Nasaan na ang
standard at respeto sa edukasyon at pagtuturo?
Allan A. Ortiz
Bilang
isang guro, tungkulin nating maibigay ang kalidad na pagtuturo sa mga mag-aaral
at matiyak na nakuha nila ang kasanayang dapat nilang matamo. Subalit tunay nga
bang nangyayari ang ganitong pagkamit para sa mga mag-aaral at sa kalidad ng
edukasyon sa Pilipinas?
Tungkulin
ng isang guro na magturo, maghanda ng kanilang mga materyales para sa kanyang
klase upang maging kaiga-igaya at makamit ang inaasahang layunin para sa isang
aralin. Sadyang nagbabago ang panahon. Gaya ng ng sinasabi, hindi natin
maaaring ikumpara ang mga mag-aaral natin noon sa kasalukuyan. Tama rin na
bigyan nating konsiderasyon ang mga mag-aaral sa kasalukuyan. Ang guro ang
nakapupuna at nakararanas ng kalagayan ng mga mag-aaral sa loob ng klase. Aalam
niya ang suliraning kinakaharap nito sa kanyang mga mag-aaral pagdating sa
disiplinang pang-edukasyon. Sa mga matagal na pagtuturo, naranasan ninyo
marahin ang mga tunay na mahuhusay na mga mag-aaral na nagsusunog ng kilay para
sa kanyang pag-aaral. Naryan na makikita ang kahusayan at kagalingan dahil
nagagamit nila ang kasanayang itinuro sa kanila ng kanilang mga guro. Sa mga
bagong guro na di nakaranas nito, nararansan ninyo marahil ang sakit ng ulo sa
mga mag-aaral na walang inatupag kundi ang gumamit ng cellphone, makipag-chat,
gumawa ng mga bagay online na sila ang bumibida. Nasaan na sila sa klase?
Panakaw na gumagamit ng kanilang gadgets habang nagtuturo ang guro, wala nang
disiplina dahil napupuyat kalalaro ng online games imbis na mag-aral, magbasa
at gumawa ng kapaki-pakinabang para sa kanila. Masasabi bang ito ay isang
teacher factor kung bumagsak ang mag-aaral?
Masasabi
ng ilan na dapat inaalam mo ang suliranin ng mga mag-aaral at dapat bilang guro
ay tinutulungan mo sila. Maaaring argumento sa bagay na ito, dito na lang ba
iikot ang mundo ng isang guro? Paano na ang kanyang buhay? pamilya? Paglilibang
at iba pa? Hindi kayang akuin ng isang guro o ng mga guro ang bawat suliranin
ng mga mag-aaral dahil isa lang ang guro at marami ang mga estudyante at iba’t
iba ang kanilang pagkatao at pag-uugali maging ang antas ng pinagdadaanan nila
sa buhay at kung paano nila ito harapin. Nakaatang na ba asa balikat ng guro
ang tungkulin ng magulang na dapat sa tahanan dapat sinisimulan ang disiplina?
Ganito na ba patungo ang kultura ng edukasyon sa ating bansa?
Suriin
muna natin kung bakit nagkakaganito ang mga mag-aaral. Sa aking obserbasyon at
pananaliksik, ang mga pinagdaraanan personal ng mga batang ito ay matatagpuan
sa kanilang tahanan. Ang kawalan ng pag-aarauga ng magulang dahil sia ay OFW,
naiwan sa kaanak o kasambahay; hiwalay ang mga magulang, may ibang pamilya na
ang nanay o ang tatay; dahil sa abala sa trabaho, ibinibigay ang lahat sa mga
anak kung ano ang hilig nito, mga bagay na nagpapasaya sa kanila subalit ang
hinahanap nila ay oras ng magulang sa anak; ang paggamit nang labis ng social
media, gadgets at kung ano-anong nababasa sa internet na pagnanais ituwid o
i-justify ang isang maling paniniwala para tanggapin ng nakararami at maging
katanggap-tanggap na sa lipunan. Ang baling tuloy ng suliraning ito ay
solusyunan ng sistema ang edukasyon ang lumalalang kalagayan ng mga kabataan na
kung saan dito itinuturo ang wasto at nararapat gawin nila para sa lipunan.
Tama nga ito ay gawain ng edukasyon at ng paaralan subalit ang pundasyon ng
matatag na pagkatao ng isang kabataan ay nagmumula sa pagtuturo ng magulang sa
loob ng tahanan.
Kung
papansinin natin, sa mga guro, tayo ay sumusunod sa mga pamantayang ibinigay,
ibinabahagi sa atin para sa dekalidad na edukasyon. Ginawa ito upang baging
batayan upang nakasusunod ang mga guro sa pamantayan nito pagdating sa kalidad.
Subalit nag-iiba ang kalakaran. Maraming pagkakataon pakikiusapan kang kung
maaaring bigyan ng konsiderasyon ang isang mag-aaral para maiangat ang marka
nito at makapasok sa merit na makukuha ng mag-aaral. Sa ganitog sitwasyon,
sinasabi ng ilang guro na maaaring pagbigyan pero ito ay nagiging madalas na at
nakasanayan na hanggang na nagiging kultura sa loob ng sistema ng paaralan.
Nasaan na ang prinsipyo ng guro sa bahaging ito? Nasaan na ang respeto sa
gurong nagtuturo at nagbigay ng pagtataya sa mga-aaral niya? Sa ganitong
sistema, ipinapasa natin ang mga estudyante na may kakulangan sa kasanayan na
itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon. Gaya na lamang pagdating sa asignaturang
Filipino. Dapat sa elementarya pa lamang ay malinang na ang kahusayan ng mga
mag-aaral sa pagbuo ng pangungusao, talata hanggang sa makabuo ng makabuluhang
sanaysay, pagtalakay o pagsusuri. Sa reyalidad, karamihan sa mga mag-aaral ay
hirap sa pagsusulat, walang saysay ang pagbuo ng pangungusap, walang mastery sa teknikalidad ng pagsulat at
paggamit ng wika – pagbabantas, gamit ng maliit at malaking titik, wastong
panlapi sa pandiwa at maramim pang iba, isama mo pa riyan ang pagbuo ng talata,
pag-uugnay ng mga talataan, ang nilalaman nito. Sapat na bang ipasa ang mga
mag-aaral kahiot hindi pa ganap na nakuha o na-master nila ang kasanayang ito
na mahalaga sa kanilang pagtuntong sa junior high school hanggang sa kolehiyo?
Tila
nawalang saysay ang pamantayan o standard na yinakap ng mga paaralan na
nararapat sinusunod. Nawawala na rin ang integridad ng isang guro, respeto nito
sa kanyang sarili at prinsipyo nito sa pagtuturo kung patuloy ang gawing palitan
ang marka ng mag-aaral para sa konsiderasyon.
Marahin
nauunawaan ako ng mga tinatawag na seasoned
teachers na sa kanilang pagtuturo ay naibigay nila ang tunay na kalidad na
edukasyon dahil taglay nila ang kanilang prinsipyo, dignidad at respetong pansarili
sa pagtuturo. Sa mga baging sibol na guro, marami s ainyo ang idealistic na gustong gawin ito para sa
kanyang mga mag-aaral subalit hindi natutupad dahil sa nadidismaya sila sa
ibinibigay na effort o pagsisikap.
Nanaghari na sa mga bata ang katamaran at ibang pananaw pagdating sa pag-aaral
dahil sa impluwensyang dulot ng teknolohiya, gadgets, at maling impormasyong
nababasa.
Ang
pagtamo ng kalidad na edukasyon ay nasa kamay isang matatag na sistema na pagtalima
sa itinakdag pamantayan na sinusunod ng bawat guro at mga namumuno. Ang
pundasyon ng pagkatuto ng bata ay nagsisimula sa tahanan sa paggabay ng mga
magulang. Hindi matitinag ang isang bata kung matatag ang pundasyong itinanim
ng mga magulang nito sa anak. Huhubugin na lamang ito ng paaralan sa tulong ng
mga mahuhusay na guro – gurong may puso s apagtuturo, may prinsipyo,
paninindigan at respeto sa kanyang propesyon.