Huwebes, Hulyo 6, 2017

Paggamit ng Social Media: Nakabubuti nga ba?

Paggamit ng Social Media: Nakabubuti nga ba? 
(Paalala: Kung gagamitin ang artikulo ay kailangang humingi ng pahintulot sa Abiva Publishing House at makipag-ugnayan kay Bb. Sofie Gerong, Manager, Book Development Department, ABIVA PUBLISHING HOUSE, INC.
851 G. Araneta Avenue, 1113 Quezon City Office: (632) 7120245 local 228, Mobile: 0920-9777998) 

      Sa kasalukuyan, ang panahon ay tinatawag na Information Age kung saan mabilis na nakukuha ang impormasyon sa pamamagitan lang ng isang klik sa computer o smart phones. Ang ganitong kaganapan sa mundo ay bunga ng teknolohiya upang mapabilis ang kalakaran sa mundo, telekomunikasyon, komersyo, negosyo, transportasyon at marami pang iba gamit ng internet. Sa pamamagitan nito pinaliit ng tao ang mundo na kaya na nitong mahawakan sa kanyang mga palad. Sa kapangyarihan na ibinigay sa tao dala ng produkto ng teknolohiya, maraming tao ang nahilig sa paggamit nito.
     Halos kalahati ng populasyon ng mundo o 3.75 billyon ay gumagamit ng internet ayon sa ulat sa "Digital in 2017 Global Overview." May 8% taon sa taon ang pagtaas ng paggamit ng internet sa buong mundo. Sa Pilipinas, na may 103 milyong populasyon, 60 milyon o 58% ng kabuoang populasyon ay gumagamit ng internet. Nasa 50% ng global internet penetration na bahagya lamang sa bahagdan ng China at Vietnam (53%) kung saan ang nangunguna ay ang Estados Unidos (99%).   
     Ang Pilipinas nasa 15 puwesto sa 20 bansang may mataas na bilang ng paggamit ng internet sa buong mundo batay sa tala noong Hunyo 2017 ayon sa internetworldstat.com. Naglalaan ng 8 oras at 59 na minuto ang isang Pilipino sa bawat araw sa paggamit ng internet na mas mataas pa sa mga bansang Brazil, Thailand, Indonesia at Japan. Ito ay pinagsamang paggamit ng mobile at desktop. 
       Noong 2019, sa ginawang sarbey ng Social Weater Station sa unang quarter ng taon, 21% na tinatayang nasa 13.9 milyong indibidwal na Pilipinong nasa wastong edad (adult) ang gumagamit ng Facebook para sa pagbabasa ng balita. Kalahati o nasa 49% ng nasabing bilang ay nasa kolehiyo at nagtapos ng sekondarya, 37% ay nagtapos ng elementarya at 36% ay mga hindi nakapagtapos ng elementarya. 99% na tinatayang nasa 30.3 milyong  Pilipinong na nasa wastong gulang ay gumagamit ng internet at may Facebook account. Ito ay halos kapantay ng kabuoang bilang ng populasyn mga nasa wastong eded (adult)na 45% na tinatayang nasa 40.5 milyong indibidwal.  
     Isang produkto ng Information Age ay ang social media. Nilikha ito upang mapabilis ang komunikasyon ng tao saang panig ng mundo. Sa buong mundo may 2.789 billion ang gumagamit ng social media sa lahat ng uri ng platforms – 37% ng populasyon ng mundo. Ang platform ay paggamit ng mga pooksapot o website at mga online applications upang magbahagi ng mga parehong kagustuhan o interes gaya ng pag-awit, pagsusulat ng blog at iba pa. Ang nangungunang platform ay Facebook na may 1.871 billion na tao ang gumagamit kasunod ang WatsApp at Facebook Messanger. Sa Pilipinas may 58% na may buwanang paggamit ng malalaking social media sites katumbas ng 37% ng paggamit nito sa buong mundo.  Sa madaling sabi na ang mga Pilipino ay adik na sa paggamit ng paggamit ng mga social media. Subalit tila hindi batid ng nakararami ang halaga, at paraan ng paggamit ng social media.
     Sinasabi na ang paggamit ng social media sites ay upang mabingyang kabatiran ang mga tao sa mga nangyayari sa buong mundo. Subalit ito nga ang pagkakaunawa ng mga tao sa paggamit nito?
     Mapapansin sa Pilipinas na ang nilalaman ng Facebook ng isang subscriber ay patungkol sa kanyang sarili. Ibinabahgi niya ang mga pangyayari sa kanyang sarili – mula sa umaga paggising hanggang sa pagkain, mga nararamdamang emosyon sa bahay, trabaho, pamahalaan, lalo na sa pag-ibig. Samahan pa ng mga larawan at video na ina-upload na bibigyan ng mga reaksyon ng netizens at komento. Malamang ay nais ng tao na mapansin sa buong mundo upang sumikat at makilala gaya ng mga internet sensations na ngayon ay kilala nang singer, artista o celebrity.
     Bukod pa sa mga ganitong pangyayari sa social media world ay ang pagbibigay ng mga komento ng tao sa sarisaring mga uri ng mga inilalabas na impormasyon, usapin sa politika, pag-ibig, hinahangang artista. Nariyan pa ang pagbabahagi ng mga maling ulat o impormasyon na pinaniniwalaan ng nakararami na nagdudulot ng kaguluhan. Indikasyon lamang nito na mahina ang mga tao sa pagbabasa at pagbeberipika ng katotohanang impormasyong nababasa sa internet.  Samahan mo pa ng mga netizens na makikipag-away sa iyo dahil sa tumataliwas ka sa kanilang pinaniniwalaan lalo na kung ang ibinibigay na komento ng mga concerns netizens ay itama ang mga inilalagay sa mga platforms na ito. Naging daan ito para sa isang nangungunang suliranin pagdating sa social media ang cyber bullying.
     Sa blog ni Kyle Tsakiris, isang pang-global na usapin ang responsableng paglalagay ng larawan sa social media. Ang paglalagay ng larawang ito ay may kinalaman sa photojournalism at pagpapataas ng kabatiran sa lahat sa mga nangyayari sa mundo. Gaya na lamang ng larawang inilalagay na may kinalaman sa usapin ng global warming, krisis sa mga refugee, racism o kapootang panlahi at marami pang iba. Dahil sa walang kaalaman ang nakararami sa usapin ng photojournalism nagpapakita lamang ang mga imaheng ito ay walang halaga kaysa sa sa isang narsisitikong uri ng moralismo sa mga Kanluraning bansa at sa iba pang na hiwalay mula sa aktuwal na mga kaganapan na nakalarawan. Kapag sinabing narsisismo, ito ay isang pambihirang interes at paghanga para sa sarili. Sa pagpapakita ng mga ganitong larawan ay nagbubunga ng pakikisimpatya ng iba at karamihan ay nakikipagtalo sa mga uspaing ito na nagpapalala sa pangyayari. Nagpapataas nga ba ng kamalayan ng mga tao ang mga inilalagay na larawang ito sa social media o nais lamang ng iba ay magbahagi ng kanilang saloobin na may matataas na emosyon na humahantong sa pagtatalo at di pagkakaisa ng nakararami?
     Habang ang kamalayan ng social media ay nakapahalaga sa ating makabagong kamalayan sa pagturturo sa atin ng mga isyu sa buong mundo, hindi ito maaari, at hindi dapat malito ang mga tao sa mga kongkretong katotohanan. Subalit ang panahon ngayon ay naliligaw ang tao sa kung ano ang tama at totoo. Ito rin ang panahon ng pagkukunsinti ng tao sa mga sinasabi ng tao sa social media. Pumapasok ang usapin ng freedom of expression. Subalit ang kalayaang ito na makapagpahayag ng sariling opinyon ay lumalampas sa limitasyon nito. Kung itama man o punahin ng isang netizen ang post ng isang netizen ay gulo ang kahahantungan at sasamahan pa ng iba pang netizens na kapanalig ng mga ito. Nagbubunga ito ng pagkakawatak-watak ng mamamayan dahil sa maling impormasyon, maling pagkilos at maling paraan ng pagpapahayag. Maging ang mga larawang inilalagay sa social media ay hindi para sa pagpapabatid sa nakararami ng isyu na magdadala sa mga netizens ng pakikisimpatya, pagpapahayag ng kanilang damdamin, saloobin at opinyon subalit kung sasaliksikin natin ang sarili ay bunsod ng pansaring interes. Hindi alam kung paano kikilos ang tao sa mga ganitong uri ng uspain upang matugunan ang posibleng solusyon sa mga ito. Ang lahat ng ito ay bunsod ng kawalang kaalaman ng tao sa responsableng pagpapahayag. Ayon sa isang propagandista na si Jacques Ellul, “And, in fact, modern man does not think about current problems; he feels them. He reacts, but be does not understand them any more than he takes responsibility for them. He is even less capable of spotting any inconsistency between successive facts; man's capacity to forget is unlimited. This is one of the most important and useful points for the propagandist, who can always be sure that a particular propaganda theme, statement, or event will be forgotten within a few weeks.” 
Bukod sa usaping ito sa paggamit ng social media ng mga tao ay nakadikit din ang pag-aaksaya ng tao sa kalidad ng panahon dapat inilalaan niya sa kanyang pamilya at pag-aaral. Sa pagkawala ng komunikasyon sa loob ng tahanan ay nagbubunga ng pagkalayo ng relasyon sa miyembro nito na nagdudulot ng pagkasira ng tahanan. Kung masira ang tahanan, na sentro ng lipunan, masisira rin ang lipunan. Nauubos ang panahon ng bawat kasapi ng pamilya na nakatutok sa paggamit smart phone o computer para sa paggamit ng internet. Ang tamang pagpapahayag ng emosyon ay hindi na naitatama dahil malaya nang nakapagpapahayag ang mga kabataan sa social media na nagbubunga ng pagbabago ng pag-uugali nila na nadadala nila sa loob ng tahanan at komunidad. Ang kawalaan ng kaalaman sa tamang paggamit nito, kasanayan sa pagbabasa at pag-unawa, ay indikasyon ng maling pag-unawa sa kalayaan na nagbubunga ng aktibismo sa social media.  
     Dito na pumapasok ang gampanin ng mga magulang upang turan ang kanilang mga anak sa responsableng paggamit ng social media. Dapat binabantayan nila ang mga inilalagay ng kanilang mga anak kung ito ba nakabubuti sa kanila, nagpapakita ng pagpapabatid ng tamang impormasyon at iba pa. Dito papasok ang pagsusog ng sektor ng edukasyon upang mas bigyang lalim ang kaalaman ng mga mag-aaral sa responsableng paggamit ng social media gamit ang kanilang natutuhan lalo na sa wika at photojournalism.

     Bawat isa ang kailangang kumilos upang ang suliranin sa isyu ito ay matugunan ang lumalalang kalagayan at pag-uugali ng tao na sumusira sa mundo. 
      Tao ang may kapangyarihan sa paggamit ng mga sicial media at nasa kamay natin ang responsableng paggamit nito. 

https://www.websitehostingrating.com/tl/internet-statistics-facts/
http://www.sws.org.ph/swsmain/artcldisppage/?artcsyscode=ART-20190629182313

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento