Kaligirang Pangkasaysayan ng Dulang Pantelebisyon sa
Pilipinas
Allan A. Ortiz
(Paalala: Kung gagamitin ang artikulo ay kailangang humingi ng pahintulot sa Abiva Publishing House at makipag-ugnayan kay Bb. Sofie Gerong, Manager, Book Development Department, ABIVA PUBLISHING HOUSE, INC.
851 G. Araneta Avenue, 1113 Quezon City Office: (632) 7120245 local 228, Mobile: 0920-9777998)
Likas
sa mga Pilipino na mapaglibang sa mga libreng oras nito. Subalit ang
paglilibang noon ng ating mga ninuno ay nag-ugat sa mga ritwal nito. Gaya ng
ritwal sa pagtatanim, pakikidigma o may kinalaman sa pang-araw-araw na buhay ng
tao ay sinasaliwan ng awitin at sayaw bilang pagtawag sa mga espiritung
kanilang pinaniniwalaan.
Nang
dumating ang mga Espanyol sa bansa, nanatili ang mga ritwal sa mga liblib na
lugar ng bansa at nadagdagan ang uri ng panitikan na sa kalaunan ay inibig ng
mga katutubo ang mga ito dahil sa bago sa kanilang paningin at pandinig. Di rin
naglaon ang mga uri ng panitikang ito ay naging bahagi ng buhay ng ating mga
ninuno bilang isang uri ng libangan. Mula sa mga babasahing may temang
relihiyon gaya ng mga awit, korido, pasyon ay nabaling sa panonood ng mga
panitikang ito gaya ng senaculo, moro-moro at mga dula-dulaan.
Nang
masakop ang bansa ng Amerika ay ipinakilala ang mga makabagong uri ng panitikan
na may kasamang teknolohiyang gamit. Ito ay ang pinilakang-tabing at
telebisyon.
Makikitang
malaki ang ikinaunlad ng panitikan sa ating bansa. Ito ay naging midyum upang
ipahayag ang saloobin, hangarin, pangarap ng isang Pilipino sa mga akdang
pampanitikan mula sa simpleng tula hanggang sa isang pelikulang napanonood.
Malaki
ang naging impluwensya ng panitikan sa buhay ng mga Pilipino gamit ang iba’t
ibang uri ng midyum. Sinasabing ang telebisyon ang pinakamakapangyarihang
midyum sapagkat ito ay may kakayahang abutin ang napakaraming tao dahil sa
lawak nararating ng signal nito.
Ang mga dulang pantelebisyon ang pinakatutukan
sa loob ng tahanan ng pamilyang Pilipino noong dekada 50. Kinilala itong soap opera. Nagsimula sa pakikinig ng mga kadalagahan at mga ina ng dulang
panradyo sa umaga. Opera ang tawag sa madudulang pangyayari ang pinakatutukan
ng mga tagapakinig sa radyo. Kalimitan ang pakikinig ng mga dulang panradyo ay
sinasabayan ng paglalaba ng sama-sama ng mga babae sa tabing ilog, tabing poso
kung saan nagaganap ang sama-samang paglalaba ng mga kababaihan. Nakuha ang
salitang soap dahil ang pangunahing advertiser ng mga dulang panradyo ay mga
sabong panlaba dahil nakikita nila ang malaking potensyal nito sa kanilang
produkto.
Ang soap opera ay kuwento tungkol sa ilang karakter
at sa kanilang pakikibaka sa buhay, na inilalahad sa naratibo na punong-puno ng
emosyon (melodrama) at kadalasan, sa eksaheradong paraan. Ang istraktura nito
ay ipinalalabas nang 30 hanggang 45 minuto. Pinalalabas Lunes hanggang
Biyernes. Pinalalabas nang panghapon o kaya sa primetime. Kadalasan ang tema
nito ay kuwentong pamilya – nawalan ng anak o nagkapalit ng mga anak, kuwentong
pag-iibigan ng mayaman at mahirap, o agawan ng mana. Ang katangian ng mga soap
opera ay masalimuot, may nawawalang bagay o tao, may babawiing bagay o tao at
malinaw kung sino ang bida at kontrabida. Ang soap opera ay kilalang genre ng mga babae dahil sa karamihan sa mga
manonood nito ay babaeng naiiwan sa bahay (Cantor and Pingree, 1983). Ayon
naman kay Hobson, ang mga tauhang babae sa soap opera ay matatapang at isa ito
sa pinasikat na katangian ng mga sopa opera. Kitang-kita na ang kapangyarihan
ng mga babae sa mga soap opera dahil sa usaping gender equality. Ang mga
babaeng api noon ay palaban na ngayon.
Noong 1949 nagsimulang pumainlalanlang ang “Gulong ng Palad”na soap opera sa DZRH noong 1949 hanggang 1956 na tinutukan ng mga
tagapakinig. Binuhay ang ito sa telebisyon ng BBC (Banahaw Braodcasting Corporation) channel 2 nong 1977 na pinagbidahan nina Marianne dela Riva (Luisa), Ronald Corveau (Carding), Augusto Victa (Mang Emong), (Caridad Sanchez (Aling Idad),
Noong 1949 nagsimulang pumainlalanlang ang “Gulong ng Palad”na soap opera sa DZRH noong 1949 hanggang 1956 na tinutukan ng mga
tagapakinig. Binuhay ang ito sa telebisyon ng BBC (Banahaw Braodcasting Corporation) channel 2 nong 1977 na pinagbidahan nina Marianne dela Riva (Luisa), Ronald Corveau (Carding), Augusto Victa (Mang Emong), (Caridad Sanchez (Aling Idad),


Dekada 80 nang ipalabas sa telebisyon ang
mga soap opera sa hapon. Ilan lamang sa mga namayagpag na soap opera noon ay Nang
Dahil sa Pag-ibig (1981), Yagit (1983), Kaming mga Ulila (1987) ng GMA7, Ang Pamilya Ko (1987),
Ula, Ang Batang Gubat (1988) na pinagbidahan ni Judy Ann Santos ng IBC 13, Agila
(1989), Anna Luna (1989) ng ABS-CBN,.
Sabi
ni Dorothy Hobson “Soap
opera speaks to millions of individual and mirrors aspects of their lives back
to them.” Tunay ngang sinubaybayan ng
karaniwang mamamayang Pilipino ang mga soap opera sa telebeisyon dahil sa mga
tema nito na sumasalamin sa buhay ng karaniwang mamamayan; paghihirap at
pananagumpay ng mga api sa lipunan, kabiguan at kaligayahan sa pag-ibig at
marami pang iba.
9 ang “Oshin,” isang seryeng pantelebisyon na mula sa bansang Japan. Mas nakilala ang mga telenovela nang naging matunog at inantabayanan ng mga manonood ang “Mari Mar” mula sa “Maria” trilogy” ang una ay “Maria Mercedes” na kalaunan ay ipinalabas sa ABS-CBN noong 1996, Maria la del Bario, at Rosalinda na ipinalabas sa RPN 9 na pinagbibidahan ng Mexican superstar na si Thalia.
Dahil sa kasikatan ng Mexican telenovela, nagsipagsuniran na rin ang ibang networks na magpalabas ng ganito ABC 5 (TV5 ngayon) “Morena Clara” at “Agujetas de Color de Rosa” sa GMA. Napalitan ang katawagan ng soap opera na telenovela sa mga panahong ito. Sunod-sunod na mga Latin American telenovela ang ipinalabas sa Pilininas na ipinalalabas sa umaga, hapon hanggang gabi.
Gumawa
ng tatak ang ABS-CBN nang ilunsad nila ang kanilang unang teleserye na “Pangako
sa Iyo.” Nakilala ang mga karakter nina Angelo Buenavista (Jerico Rosales) at
Yna Macaspac (Kristine Hermosa). Gayundin ang tarayan ng mga karakter nina
Claudia Buenavista (Jean Garcia) at Amor Powers (Eula Valdez). Sinundan ng
sikat na teleserye na "Kay Tagal Kang Hinintay" na pinagbidahan ni John Lloyd
Cruz, Bea Alonza, Lorna Tolentino, Jean Garcia, Edu Manzano at John Estrada. Taong
2010 ganap na ginamait ng GMA ang “teledrama” bilang pagkakakilanlan sa kanilang
mga dramang pantelebisyon at dramaseryes naman sa TV5.
Kung
bibigyang kahulugan ang teleserye o teledrama ay mula sa salitang “tele” na
ibig sabihin ay telebisyon at “serye” sa salitang Tagalog ng “series” at “drama”
para sa salitang drama. Ito ay maaaring mauri sa iba’t ibang anyo at
genre. Anumang katawagan ng mga ito ito ay mga dramang palabas sa
telebisyon na nag-ugat sa soap opera.

Simula
nito nagpalabas na ng mga Koreanovela ang mga malalaking network sa bansa. Ang
TV5 ay nagpalabas ng mga Koreanovela sa tanghali bilang pantapat nila sa noontime
show ng dalawang estasyon. Ilan sa mga ito ay “Hero”, “My Wife is a Superwoman”.
ng Pinoy pop culture dahil sabi nga nila ang Pinoy pop ay laging gaya. Dito pumapasok ang konsepto ng kapitalista sa telebisyon na kung ano ang uso ay paglalaanan niya ng pondo upang kumita at tangkilikin ng manonood. Ang pagpapalabas ng mga telenovela sa Latin Amerika at Asianovela sa Taiwan at South Korea ang pinagkakagastusan ng mga networks dahil sa makabagong tagpuan ng mga kuwento, kakaiba at mapangahas na mga kuwento na kalaunan ay kinopya ang format ng mga ito at ang iba ay ni-remake pa gaya ng “Only You”, “Green Rose,” “Pure Love,” “Ako si Kim Samsoon,” “Coffee Prince,” “Mari Mar,” “Maria la del Bario,” at “Maria Mercedes. Ito ay naganap sa kalagitnaan ng 2000 subalit ang paghahanap ng mga bansang tulad ng Pilipinas ng mga teleserye na ipalalabas sa ating bansa ay noong dekada 90 pa nagsimula ay nagawang ipalabas din ang ating mga soap opera at teleserye sa ibang bansa sa pamamagitan ng The Filipino Channel o TFC ng ABS-CBN at Pinoy TV ng GMA.
Sa bansang Cambodia ayon kay Nai Hiu Mei mula sa artikulo ni Belen na dahil sa kasikatan ng teleserye ay Angelo ang ipinangalan sa mga sanggol na ipinanganak sa nasabing bansa. Sa Times of Zambia, ibinalita ni Meluse Kapatamoyo na pinag-uusapan ang teleserye ng mga magkakapamilya, magkakaibigan at magkakapit-bahay. Maging ang teleseryeng Lobo ay namayagpag din sa mga bansang Brunie, Indo-China, Asia, Europe at Africa. Kinilala rin ito bilang Best Telenovela sa 30th BANFF World Television Festival at si Angel Locsin ay naging nominado sa International Emmy Awards.
Naging malaki ang impluwensya ng telebisyon sa mga Pilipinong manunuod. 95% o humigit kumulang 34 milyong tao sa populasyon sa urban areas sa bansa ang nakokober ng National Urban Television Audience Measerement (NUTAM) ng AGB Nielsen Philippines. Taong 2008, 92% – 95% Pilipino ang naaabot naman ng telebisyon. Ipinakikita lamang nito ganoon katas ang dami ng Pilipino nanunood ng telebisyon at kapangyarihan ang impluwensya nito. Taong 2011 ang dalawang dambuhalang network sa bansa ay may apat hanggang limang oras na nilalaan kada 20 oras sa broadcast para sa teleserye. Ngayon 2017 may dumoble ang oras na inilaaan ngayon ng dalawang malalaking network para sa teleserye. Hindi mo pa rin ibibilang ang oras na inilalaan ng mga tao sa panonood ng mga series sa internet. Masasabi nating isang malaking sandata ito upang hubugin ang kamalayan ng mamamayang Pilipino upang makabuo ng isang rebolusyon.
Dala ng
komersyalismo ay nauuri ang mga dramang pantelebisyon, soap opera o teleserye
na isang pop culture. Ayon kay Gilda Fernando at M.G. Chavez ang pop o
popular culture ay kung ano ang tanggap ng nakararami na nagmula sa mga
impluwensiya ng teknolohiya at mass media gaya ng print, radyo, telebisyon at
pelikula kaya madaling makilala ng masa. Sa isang artikulo sa wordpress.com na
may pamagat na “Ang Teleserye ng Buhay Ko, ng Buhay Mo at ng Buhay Nating
Lahat!” kapansinpansin na kaya madalas mapuna ang mga kuwento ng teleserye ay
dahil diumano sa pagkopya ng mga istorya mula sa ibang bansa gaya na lamang ng
mga punang nakuha ng mga teleseryeng
“Sana Maulit Muli” na mula
raw sa pelikulang If Only, ang “Imortal” na ang
inspirasyon daw ay Twilight at ang Lord of the Rings naman
ang sa “Encantadia”. Kung sina Fernando at Chavez (2001) ang
tatanungin, ang pangongopya na nga ang pinakaeksaktong depinisyon ng Pinoy pop culture dahil sabi nga nila ang Pinoy pop ay laging gaya. Dito pumapasok ang konsepto ng kapitalista sa telebisyon na kung ano ang uso ay paglalaanan niya ng pondo upang kumita at tangkilikin ng manonood. Ang pagpapalabas ng mga telenovela sa Latin Amerika at Asianovela sa Taiwan at South Korea ang pinagkakagastusan ng mga networks dahil sa makabagong tagpuan ng mga kuwento, kakaiba at mapangahas na mga kuwento na kalaunan ay kinopya ang format ng mga ito at ang iba ay ni-remake pa gaya ng “Only You”, “Green Rose,” “Pure Love,” “Ako si Kim Samsoon,” “Coffee Prince,” “Mari Mar,” “Maria la del Bario,” at “Maria Mercedes. Ito ay naganap sa kalagitnaan ng 2000 subalit ang paghahanap ng mga bansang tulad ng Pilipinas ng mga teleserye na ipalalabas sa ating bansa ay noong dekada 90 pa nagsimula ay nagawang ipalabas din ang ating mga soap opera at teleserye sa ibang bansa sa pamamagitan ng The Filipino Channel o TFC ng ABS-CBN at Pinoy TV ng GMA.
Kung ang mga Pilipino ay nahumaling sa mga Korean novela, hindi rin
pahuhuli ang mga teleserye sa ating bansa na namayagpag sa ibang bansa. Ang
“Pangako Sa’yo” na pinagbidahan ni Jerico Rosales at Kristine Hermosa ay
tinangkilik sa mga bansang Malaysia, Indonesia,
Singapore, Cambodia, at sa Africa. Sa
arikulong inilathala ni Crispina Martinez-Belen pinanood din ang teleseryeng
ito sa China noong 2010 na nakakuha ng 1.3 bilyong manonood mula sa 2,000
channel sa nasabing bansa. Sa Youtube mo mapapanood nang sumali si Vina Morales
sa IKON ASEAN na ginanap sa Malaysia noong 2007 na kasagsagan ng
kasikatan ng “Pangako Sa’yo” sinabayan si Vina Morales ng mga Malaysians sa
pag-awit ng theme song ng nasabing serye. Sa bansang Cambodia ayon kay Nai Hiu Mei mula sa artikulo ni Belen na dahil sa kasikatan ng teleserye ay Angelo ang ipinangalan sa mga sanggol na ipinanganak sa nasabing bansa. Sa Times of Zambia, ibinalita ni Meluse Kapatamoyo na pinag-uusapan ang teleserye ng mga magkakapamilya, magkakaibigan at magkakapit-bahay. Maging ang teleseryeng Lobo ay namayagpag din sa mga bansang Brunie, Indo-China, Asia, Europe at Africa. Kinilala rin ito bilang Best Telenovela sa 30th BANFF World Television Festival at si Angel Locsin ay naging nominado sa International Emmy Awards.
Naging malaki ang impluwensya ng telebisyon sa mga Pilipinong manunuod. 95% o humigit kumulang 34 milyong tao sa populasyon sa urban areas sa bansa ang nakokober ng National Urban Television Audience Measerement (NUTAM) ng AGB Nielsen Philippines. Taong 2008, 92% – 95% Pilipino ang naaabot naman ng telebisyon. Ipinakikita lamang nito ganoon katas ang dami ng Pilipino nanunood ng telebisyon at kapangyarihan ang impluwensya nito. Taong 2011 ang dalawang dambuhalang network sa bansa ay may apat hanggang limang oras na nilalaan kada 20 oras sa broadcast para sa teleserye. Ngayon 2017 may dumoble ang oras na inilaaan ngayon ng dalawang malalaking network para sa teleserye. Hindi mo pa rin ibibilang ang oras na inilalaan ng mga tao sa panonood ng mga series sa internet. Masasabi nating isang malaking sandata ito upang hubugin ang kamalayan ng mamamayang Pilipino upang makabuo ng isang rebolusyon.
Sa paglipas
ng panahon sarisaring serye ang umusbong sa telebsiyon nariyan na ang
fantaserye at telepansaya nang magkabilang malalaking estasyon sa bansa na
humugot mula sa mga kuwento sa
komiks, epikong, alamat o sabihing impluwensya
ng banyagang palabas. Magkagayunman, ang soap opera o teleserye ay kinikilala
pa ring mga dramang palabas sa ating bansa na nauuri lamang a iba’t ibang
genre. Tinangkilik at inibig ng mga Pilipino dahil ito ay nagpapakita ng tema
tungkol sa kabayanihan, pananagumpay ng mabuti laban sa kasamaan, pag-ibig at
pag-asa. Gasgas mang sabihin ang mga plot ng mga ito ay patuloy pa rin itong
tinatangkilik ng masang Pilipino. Ang lahat ng mga ito ay nagpapakita ng ugali, pamumuhay ng mga tao
at karamihan sa mga drama ay sumasalamin sa suliraning kinakaharap ng bansa,
mga isyung kailangang bigyang pansin ng lipunan. Ang mga aral sa buhay na
ipinakikita ng mga dramang ito ay nagtuturo sa mga manonood kung paano harapin
ang mga suliraning kinahaharap ng bawat isa sa araw-araw. Gayunman hindi pa rin
natuto ang mga manunuood kung paano suriin ang isang palabas na pinanonood. Ang
mahalaga lamang sa kanila ay sila ay malibang, matuwa, masiyahan, maluha, mabigo o magtagumpay kasabay ng kanilang pabirito at hinahangaang artista dahil nakararanas rin sila ng mga ito o nagbibigay sa kanila ito ng pag-asa. Subalit ang kamalayan ng mga manunuod ay hindi pa ganap. Marapat lamang maturuan ang mga manunuood kung paano ang mahusay at mapanuring panonood ng mga programa sa telebisyon na masasabing magbibigay sa kanila ng dagdag kaalaman, matalas na pagkaunawa sa mga bagay-bagay sa paligid at higit sa lahat ay kung paano magagamit ang mga impormasyong ito sa kapaki-pakinabang na paraan.
Sanggunian:
http://russel.wikia.com/wiki/%27Marimar%27_returns_to_RPN-9
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento