Pilipinas,
Dagok at Pamumukadkad sa ilalim ng Pananakopng Hapon
Allan A. Ortiz
Nnag sakupin ng Hapon
ang Pilipinas noong 1942 hangang 1945 ay maraming pagbabago sa bansa sa
larangan ng kultura at panitikan. Nagsimula ito nang nilusob ng Imperyong Hapon
ang Pilininas na tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados
Unidos.
Noong Disyembre 8, 1941, binomba ng hukbo ng
mga sundalong Hapones ang Pilipinas, isang araw pagkaraang bombahin nila
ang Pearl Harbor, Hawaii,
at Estados Unidos. Pagkatapos ng ilang linggo, umatras sina Heneral Douglas McArthur at ang
pamahalaan ni Manuel L. Quezon.
Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2, 1942.
Sumuko ang Bataan sa puwersa ng mga Hapones
noong Abril 9, 1942. Ang
mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (ang tinatawag na Martsa ng Kamatayan) papunta sa isang
kampo ng konsentrasyon sa Capas,
Tarlac.
Ang panahon ng pananakop ng Hapon ay tumutukoy sa mga akdang pampanitikan na nilikha at naisulat noong panahon ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas. Ito ay panahon ng malaking pagbabago at pagsubok para sa mga manunulat at mga akdang Pilipino. Nakaranas ng paghihirap at pagkakakulong ang mga manunulat sa panahong ito.
Isa sa mga akdang lumaganap noong dumating ang mga Hapones ay ang Tanka at Haiku. Ang Tanka ay binubuo Isa sa mga akdang lumaganap noong dumating ang mga Hapones ay ang Tanka at Haiku. Ang Tanka ay binubuo ng limang taludtod at may tig-7 bilang ng pantig sa sa tatlong taludtod at may tig-5 pantig sa dalawang taludtod nito, samantalang ang Haiku ay binubuo ng tatlong taludtod at may bilang ng pantig na 5-7-5. Nagpapakita ang mga tulang ito ng buhay, imahe, at damdamin sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
Ipinagbawal ng mga Hapon ang pagsalita at pagsulat ng wikang banyaga, partikular na ang Ingles. Dahil dito, naging malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng kanilang mga panitikan na kasama ang kanilang kultura, mga paniniwala, at kaugalian. Ang mga Pilipino ay muling nakasulat ng tulang Tagalog sa pagsulat ng haiku na nagtataglay ng malalim na talinghaga. Ang mga akdang ito ay naglalarawan ng buhay sa lalawigan, pagsasaka, pangingisda, at iba pang aspeto ng buhay sa mga probinsya na nagpapakita ng karanasan ng mga manunulat, tradisyon, at kultura ng mga tao sa malalayong lugar.
Pagkatapos ng
pagbagsak ng Bataan, umatras si MacArthur patungong Australia. Pinalitan siya sa Corregidor ni Heneral Jonathan Wainwright, upang
ipagpatuloy ang pakikipaglaban, hanggang sa mapilitang sumuko ang mga Pilipino
at Amerikano pagkalipas ng 27 mga araw.
Nagtagal nang tatlong
mga taon ang pananakop o okupasyon ng mga Hapones sa Pilipinas. Itinayo ng mga
Hapones ang isang pamahalaang tau-tauhan lamang nila, at ang nagsisilbing
pangulo ay si Jose P. Laurel.
Noong Oktubre 1944, nagsimula ang digmaan ng
pagpapalaya sa Pilipinas mula sa mga Hapones nang lumapag ang mga puwersa
ni Douglas MacArthur sa Leyte.
Naproklama bilang
bagong pangulo ng Pilipinas si Sergio
Osmeña nang mamatay si Manuel
Quezon.
Malakas na nabomba ng mga sundalo ng Estados Unidos ang Maynila noong Pebrero 1945. Nahuli at napilitang sumuko ang puwersang militar ni Heneral Homma sa mga Amerikano nang mabigo silang tumakas.
May mga magagndang
idinulot ang pananakop ng Hapon sa bansa. Nagkaroon ng dibersidad pagdating sa
paniniwala dahil sa pagpapalawig ng kulturang Pilipino. Naging mas maayos at
kontrolado ang sistema ng pamumuno sa mga nasasakupan. Nabigyan muli ng sigla
ang wikang Pambansa at natuto ang mga Pilipino magsulat ng mga Haiku
Hindi mawawala ang masamang epekto ng panankop ng Hapon sa Pilipinas. Nabago ng Kristiyanismo ang mga tradisyon at paniniwalang mga Pilipino. Hindi lahat ng Pilipino ay nabigyan ng pagkakataong makapag-aral, at nanatiling mga alipin ang ilan sa kanila. Walang kalayaan ang bansa at masasabing totoong pamahalaan ang mga PIlipino.
Sa kabuuan, ang panahon ng pananakop ng Hapon ay nagdulot ng mga pagbabago at pag-usbong sa larangan ng panitikan, kultura, at lipunan sa Pilipinas. Ang yugtong ito ng Pilipinas ay nagbigay daan sa pag-angakt at pagkakakilanlan ng mga Pilipino bilang isang malayang bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento