Pagsasalaysay
Mahalagang
kasanayan sa pag-aaral ng wika ang pagsulat ng komposisyon. Kinababakasan ito
ng sunud-sunod na binalangklas na aralin mula sa pagpapayaman ng talasalitaan
hanggang sa malikhaing pagsulat ng katha. Kasama na rin ditto ang pag-aaral ng
mga gamit ng mga bahagi ng panalita, pagbasa, kathang pasalita at kathang
pasulat. Dapat na ang katha’y likas na bunga ng ginawang pagtalakay sa isang
tanging paksa. Dapat ito’y maging isang kawili-wiling gawaing nasasalig sa mga
makabuluhang paksa na puno ng kawilihan dahil sa nasasaklaw ito ng mga
karanasan. Bunga ito ng mabisang pagpapahayag ng mga pansariling kaisipan at
kuru-kuro.
Sa pagsulat ng katha, hindi lamang ang mga gamit ng iba’t
ibang bahagi ng panalita o ng pagbubuo ng iba’t ibang uri ng pangungusap ayon
sa gamit o kayarian o ng apat na uri ng pagpapahayag na pasalaysay,
paglalarawan, paglalahad, pangangatwiran, ang isinasaalang-alang kundi pati
palatinikan, pagbabaybayan at palagitlingan.
Sumasaklaw sa pagsasanay sa wika na
nahihinggil sa pagpapahayag ng mga hinagap o ideya sa wastong anyo ng
pagpapabatid na tinatanggap sa paggamit na pasulat ang pagsulat ng komposisyon.
Dapat balakin at iayon ang pagsulat ng katha sa pagkakasunud-sunod upang
matagpuan ang kagyat na pangangailangan sa pagsasanay tungo sa pagsulat ng
kathang porama. Kung wasto na ang pagkakaalam at pagkakapagsanay sa pagsulat sa
simula pa lamang, tiyak na magiging malinaw at magaang na sa mag-aaral ang
kasanayan at kakayahan sa pagsulat.
Katuturan:
- Pagsasalaysay
ay isang pagpapahayag na nagsasaad kung kailan, saan at paano naganap ang
pangyayari.
- Isa
itong pasalaysay na ang hangari’y mag-ugnay sa mga kalagayang bumubuo ng
isang pangyayari.
- nagsasalaysay
ito ng mga pangyayari sa maayos na pagkakasunud-sunod.
Sangkap
ng Pagsasalaysay
- Nilalaman
o Panlaman
- may
itinuro
- kailangang
may ipinapabatid
- nagbibigay-kaalaman
- mapapakinabangang
kaalaman
- Pananalita
May kabisaan ang isang pagpapahayg kung
nagattaglay ang pananalita ng:
- kagandahan
upang kalugdan
- kalinawan
upang madaling maunawaan
- kapamitagan
upang madaling paniwalaan
Mga
Dapat Tandaan
- Kaisahan
– matatamo lamang ito kung ang lahat ng sangkap ng pangungusap o talataan
ay nahihinggil lamang sa iisang paksa.
- Kaugnayan
– Matatamo ang kalinawan ng isang akda o talataan kung may magkakaugnay na
diwa ito tungkol sa paksa.
- Kawilihan
– layunin nito na mabigyang-kasiyahan at maakit ang kawilihan ng sino mang
babasa o makikinig
- Diin –
mahalagang bagay ito sa pagsulat sa talataan sapagkat nakikitang
kapamitagan ng ideya o kaisipan, pangyayari o ano mang mahalagang bagay na
dapat bigyang-diin sa isang talataan.