang lahat. Hindi ko maunawaan, hanggang sa pagdating ko. Kinausap ko kayo tungkol kay tatay. Nabanggit n’yo ang paghihirap na pinagdaanan n’yo sa pagbuhay sa aming magkapatid. Tinanong ko kung sino ang tunay kong ama. Nabanggit n’yo ang pangalan ni tatay. Inay, masakit sa akin nang malaman ko ang tunay na pangalan niya. Inay ang ama ng dinadala ko ay sarili kong ama, si Jerry Ramirez. Hindi ko matanggap na ang ama ng dinadala ko ay ang amang nag-abanduna sa amin. Lubusan kong naunawaan nang pagtagni-tagniin ko ang kaugnayan ng balat sa likod ko na kanyang tinanong at ang pagkakasalaysay n’yo na iniwan kami ni tatay noong maliit pa ako at noon ay may balat na ako sa likuran na hindi na nawala hanggang sa lumaki ako. Hindi ko matanggap na nilapastangan ako ng sarili kong ama. Hindi ko kayo sinisisi inay kung bakit hindi n’yo pinagtapat sa akin noon dahil ayaw n’yong maghinanakit kami o sisihin kayo sa kinasapitan ng buhay natin.
- 30 -
            Inay, patawarin mo ako. Mahal na mahal ko kayo at si Anding. Gamitin n’yo ang pera na nakatago sa aparador ko.  Mahal na mahal ko kayo inay.
                                                                                                            Lita
(Habang patuloy sa pagluha ng ina ni Lita, laalkas ang malungkot na musika at dahan dahang lalayo ang pagkuha ng kamera sa ina)
(Babalik ang tagpo sa unag tagpo na magina na nakaitim na patungo sa isang puntod at may hawak na bulaklak. Nang makarating sa puntod, ibaba ang bulaklak sa puntod at kukunan ito ng kamera. Kukunan ang mukha ng ina nito)
Ina:  Anak, patawarin mo rin ako dahil naglihim ako. Ang nagyaring ito sa amin ay hindi na mangyayri pang muli. Isang kahapon ng buhay mo at buhay namin ng kapatid mo ang nagdan at patuloy na mananatili sa aming puso at alaala. Minsan, isang madilim na kahapon lamang ito at bukas liliwanag  muli para sa amin.
Kukunan ang mag-ina at aakbayan ni Anding ang ina at dahan-dahang pataas ang kuha ng kamera hanggang sa kunan nito ang langit.

W A K A S
            - 31

Created: August 1995 Isinulat para maging lahok sa 
Drama Festival sa Las Pinas National High School
Modified Wednesday, ‎June ‎18, ‎2003, ‏‎1:15:30 AM

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento