Biyernes, Nobyembre 4, 2016

HInilawod, Isang Pagbabalik Tuklas sa Sinaunang Epiko

Ang Pagkakatuklas ng Epiko Hinilawod
Sinulat ni Allan A. Ortiz
(Paalala: Kung gagamitin ang artikulo ay kailangang humingi ng pahintulot sa Abiva Publishing House at makipag-ugnayan kay Bb. Sofie Gerong, Manager, Book Development Department, ABIVA PUBLISHING HOUSE, INC.
851 G. Araneta Avenue, 1113 Quezon City Office: (632) 7120245 local 228, Mobile: 0920-9777998)


Ayon kay E. A. Manuel (1963), ang Hinilawod ng gitnang Panay ang pinakamahaba at pinakamagkakaugnay na epikong naitala sa Pilipinas. Batay sa kasalukuyang pag-aaral ang Hinilawod ang pinakamahabang epiko sa buong mundo na binubuo ng 28,000 berso na kung bibigkasin ay aabot ng tatlong araw ang pagtatanghal. Unang nabanggit ang kuwento ni Labaw Donggon, isang siklo sa Hinilawod, sa serye ni Ealdama sa Philippine Magazine noong 1938. “Montes” ang tinawag niya rito na galing sa saitang Espanyol na ibig sabihi’y mga taong nakatira sa bundok. Nagkaroon siya ng pagkakataong tingnan ang kultura ng mga Montes sa Baryon g Da-an Norte sa Tapaz, Capiz nang pumunta siya roon noong 1931-1932. Ayon sa kanya, ang “Labaw Donggon” ang pinakatanyag na ballad ng mga Montes.
Ngunit mas tumingkad ang pagkakakilala sa kuwentong ito batay sa kauna-unahang pag-aaral ni Felipe Landa Jocano (1968) na kumilala nito bilang epiko at hindi ballad.  Tinaguriang niya itong Hinilawod ng Panay. Ang lawod ay “dagat” at ang hini at “tunog,” kaya’t hinilawod ay “tunog ng dagat.” Sa katunayan, kuwento ito ng mga taong naninirahan sa tabing-dagat. Ipinalalagay ni Jocano na ang mga taga-bulubundukin ng Panay ngayon ay dating naninirahan sa tabing-dagat ngunit sa serye ng migrasyon, naitulak silang pairaya. Ayon sa kanya, batay ito sa katotohanang ang Hinilawod ay kilala sa mga pamayanang bulubundukin ngunit hindi sa mga Kristiyano sa tambak. (Villareal, 1997 p. 8)
Si Ulang Udig, mahigit limampung taong gulang ay nakilala ni Jocano kasama si G. Demy P. Sonza sa Lumibao, Iloilo noong 1955 at inawit ang bahagi ng epiko tungkol kay Labaw Donggon na popular sa lugar. Ito ay may 3, 822 taludtod at mga limang oras ang haba sa tape. Nakilala rin nila noong 1957 si Hugan-an, isang mang-aawit sa BundokKudkuran na nasa Tapaz, isang irayang bayan sa Capiz. Pinagtiyagaan ni Jocano si Hugan-an na awitin ang epiko tungkol kay Humadapnon. May 53,000 linya ang kuwento at may dalawangpu’t lima hanggang tatlumpung oras ang haba sa tape. Isinalin ni Jocano mula sa Kinaray-a ang awit ni Dikoy Dubria, isang magsasakang may walumpu’t limang taong gulang nang matagpuan niya sa Valderrama,Antique noong 1984. Inawit naman niya ang kuwento ng magkapatid na sina Humadapnoon at Dumalapdap. (Villareal, 1997 p. 9)
Si Ulang Udig ay babaylan at si Hugan-an ay isa sa mga pinuno ng relihiyon ng kanyang baryo – tagapamagitan ng mga tao sa iba’ ibang espiritu. Hindi babaylan si Dikoy Dubria ngunit natutuhan niya ang pag-awit ng epiko mula sa kanyang ina na natuto naming umawit at naging komadrona mula sa kanyang tiyo at tiya na sina Damian at Salome na kapwa babaylan noong unang dekada ng 1800. Mapupunang ang mag-aawit ng epiko ay karaniwang babaylan o di kaya’y may kinalaman sa mga ritwal sa relihiyon ng komunidad. Ang tawag sa epiko ng mag-aawit ay kaali-ali na ang ibig sabihin ay ´banal at katangi-tangi.” (Villareal, 1997 p. 10)
Sa pagtatapat ni Jocano, kinaltas ni Ulang Uding ang ilang banal na bagahi ng epiko nang inawit niya ito para sa kanyang tagapakinig. Nagsagawa mua si Ulang Udig ng isang ritwal kung saan humingi siya ng pahintulot sa mga espiritu na awitin ang epiko. Samakatuwid, nag-ugat sa relihiyon ang epiko. Ipinapalagay, halimbawa, na paulit-ulit ang epiko dahil nagsimula ito bilang maikling imbokasyon-kuwento sa mga diyos at diyosa, at inaasahang nagiging mas epektibo ang pagdarasal kung ito’y paulit-ulit. Sa paglipas ng panahon, ang mga simpleng kuwentong ito ay naging masalimuot, mahaba at nakaaaliw. Kaya’t ang katangiang paulit-ulit ay nakatulong din sa mang-aawit upang mabuo ang kanyang komposisyon, gayon din sa tagapakinig upang maunawaan ang kuwentong binibigkas. Ito ay pagbabagong kaakibat ng paglipat ng pokus ng epiko mula sa mga diyos tungom sa bayani at sa huli, a kasaysayan/kalahian. Lahat ng ito ay sangkap ng epiko ngayon, gaya ng Hinilawod. (Villareal, 1997 pp. 10-11)
Ang pagiging banal ng epiko ay dahilan kung bakit pinakikinggan ang epiko kahit mahaba ito. Ngunit maaaring naaakit din ang mga tagapakinig sa paghalo ng banal at secular. Inaawit ang epiko sa iba’t ibang okasyon: sa lamayan, sa kasalan, sa pagganap ng iba’t ibang ritwal. (Villareal, 1997 p. 12)
Nagsisimula ang paghahanda sa kammusmusan pa lamang ng mag-aawit, nang siya’y hirangin na mang-aawit ng epiko bilang karapat-dapat na kahalili at tagapagmana ng kaalamang bayan. Karaniwang pinipili ang batang may maputing kutis (binukot), boses na mala-tanus (isang uri ng tamboong tunog-plawta pag hinipan), mahilig umawit, at may pambihirang talas ng memeorya. Kaya’t ang bawat pagtatanghal ng epiko ay makinis dahil nahasa na ang mang-aawit magmula pa sa kanyang kabataan. (Villareal, 1997 p. 13)

Ang Hinilawod ay nangangahulugang "Mga Kuwento Mula sa Bibig ng Ilog ng Halawod.” Ito ang sinaunang pangalan ng Ilog Jalaur o Jalaud sa Iloilo kung saan natuklasan ang epikong Hinilawod noong 1955 ni Felipe Landa Jocano.  Si Jocano ay isang Pilipinong antropologo na kilala sa pagtuklas at pagdokumento ng ating mga katutubong karunungang-bayan at iba pang yamang-kultural ng bansa. 
Ang epiko ng Hinilawod ay patulang epiko na isinulat ng sinaunang naninirahan sa Sulod sa Panay na sinasabing pinakamahabang epiko sa Sulod. Binubuo ng 8,340 (Jocano, 2000) na taludtodkung bibigkasin sa orihinal na berso ay aabot ng tatlong araw ang pagtatanghal. Kaya itinuturing itong pinakamahabang epiko sa mundo.
Bahagi lamang ito sa naitalang epiko na tinatayang isa sa pinakamahabang epiko sa Sulod, "mga grupo ng tao sa kabundukan ng Gitnang Panay" Dagdag pa ni Jocano, isa itong bahagi ng ritwal pangrelihiyon ng mga Sulod at hindi isang piyesang lamang. Mapapansin sa teksto na nagtataglay ito ng mga sargadong bahagi ng kanilang ritwal sa pagngangamot. 

Nahahati ang epiko sa 4(Apat) na mahahalagang bahagi.
-Ang Kuwento nina Alunsina at Datu Paubari
-Ang Pakikipagsapalaran ni Labaw Donggon
-Ang Pakikipagsapalaran ni Humadhapon
-Ang Pakikipagsapalaran ni Dumalapdap

Hinilawod
Mula sa bibig ng Ilog ng Halawod
(Epiko ng mga Bisaya)
Buod ng Epiko

Mga Tauhan
Buyung (Datu) Paubari
- Mabuting pinuno ng Halawod
- Kabiyak ni Alunsina
- Ama ng tatlong prinsipe
Alunsina
Ang bathalang babaing napangasawa ni Datu Paubari
- Ina ng tatlong prinsipe
- Lubos na mahal ang kanyang pamilya at handing magsakripisyo
Labaw Donggon, Humadapnon at Dumalapdap
- Ang tatlong anak na prinsipe ng mag-asawang Paubari at Alunsina.
- Haharap sa iba't ibang pakikipagsapalaran.
Haring Kaptan
- Ang hari ng mga bathala
- Ang nagnanais na magpakasal na si Alunsina
Iba Pang Mga Tauhan
Suklang Malayon
- ang kapatid ni Alunsina na tumulong sa kanilang mag-asawa.
Uyutang
- Isang halimaw na nakatunggali ng isa sa mga prinsipe.
Manalintad
- Ang halimaw ng Handug na ginapi ni Labaw Donggon bilang kapalit ng pagpapakasal kay Angoy Gibintinan na anak ng pinuno ng Handug.

Photo Source: https://hinilawod.wordpress.com/photos/

Hinilawod: Ang Pakikipagsapalaran ni Labaw Donggon
Patungkol ang unang bahagi ng epkio kay Labaw Donggon na pinaniniwalaang mahilig sa magagandang dilag. Isinilang siya ng ni Abyang Alunsina na isang diwata na umibig sa isang mortal na na si Buyung(Datu) Paubari. Mayroon siyang dalwang kapatid, sina Humadapnon at Dumalapdap. Nang maisilang sa mundo si Labaw Donggon ay lumaki siya agad, nagging matalino, malakas at agad nakapagsasalita.
Dumating ang panahon na ninais nang mag-asawa ni Labas Donggong, agad siyang nagpaalam sa kanyang minamahal na ina at naglakbay sa malayong pook ng  Handog. Nabalitaan niya sa paanan ng Ilog-Halawod ay may nananahang isang napakagandang dalaga na si Anggoy Ginbitinan. Humingi si Labaw ng pahintulot sa kanyang ina tunguhin ang paanan ng Ilog-Halawod kahit labag sa kalooban ng ni Abyang Alunsiya dahil bata pa ang anak ay napilit itong mapapayag ng anak. Pinagkalooban niya ang anak ng engkantadong damit. Lumipad si Labaw Donggon sa ibayo ng ulap sa tulong ng hangin. Nang makarating sa lugar ay hinarap niya ang mga magulang ni Anggoy Ginbitinan at hiniling na mapangasaya ang kanilang anak. Nagbigay ng mga pagsubok ang ina ng dalaga at napagtagumpayan ni Labaw Donggon ang lahat ng pagsubok. Kaya mapangasawa niya si Anggoy Ginbitinan.

Makalipas ng ilang linggong pagsasama ay nabalisa na naman si Labaw Donggon dahil sa nakarating sa kanyang kaalaman na may isang magandang babaing patnubay ng ilog at bukal. Siya si Anggoy Doronoon na nakatira sa ilalim ng lupa. Hindi napigil si Labaw Donggon ni Anggoy Ginbitinan. Sa kanyang paglalakbay sa ilaim ng lupa at nakamit niya si Anggoy Doronoon. Sila ay nagsama ng ilang panahon. Nagbalik si Labaw Donggon kay Ginbitinan at muling nagsama. Pagkalipas ng ilang panahon, muling nabalisa si Labaw Donggon at nakarating sa kanyang kaalaman ang isang magabdang babaeng nananahan sa paanan ng tagpuan ng dagat at langit. Siya si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata na nakatali na kay Buyong Saragnayan. Inig niyang mapangasawa ang magandang babae sa paanan ng tagpuan ng dagat at langit. Humingi siya ng pahintulot sa kanyang mga asawa upang maangkin si Nagmalitong Yawa. Walang nagawa ang dalawang asawa kahit labag sa kanilang kalooban.  


Malaking pagsubok ang hinarap ni Labaw Donggon upang maangkin si Nagmalitong Yawa sapagkat may asaya na siya. Kinailangan niyang labanan ni Buyong Saragnayan. Hindi niya napatay si Buyong Saragnayan kahit pitong taon niyang inilubog sa tubig. Walang nangyari kahit binayo niya na ito nang paulit-ulit. Ginawa niyang paikut-ikutin ni Buyong Saragnayan sa mga ulat ngunit hindi pa rin niya ito magapigapi. Sa maraming taon ng pakikipaglaban at labis na kapaguran, sinukuan ni Labaw Donggon si Buyong Saragnayan. Sa pagkakataong ito ay saka naglabas ng lakas si Buyong Saragnayan. Naitali at nakulong niya si Labaw Donggon sa isang kulungan ng baboy sa ilalim ng kanilang lutuan. Samantala, sa pakikipaglaban ni Labaw Donngon ay nagsilang ng anak ang asawa niyang si Anggoy Doroonon ng isang lalaki at pinangalanang Buyung Baranugun. 


Katulad ni Labaw Donggon, nakapagsalita at agad nakatindig ang bagong silang na si Buyung Baranugan. Si Anggoy Ginbitinan ay nagsilang din ng isang anak na lalaki na pinangalanan niyang Asu Mangga. Pareho nilang hinanp ang kanilang ama. Si Buyung Baranugan ay naglakad sa ibabaw ng tubig samantalang si Asu Mangga ay lulan ng biday o barangay. Nagkatagpo ang dalawa sa karagatan at napag-alamang pareho nilang hinahanap ang kanilang ligaw-birong ama. Nang makarating sila sa Lupang Sinisikatan ng Araw ay sumangguni sila sa bolang kristal at nalaman ang kanilang ama ay nakakulong sa ilalim ng lutuan.  

Nagtungo sila sa kinaroroonan ng kanilang ama at sila’y nakipagtagisan ng lakas kay Buyung Saragnayan. Dahil sa sila’y bata pa, wala silang nagawa. Hindi nila magapi si Burung Saragnayan. Nagtungo at sumangguni ang dalawang anak ni Labaw Donggon sa kanilang lolang si Abyang Alunsina.   Sinabi niyang ang makapapatay kay Buyung Saragnayan ay kung mapapatay nila ang baboy-ramong at kainin ang puso nito sa kinatataguan ng hininga nito. Sinabi nitong mapapatay lamang ito kung mapapatay ang baboy-ramong kinatataguan ng hininga nito. Dapat diong kanin ang puso ng baboy-ramo.
Dahil sa kanilang taglay na engkanto, natagpuan at nakitil nila ang baboy-ramo at mabilis na nanghina si Buyung Saragnayan na nagging sanhi ng kanyang kamatayan.  Nagpakawala ng palaso si Buyung Baranagun at natamaan ang dalawang mata nito. Sumigaw nang napakalakas na nagpayanig sa daigdig at nagpabuwal sa mga puno. Nagdilim ang paligid. Ito ang unang lindol at gabi.

Matapos magapi si Buyung Saragnayan agad hinanap ng magkapatid ang kanilang ama ngunit hindi nila nakita ang ama sa pinagkulungan nito. TUmulong sina Humadapnon at Dumalapdap sa paghahanap kay Labaw Donggon. Lumipas ang maraming araw ay natagpuan nila sa loob ng isang lambat sa Naglaho ang kagisigan at kagitingan ni Labaw Donggon. Ito ay dahil sa labis na pag-aasam sa magandang babae kahit ito’y may asawa at may dalawang asawa naKahit ganoon na ang sinapit ay ipinabatid niya sa kanyang mga asawa na hangad niyang mapangasawa si Malitong Yawa. Naghari ang galit ng dalawang babae. Ipinaliwaang ni Labaw Donggon na ang kanyang pagmamahal sa kanila ay pantay-pantay at kailangan sa isang kawal na magkaroon ng maraming babae. Tanging ginawa nila Anggoy Ginbitinan at Anggoy Doronoon ay ipanalangin ang kanilang asawa na manumbalik ang kanyang lakas. Muling nagbalik ang lakas at kakisigan ni Labaw Donggon.

Hinilawod: Ang Pakikipagsapalaran ni Humadhapon
(Kinikilalang bayani ng Hinilawod si Humadapnon sa epikong-bayan ng mga Sulod sa sentral Panay. Sa epikong ito nakasaad na kasama niya and dalawapang kinikilalang bayani na sina Labaw Donggon at Dumalapdap. Sa isang bersiyon ng epkio, samantala sa iba pang bersiyon nito hindi magkadugo s Labaw Donggon at Humadapnon ngunit napangasawa ang anak nitong si Nagmalitong Yawa.)

Nagpakita sa panaginip no Buyong Humadapnon sina Taghuy at Duwindi nang makatulog ito sa kanyang duyan. Sila ang mga kaibigang espiritu ni Buyong Humadapton. Pinabatid nila na kailangan niyang hanapin ang babaeng kanyang mapapangasawa na pareho niyang anak-maharlika, magtataglay ng kapangyarihan, bulawan ang buhok, at may kaalaman sa panggamot. Ang tinutukoy ng dalawa ay anak nina Buyong Labaw Donggon at Uwa Matan-ayon na si Nagmalitong Yawana. 
          Humingi si Humadapnon ng basbas sa kanyang magulang upang hanapin ang kanyang magiging kabigyak. Kailangang may makasama ang anak ni Musod Burugbalaw at Anggoy Ginbitigan sa pakikipagsapalaran ni Humadapnon. Sa pakikipag-isa ng mag-anak, kumuha ng maliit na patalim at sinugatan ang maliit nilang daliri. Tinipon nila ang kanilang mga dugo at nakalikha sila ng isang datung kapamilya na si Buyong Dumalapdap. Siya ang makakasama ni Humadapnon sa kaniyang pakikipagsapalaran. Sasakyan nila ng ginintuang biday o barangay pinamana kay Humadapnon sa kanyang magulang. 
          Pinaghandaan ni Buyong Humadapnon at Buyong Dumalapdap sa pamamagitan ng pagsasanay. Kailangang mapagtagumpayan ni Dumalapdap ang sibat ni Humadapnon na simbilis ng kidlat. Ilang ulit siyang sinibat at namatay at muling binubuhay. Sa ikapitong pagsibat ni Humadapnon ay nagawang maiwasan ito ni Dumalapdap.
          Bago sumulong ang kanilang ginituang biday, isang ritwal ang kanilang isinagawa bago ito sumulong sa karagatan. Pinausukan ito ng kamanyang at nag-alay ng dasal para sa maayos na paglalakbay. Muling nagbilin ang mga magulan na kailangan niyang mag-ingat sa engkantadong isla ng Tarangban na isla ng mga binukot. May isig o puwersa itong bumubura sa konsepto ng pinanggalingan. Hindi nagpatinag si Humadapnon. Naglakbay si Humadapnon at Dumalapdap sakay ang ginintuang biday hanggang sa marating nila ito. Nakarinig sila ng paanyaya ng yuta-yutang binukot. Nakahahalina ng mga tinig ang kanilang narinig. At naakit si Humadapnon sa tinig ngunit pinigil siya ni Dumalapdap at pinaalala ang kanilang pakay. 
          Sa simula pa, tumanggi na si Humadapnon sa paanyaya ng binukot. Ngunit nang lumabas ang pinakabatang binukot na Malubay Hanginon, nahalina ang binata at umibis ng kaniyang biday. Nag-alok ang binukot ng nganga na siyang tinaggap naman ni Humadapnon. Doo'y siya'y nakipag-ulayaw sa yuta-yutang mga dalaga. Para sa binata laruan at kalaro laman ang mga binukot. Inabot ng pitong taon ang pakikipag-ulayaw niya ang mga binukot sa isla. 
           Dumating ang sandaling natauhan si Humadapnon at binalak na tumakas, nagsara ang yungib ng Tarangban. Binihag ng mga binukot si Humadapnon. Nagdalamhati si Dumalapdap sa sinapit nilang magkapatid. Bigo sila sa kanilang pakay na hanapin ang dilag na mapapangasawa ni Humadapnon at paggabay nila sa bawat isa sa tama.
           Muling nagbalik si Dualapdap sa kanilang tahanan si Dumalapdap. Ipinabatid niya sa kaniyang magulang ang sinapit ng kanyang kapatid. Nangako ang magulang nila na lahat ay gagawin upang mabawi si Humadapnon sa mga binukot. Nabigo silang mabawi si Humadapnom sa isla. Dahil hindi nagtagumpay ang mag-anak, magkakaloob ang mag-anak ng pabuyang kayamanan (para sa lalaking tagapagligtas) at kasal (para sa babae). Muling nabigo ang mga sumubok na kalalakihan, gayundin ang mga dalagang babaylan. Umiyak ng labis sa harap ng Tarangban si Dumalapdap hanggang sa makaisip ang kaniyang mga kaibigang espiritong sina Duwindi, Taghuy, at Hangin na pakiusapan ang binibining kanilang sadya sa paglalakbay na si Nagmalitong Yawa. Mangyari, siya lamang ang tanging makapagligtas kay Humadapnon sa kamay ng mga binukot dahil magkasinlakas sila ng mga ito. Ginawa ng mga espiritung kumbinsihin, hikayatin at takutin ang dalaga at di laglaon ay napapayag nila si Nagmalitong Yawa. Pinagtapat ni Dumalapdap sa diwata na kapatid niya ang kakakulong sa isla at ang pangunahin nilang hangarin ay ang diwata ay mapaibig. Nagbalatkayo si Nagmalitong Yawa bilang Buyong Sunmasakay na isang mandirigma subalit hindi niya maikubli ang matamis nitong amoy na isang binukot.  Nang makarating sa Tarangban, naakit sa kanya ang mga binukot. Sa kasabikan ng mga binukot na makita ang makisig na buyong ay binuksan nila ang Tarangban. 
           Nang makapasok siya sa Tarangban ay pinaslang niyang lahat ng mga binukot sa isla. Wala niyang pinatay ang mga binukot maging ang punong binukot na si Lubay Hanginon. Tumambad si Humadapnon na wala sa kanyang sarili na naengkanto. Sa taglay na kapangyarihan ni Buyong Sunmasakay at ng mga kaibigang espirito, ibinalik nila ang buhay ni Humadapnon mula sa tubig buhat sa ikapitong antas ng langit at katinuan. Hindi nagpakilala si Nagmalitong Yawa na tagapagligtas ng lalaki.

Sources: Villareal, Corazon D.1997.Siday mga tulang bayan ng Panay at Negros. Isinatipon at Isinalin ni Corazon D. Villareal. Ateneo de Manila University Press. Bellarmine Hall, Katpunan Ave., Loyola Hts., Q.C.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento