Lunes, Hulyo 3, 2017

Teleserye Pop Culture – Gaya, Impluwensya o Orihinal?

Teleserye Pop Culture – Gaya, Impluwensya o Orihinal?
Allan A. Ortiz
(Paalala: Kung gagamitin ang artikulo ay kailangang humingi ng pahintulot sa Abiva Publishing House at makipag-ugnayan kay Bb. Sofie Gerong, Manager, Book Development Department, ABIVA PUBLISHING HOUSE, INC.
851 G. Araneta Avenue, 1113 Quezon City Office: (632) 7120245 local 228, Mobile: 0920-9777998)


     Ang panitikan ay may iba’t ibang uri at midyum kung paano ito maihahatid sa tao. Nariyan ang print media, radyo, telebisyon, pelikula, elektronito, at marami pang iba. Bawat midyum ay tinatangkilik ng nakararami o mas tanyag sa bansag na masa. Dahil sa laki ng populasyong kumukunsumo o tumatangkilik ng mga panitikang ito ay nagkakaroon ng sariling kulturang matuturing na sa kanila lamang makikita. Ito ay kalinangang tanyag o kulturang popular.
     Sa depenisyong ibinigay ng Wikipedia, "ang kaliningang tanyag na tinatawag ding kalinangang bantog, kulturang popular, kulturang bantog, kalinangang kinatigan, o kulturang kilala ay ang kabuuan ng mga ideya, mga pananaw, mga saloobin, mga meme, mga imahe, at iba pang mga penomeno na winawaring pinipili at tinatangkilik ayon sa isang impormal na consensus sa loob ng pangunahing agos ng isang ibinigay na kalinangan." Ito ay pinagsama-samang mga ideya na bunga ng malakas na panghihikayat ng mass media na tagusang makikita sa pamumuhay ng lipunan. Sa madaling sabi bunsod ng impluwensya ng mass media ang mga ideya, pananaw o saloobin, imahe at pangaggaya ng kilos ng nakararaming tao o nasa mababang antas ng buhay na naging bahagi na sa pang-araw-araw na buhay ng tao.
     Sinasabi, ng mga elitista marahil, na ang kalinangang popular ay kinikilala na may mababaw na antas o "bakya,"  "cheep," o "minamaliit." Dahil ito’y walang naging batayan na pinagmulan ng isang kultura na nagtataglay ito ng katangian ng korupsyon o kabulukan kaya ito binabatikos at "minamata" at binibigyan ng mabibigat na kritisismo.  
    Ang katagang “kulturang popular” ay nalikha noong ika-19 na daantaon o mas maaga pa na pumatungkol sa edukasyon at pangkalahatang “kakalinangan” o “kakulturahan” ng karaniwang mamamyan o masa na nasa laylayan ng lipunan. Sa talumpati sa Ingletera sa Bulwagang Pambayan ng Birmingham, nakahiwalay sa "tunay na edukasyon" ang pundasyon o kalinangan ng mga karaniwang tao sa lipunan, na ganap na inangkin nito. Sa kasalukuyan ito ay binigyang kahulugan bilang isang pagkonsumo o paggamit ng  madla na nagiging bahagi ng kultura. Ang popuplar culture ay nakilala sa Estados Unidos noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na sa kalaunan ay pinaikli nat naging pop culture.

  Malinaw ang depenisyon ng pop culture na kultura para sa pagkonsumo ng madla o ng nakararami. Kung iuugnay natin sa sinabi ni Gilda Fernando at M G. Chaves na ang pop o popular culture ay kung ano ang tanggap ng nakararami na nagmula sa mga impluwensiya ng teknolohiya at mass media gaya ng print, radyo, telebisyon at pelikula kaya madaling makilala ng masa. Sa pagkonsumo ng mga ito hindi mawawala ang paulit-ulit na paggamit ng balangkas o plot ng mga kuwento sa mga soap opera dahil ito ang naging batayan o formula sa isang matagumpay na serye. Nagbabago lamang ng bihis batay sa panahon, kalagayan o lugar kung saan ito nagaganap ang mga pangyayari.
    Sinasabi na ang mga teleserye sa ating bansa ay ginaya lamang sa banyagang panoorin o palabas. Kung babalikan natin ang kahulugan, ang pagkonsumo ng madla sa mga dramang pinanonood ng madla ay paulit-ulit lamang. Masasabing may impluwesnya itong taglay sapagkat maging ang ating kulturang kinikilala ay dala rin ng impluwensya ng mga dayuhan at mananakop sa ating bansa. Isang halimbawa ng impluwensiyang dala nito ay nang sumikat ang "Marimar," isang Mexican telenovela na pinagbibidahan ni Thalia ay ipinangalan ang mga bagong silang na babae na Marimar at lalaki naman kay Serio na kaparehas ng bida sa palabas. Sa isang bansa sa Africa, nang sumikat ang teleseryeng "Pangako Sa'yo" ay ipinangalan naman ang mga bagog silang na sanggol sa ngalang Yna at Angelo na panaglan ng mga karakter sa nasabing palabas. Ito ay makikitang pagkonsumo ng mamamyan sa programang kanilang pinanonood na isang impluwensya nito. 
    Sa pagiging orihinal ng mga teleserye sa ating bansa, maaaring ariing atin ang mga ito, ang teleserye, sapagkat sinasalamin ng mga ito ang tunay na kalagayan ng ating lipunan, bansa, mamamayan, mithiin, pangarap at wika na bahagi ng ating kultura. Ang mga kalagayan ng mga tauhan at pangyayari sa mga ito ay kalagayan ng nasa laylayan ng lipunan maging ng matataas na tao na nagaganap hindi lamang sa ating bansa kundi sa lahat ng panig ng daigdig. Kaya tinatangkilik din ng mga manonood sa ibang bansa ang isang panoorin gaya ng teleserye o telenovela. Taglay nito ang isang balangkas, simbolismo, sining at kahusayang produksyon na maaangking kanyang-kanya. 
     Global na ang mga bagay sa mundo dala ng teknolohiya at internet kaya napapanood natin ang ibang palabas sa pamamgitan nito. Masasabing hindi lamang mga Mexican telenovela o Korean telenovela ang bantog sa ating bansa bagkus ang ating teleserye ay namamayagpag din sa ibang bansa. Ito ay pagtangkilik ng mga tao bilang libangan, bahagi ng kanilang pamumuhay, bahagi ng kulturang nakagawian kaya masasabing kalinangang popular. 

Sanggunian:
  1.  "Memes in popular culture"Oracle Thinkquest. Nakuha noong 1 Oktubre 2010.
  2. "Teens for Jesus want wholesome pop culture". AuburnPub.com. 2008-02-15. Nakuha noong 2009-06-21.
  3. "truthXchange Articles > Spirit Wars in the Third Millennium". Truthxchange.com. Nakuha noong 2009-06-21.
  4. Darrell L. Bock and Daniel B. Wallace. "Rebecca's Reads - Darrell L. Bock & Daniel B. Wallace - Dethroning Jesus: Exposing Popular Culture's Quest to Unseat the Biblical Christ". Rebeccasreads.com. Nakuha noong 2009-06-21.
  5.  "Calvin College: Calvin News". Calvin.edu. 2001-03-15. Nakuha noong 2009-06-21.
  6.  "7 Things From Pop Culture That Apparently Piss Jesus Off". Cracked.com. Nakuha noong 2009-06-21.
  7. "Christotainment: Selling Jesus Through Popular Culture: Steinberg shirley R. : 9780813344058 : Book". eCampus.com. 2009-02-21. Nakuha noong 2009-06-21.
  8.  Tucker, Austin B. "Christian Living In A Pagan Culture". Preaching.com. Nakuha noong 2009-06-21. "Book Review- Jesus Made in America – Irish Calvinist". Irishcalvinist.com. 2008-10-14. Nakuha noong 2009-06-21.
  9. "Japan's increasingly superficial pop culture? | Bateszi Anime Blog". Bateszi.animeuknews.net. 2007-01-18. Nakuha noong 2009-06-21.
  10. Bagaman itinatala ito ng Oxford English Dictionary sa taong 1854, lumitaw ang kataga sa isang talumpati ni Johann Heinrich Pestalozzi noong 1818: The Address of Pestalozzi to the British Public. 1818. I see that it is impossible to attain this end without founding the means of popular culture and instruction upon a basis which cannot be got at otherwise than in a profound examination of Man himself; without such an investigation and such a basis all is darkness. (Nakikita kong imposibleng makamit ang hangaring ito na hindi nagtatatag ng mga pamamaraan ng kalinangang tanyag at tagubilin sa isang batayan na hindi makukuha maliban na lamang sa isang nakakaantig na pagsisiyasat sa tao mismo; kung walang ganyang pag-uusisa at ganyang batayan, ang lahat ay kadiliman.)
  11.  Ayon kay Adam Siljeström, The educational institutions of the United States, their character and organization, J. Chapman, 1853, p. 243: "Influence of European emigration on the state of civilization in the United States: Statistics of popular culture in America". John Morley presented an address On Popular Culture at the town hall of Birmingham in 1876, dealing with the education of the lower classes.
  12. "Learning is dishonored when she stoops to attract," cited in a section "Popular Culture and True Education" in University extension, Issue 4, The American society for the extension of university teaching, 1894.
  13.  e.g. "the making of popular culture plays [in post-revolutionary Russian theater]", Huntly Carter, The new spirit in the Russian theatre, 1917-28: And a sketch of the Russian kinema and radio, 1919-28, showing the new communal relationship between the three, Ayer Publishing, 1929, p. 166.
  14. "one look at the sheer mass and volume of what we euphemistically call our popular culture suffices", from Winthrop Sargeant, 'In Defense of the High-Brow', an article from LIFE magazine, 11 Abril 1949, p. 102.
  15.  Gloria Steinem, 'Outs of pop culture', LIFE magazine, 20 Agosto 1965, p. 73.
  16. Lara, Tanya ( Oct. 14, 2001). Gets mo ba sister kung anoang Pinoy pop culture?. Crazy Quilt. https://www.philstar.com/lifestyle/sunday-life/2001/10/14/136608/gets-mo-ba-sister-kung-ano-ang-pinoy-pop-culture


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento