Huwebes, Mayo 30, 2024

Pilipinas, Dagok at Pamumukadkad sa ilalim ng Pananakopng Hapon

 

Pilipinas, Dagok at Pamumukadkad sa ilalim ng Pananakopng Hapon

Allan A. Ortiz

Nnag sakupin ng Hapon ang Pilipinas noong 1942 hangang 1945 ay maraming pagbabago sa bansa sa larangan ng kultura at panitikan. Nagsimula ito nang nilusob ng Imperyong Hapon ang Pilininas na tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos. 

Noong Disyembre 8, 1941, binomba ng hukbo ng mga sundalong Hapones ang Pilipinas, isang araw pagkaraang bombahin nila ang Pearl Harbor, Hawaii, at Estados Unidos. Pagkatapos ng ilang linggo, umatras sina Heneral Douglas McArthur at ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon. Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2, 1942.

Sumuko ang Bataan sa puwersa ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (ang tinatawag na Martsa ng Kamatayan) papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas, Tarlac.

Ang panahon ng pananakop ng Hapon ay tumutukoy sa mga akdang pampanitikan na nilikha at naisulat noong panahon ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas. Ito ay panahon ng malaking pagbabago at pagsubok para sa mga manunulat at mga akdang Pilipino.  Nakaranas ng paghihirap at pagkakakulong ang mga manunulat sa panahong ito.  

Isa sa mga akdang lumaganap noong dumating ang mga Hapones ay ang Tanka at Haiku. Ang Tanka ay binubuo Isa sa mga akdang lumaganap noong dumating ang mga Hapones ay ang Tanka at Haiku. Ang Tanka ay binubuo ng limang taludtod at may tig-7 bilang ng pantig sa sa tatlong taludtod at may tig-5 pantig sa dalawang taludtod nito,  samantalang ang Haiku ay binubuo ng tatlong taludtod at may bilang ng pantig na 5-7-5. Nagpapakita ang mga tulang ito ng buhay, imahe, at damdamin sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.

Ipinagbawal ng mga Hapon ang pagsalita at pagsulat ng wikang banyaga, partikular na ang Ingles. Dahil dito, naging malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng kanilang mga panitikan na kasama ang kanilang kultura, mga paniniwala, at kaugalian. Ang mga Pilipino ay muling nakasulat ng tulang Tagalog sa pagsulat ng haiku na nagtataglay ng malalim na talinghaga.   Ang mga akdang ito ay naglalarawan ng buhay sa lalawigan, pagsasaka, pangingisda, at iba pang aspeto ng buhay sa mga probinsya na nagpapakita ng karanasan ng mga manunulat, tradisyon, at kultura ng mga tao sa malalayong lugar. 

Pagkatapos ng pagbagsak ng Bataan, umatras si MacArthur patungong Australia. Pinalitan siya sa Corregidor ni Heneral Jonathan Wainwright, upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban, hanggang sa mapilitang sumuko ang mga Pilipino at Amerikano pagkalipas ng 27 mga araw.

Nagtagal nang tatlong mga taon ang pananakop o okupasyon ng mga Hapones sa Pilipinas. Itinayo ng mga Hapones ang isang pamahalaang tau-tauhan lamang nila, at ang nagsisilbing pangulo ay si Jose P. Laurel.

Noong Oktubre 1944, nagsimula ang digmaan ng pagpapalaya sa Pilipinas mula sa mga Hapones nang lumapag ang mga puwersa ni Douglas MacArthur sa Leyte.

Naproklama bilang bagong pangulo ng Pilipinas si Sergio OsmeƱa nang mamatay si Manuel Quezon.

Malakas na nabomba ng mga sundalo ng Estados Unidos ang Maynila noong Pebrero 1945. Nahuli at napilitang sumuko ang puwersang militar ni Heneral Homma sa mga Amerikano  nang mabigo silang tumakas. 

May mga magagndang idinulot ang pananakop ng Hapon sa bansa. Nagkaroon ng dibersidad pagdating sa paniniwala dahil sa pagpapalawig ng kulturang Pilipino. Naging mas maayos at kontrolado ang sistema ng pamumuno sa mga nasasakupan. Nabigyan muli ng sigla ang wikang Pambansa at natuto ang mga Pilipino magsulat ng mga Haiku

Hindi mawawala ang masamang epekto ng panankop ng Hapon sa Pilipinas. Nabago ng Kristiyanismo ang mga tradisyon at paniniwalang mga Pilipino. Hindi lahat ng Pilipino ay nabigyan ng pagkakataong makapag-aral, at nanatiling mga alipin ang ilan sa kanila. Walang kalayaan ang bansa at masasabing totoong pamahalaan ang mga PIlipino. 

Sa kabuuan, ang panahon ng pananakop ng Hapon ay nagdulot ng mga pagbabago at pag-usbong sa larangan ng panitikan, kultura, at lipunan sa Pilipinas. Ang yugtong ito ng Pilipinas ay nagbigay daan sa pag-angakt at pagkakakilanlan ng mga Pilipino bilang isang malayang bansa.  

Baliktanaw sa Haiku sa Pilipinas

 Baliktanaw sa Haiku sa Pilipinas

Allan A. Ortiz

          Hindi maipagkakaila na nasa dugo ng mga Pilipino ang pagiging isang makata. Bago pa man dumating ang mga mananakop sa bansa ay nakatagni na ito sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay gaya ng paghehele ng sanggol, mga ritwal sa pagtatanim, pananagumpay sa digmaan, pagdiriwang gaya ng pag-iisang-dibdib, paglalakbay at marami pang iba na nagpapakita ng damdamin ng mga katutubong Pilipino. Kaya ang panulaan ay isang kulturang dapat yakapin, payabungin at linangin. Naging madali sa mga Pilipinong makata na sumulat ng ibang anyo ng tula gaya ng haiku.

            Matutunton ang paglaganap ng haiku sa Pilipinans noong panahon ng pananakop ng Hapon noong 1942 hanggang 1945. Ang impluwensyang Hapon sa panitikan gaya ng haiku ay madaling niyakap ng mga Pilipino nang ipagbawal ang panitikang Pilipino sa Ingles.  Ito ang nagging Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino dahil sa namamatay na panitikan dahil ang mga manunulat ay sumusulat sa wikang Ingles.

          Ang haiku ay isang uri ng maikling tula mula sa hapon na nagtataglay ng ilang katangiang nagbibigay-kulay sa kanyang pagkakaiba. Ang tradisyunal na haiku ay binubuo ng 17 pantig na ang unang taludtod ay limang pantig, ang ikalawang taludtod ay pito at ang ikatlong taludtod ay limang pantig. Tungkol sa kalikasan at imahen ng haiku. Ipinakikita nito ang pagmamahal sa kaliksan at ang pagiging sensitibo sa mga detalye sa paligid. Sa makabagong panahon, mas malawak na ang tema ng paglikha ng haiku. Hindi na umiikot sa kalikasan bagkus nakatuon na rin sa tao at kanyang karanasan.

 

             Ang kinillang unang makatang Pilipino na sumulat ng haiku ay si Gonzalo K. Flores, kilala rin bilang Severino Gerundio, isang avant-garde makatang noong panahong ng Hapon. Narito ang dalawa sa kanyang haiku, isinalin sa Tagalog, na inilathala sa magasing Liwayway noong Hunyo 5, 1943.

tutubi
hila mo’y tabak…
ang bulaklak, nanginig!
sa paglapit mo.

anyaya
ulilang damo
sa tahimik na ilog
halika, sinta.

 

          Sa paglipas ng panahon at pag-unad ng teknolohiya, ang internet ang nagdala ng haiku sa ilang makata sa bansa. Nabuo ang mga organisasyon at pangkat s aonline upang unti-unting buhayin ang pagsulat nito. Ilan sa mga pangkat at organisasyon ay Brown Song o Kayumangging Awit na isang forum sa Yahoo ng mga makata sa Pilipinas at iba’t ibang bansa. Naitatag noong Oktubre 4, 2004 ni Robert Wilson, isang Amerikanong makata ng haiku na naninirahan sa Pilipinas. Siya ang co-owner at co-publisher, at co-editor-in-chief ng Simply Haiku. Ito ay isang online na literaturang journal na nagpapakita ng mga Japanese short form of poetry. Ang Bahag-hari ay isa ring online na pangkat sa Yahoo ng mga Filipinong makata at manunulat. Naitatag noong Marso 30, 2005 na may layuning magsalin ng mga Japanese haiku sa wikang Filipino.  

          Noong 2006 ay ginunita ang ika-50 anibersaryo ng diplomasya sa pagitan ng PIlipinas at Hapoon mula 1956-2006 bilang Philippine-Japan Friendship Day na inanunsyo ni Pangulong Gloria Arroyo. Dito nagsimulang magkaroon ng interes ang mga Pilipino na simulat ng haiku na nagdala sa unang paligsahan sa pagsulat ng haiku para sa mga Pilipino na iorganisa ng Japan Information and Culture at Embassy of Japan at Unibersidad ng Santo Tomas Graduate Studies.

          Sa kabuoan, ang haiku ay patuloy na nagng bahagi ng ating kultura. Ito ay isang maikling tula na nagpapakita ng kalikasan, damdamin at pagmamahal sa buhay. 


Sanggunian: 

https://thehaikufoundation.org/omeka/files/original/f5c5d8879bfe018401a94da6fe9c9b70.pdf