SURING
PELIKULA
Ang pelikula ay isang uri ng komunikasyon kung saan ang mensahe o ang punong kaisipan ay inilalahad sa pamamagitan ng isang isinadulang kuwento. Ang sanhi ng pag-aaral o pagsusuri ay ang pagtaas ng mga insidente ng karahasan na pinangungnahan ng mga kabataan noong panahong 1920’s. Ang mga artistang gumaganap at karakter na nisinasabuhay nila ay nagiging modelo ng mga nakakapanood partikular ng mga kabataan.
(Paalala: Kung gagamitin ang artikulo ay kailangang humingi ng pahintulot sa Abiva Publishing House at makipag-ugnayan kay Bb. Sofie Gerong, Manager, Book Development Department, ABIVA PUBLISHING HOUSE, INC.
851 G. Araneta Avenue, 1113 Quezon City Office: (632) 7120245 local 228, Mobile: 0920-9777998)
Ang pelikula ay isang uri ng komunikasyon kung saan ang mensahe o ang punong kaisipan ay inilalahad sa pamamagitan ng isang isinadulang kuwento. Ang sanhi ng pag-aaral o pagsusuri ay ang pagtaas ng mga insidente ng karahasan na pinangungnahan ng mga kabataan noong panahong 1920’s. Ang mga artistang gumaganap at karakter na nisinasabuhay nila ay nagiging modelo ng mga nakakapanood partikular ng mga kabataan.
Sa
pagsusuri ay tinitingnan ang lahat ng aspeto ng pelikula. Hindi lamang ang kagandahan
ng pelikula o sa tauhang gumaganap dito bagkus binibigyang halaga rin ang
disenyo ng mga ilaw, ang pagkilos ng kamera, ang paghahati-hati at
pagkaksunud-sunod ng mga eksena, at ang paggamit ng angkop na tunog o sound
effects. Ang kabuuang elementong ito ang nagbibigay-buhay sa pelikula at
nagiging batayan ng isang de kalidad na pelikula.
Katangian ng Pelikula Ayon Kay Ricky Lee
- Ang pelikula ay isang
audio-visual.
- Ang internal ay ginagawang
external, ang abstract ay ginagawang physical, upang maging
cinematic. Ang hindi
nakikita o naririnig ay hindi mailalagay sa screen.
- Ang mga imahen (images sa pelikula
ay putol-putol: mga paa, ulo, hagdan, o bintana. hindi kailangang kita lahat.)
- Ang pinagputol-putol na imahen ay
pinagsama-sama o pinagdugtong-dugtong upang may makitang kabuuan ang
manood. The parts
represnts the whole.
- Dahil
hindi kailangang ibigay ang lahat, ang pelikula ay may kakayahang
mag-distort ng time at ng space.
- Ang
pelikula ay naka-fix sa ksalukuyan.
Walang hinaharap, walang nakalipas sa pelikula. lahat ng pinanonood mong nangyayari ay
nangyayari ngayon.
- Kagaya ng entablado o tanghalan,
ang pelikula ay may fixed na haba. Kadalasan
ito ay dalawang oras.
- Ang
pelikula ay gawa ng maraming tao – mga artista, ekstra, cinematographer,
production designer, creative people, at iba pa.
Batayan ng Gawad Urian sa Pagsusuri ng Pelikula
http://www.pinoystop.com/news/celebrity/1149/jericho-rosales-wins-best-actor-at-the-gawad-urian-for-indie-film-alagwa
- Nilalaman.
Higit na mausay ang nilalaman ng isang pelikula kung ito ay
makatotohanang paglalarawan ng kalagayan ng tao mula sa pananaw ng
Pilipino, at kung ito ay tumatalakay sa karanasang Pilipino na makahulugan
sa higit na nakararaming manonood.
- Pamamaraan. Paggamit at pagsasanib ng filmaker sa
iba’t ibang elemento ng pelikula.
- Pinakamahusay na Pelikula. Nagpapakita ang pinakamahusay na
pelikula ng mapanlikhang pagsasanib ng iba’t ibang elemento ng pelikula,
sa antas na di napanayan ng mga pelikulang kahanay nito.
- Pinakamahusay na Direksyon. epektibo ang direksyon
kung matagumpay ang direktor sa pagbibigay-buhay sa dulaang pampelikula,
at nagawa niyang ipabatid ang kanyang pagkaunawa sa materyal sa
pamamagitan ng mapanlikhang pagsasanib ng iba’t ibang elemento ng
pelikula.
- Pinakamahusay na Dulang Pampelikula. Epektibo ang dulang pampelikula kung ito
ay may makabuluhang nilalaman o karanasang sinusuri at binabalangkas ito
sa paraang orihinal ayon sa pangangailangan ng midyum ng pelikula.
- Pinakamahusay na Pagganap. Matagumpay na napaniwala
ng artista ang manonood sa tauhang kanyang inilalarawan.
- Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksyon.
Naisakatuparan sa malikhaing pamamaraan ang pook, tagpuan, make up,
kasuotan, at kagamitan na nagpalitaw ng panahon, kapaligiran, at katauhang
hinihingi ng realidad ng dulang pampelikula.
- Pinakamahusay na Sinematograpiya. Matagumpay na
paglalarawan ng ng nilalaman sa pamamagitan ng pag-iilaw, komposisyon,
galaw, at ibang kaugnay na teknik ng kamera.
- Pinakamahusay na Editing. Malikhaing pinakikitid
nito o pinalalawak ang oras, kalawakan, at galaw upang pangibabawin ang
anumang nais ipahayag ng filmaker.
- Pinakamahusay na Musika. Pinalilitaw ang kahulugan,
pinatitungkad ang atmospera at damdamin, nakatutulong sa pagtiyak ng
katauhan, at inaayunan ang ritmo at daloy ng pelikula.
- Pinakamahusay na Tunog. Naisalin nito nang buhay na buhay ang
diyalogo, musika, epektibong tunog at katahimikan, at ang mga ito’y
naisasaayos sa malikhaing paraan.
- Panimula – kagaya nang sa isang pagsusuri,
kinakailangang bigyan ang mga mambabasa ng perspektibo sa kung patungkol
ang iyong pagsusuri. Kinakailangang bigyan ng background tungkol sa pelikula na bibigyan ng pag-aanalisa ang
kung paano bibigyan ito ng pagsusuri.
Maaaring
ibigay sa mga mababasa ang tungkol sa kung anong uri ng pelikula ang susuriin.
Ito ba ay komersyal o isang art film?
Ano ang sinaryo sa isang bansang pinanggalingan ng pelikula nang isinagawa ito?
Ano sa iyong hinuha ang mga layunin ng pelikula?
Sa
panimula, kinakailangang banggitin ang pamagat ng pelikula, produksyong gumawa
ng pelikula, ang mga artistang nagsipagganap, sumulat ng pelikula, production designer, director ng
photogtapiya, producers, executive producers, at director.
Maaring idagdag sa panimula kung
ito ay halaw sa isang nobela, kung saan
nakabase ang pelikula.
- Synopsis – ito ay maikling buod ng pelikula. Dito
makikita ang mga mahahalagang impormasyon at kaganapan na lumutang sa
pelikula. Ang mga pangyayari ay nagsisimula sa tagpuan, plot o banghay,
kasukdulan at wakas ng pelikula.
- Kuwento – sa pagsuri ng kuwento ng pelikula,
kinakailangang matukoy kung ano ang genre
ng pelikula. Ang genre ay uri ng
pelikula kung saan natukoy ng manunuod at gumawa ng pelikula. Ang mga
karaniwang genre ay musical, melodrama, thriller, comedy,
disaster films, spy films, samurai films, Westerns, atbp. Bigyang komento kung nabigyang
kasiglahan ang mga manunuood batay sa genre
ng pelikula.
Bigyan
ng masusing pagsusuri ang storyline.
Paano pinaulad ng manunulat ang kasaysayan ng pelikula. Akma ba ang mga
tagpuan? Ano-ano ang mga tagpuan? Ano-ano ang mga suliraning umusbong sa
pelikula? ang mga sub-plots? Ito ba ay kinakailangan? Lahat ba ng mga tagpo ay
kinakailangan upang mapaunlad ang kasaysayan ng pelikula? Ano ang suliranin?
Paano ito nilutas? Ano ang nais iparating ng pelikula sa kabuoan? Ano ang aral na makikita sa pelikula? Ano ang istilo ng manunulat upang ipakita at inilapat
sa pelikula? Paano ito nakatulong sa kabuoan ng pelikula? Paano ipinamalas ang
kasukdulan ng pelikula? Paano nagwakas ang pelikula? Nakamit ba ng gumawa ng
pelikula ang kanilang layunin nang gawin ang pelikula?
- Karaktirisasyon – ang pagsasatao ng mga karakter ng
pelikula ang binibigyang suri sa bahaging ito ng pelikula. Ang kasaysayan
ng pelikula ay nakapainog sa mga tauhan ng pelikula o karakter. Kahit ito
ay mula lamang sa imahinsyon ng manunulat ng pelikula, kinakailangang
madama ng manunuod ang nga karakter o tauhan sa pelikula. Kinakailangang
maanalisa ang mga panunahing karakter o tauhan sa pelikula. Tingnan ang kanilang historical background
sa pelikula. Ano ang kanilang ginagawa sa kasalukuyan? Ano ang nais nilang
mangyari sa hinaharap? Ano ang kanilang gusto at pangangailangan? Paano
sila mag-isip? Ano ang nagpapagalaw sa kanila o nagbibigay sa kanila ng
motibasyon upang kumilos? Ano ang kanilang mga hangarin? Ano ang sagabal
sa pagkamit ng kanilang hangarin? Alaming mabuti ang bawat karakter at
talakayin sa iyong sariling pag-aanalisa.
- Pagganap – ito ay ang mga artistang gumanap sa
karakter ng pelikula. Binibigyang suri ang pagkakaganap ng mga artista sa
mga karakter na pinakilala sa pelikula. Kapani-paniwala ba ang kanilang pagkakaganap?
Nakulangan ka ba sa kanilang pagganap? Saang bahagi ng pelikula ito
nakita? Subuking sagutin ang ilang katanungan sa pagkakaganap ng mga
artista sa pelikula kung nakulangan o nagalingan ka sa kanilang pagganap.
- Tunog – isa sa mahalagang bahagi ng pelikula ang
tunog. May tatlong
anyo ang tunog: musika, ingay at speech.
Ang speech ay boses o tinig
ng mga aktor/aktres. Ito
ay maaaring dubbed o live sound.
Music ay soundtract na inilapat
sa pelikula. Ingay ay mga sound
effects.
Ang tunog ay isinasagawa
nang hiwalay sa pagkuha ng mga eksena. Mahalaga ng tunog sa
kabuoan ng pelikula. Ito ay nagpapabuti sa pakiramdam ng manunuod upang
tutukan ang pelikula. Nakatutulong din ang tunog sa pag-unawa sa kasaysayan o
kuwento ng pelikula. Nabibigyang din ng tunog ang pagbibigay ng interpretasyon
ng manunuod sa tagpo ng pelikula. Halimbawa, sa isang horror film, ang tunog na nakakatakot ay magbibigay sa mga
manunuood ng kaisipan na may mangyayaring masama. Ang tunog ay nakapagdurugtong
o nakapaghihiwalay ng mgab tagpo sa pelikula. Maaring suriin sa tunog kung
paano inilapat ang mga tunog at pinagsama-sama ang mga ito.
- Sinematogtapiya
– May tatlong katangian ang sinematograpiya. Ito ay photographic image, the framing of the shots at the duration of the shots.
Ang photography ay tinatawag ding writing
in light. Malaki ang ginagampanan ng potograpiya sa
sinematograpiya. Kinakailangan ng camera upang malaman kung gaanong ilaw o
liwanag ang kakailanganin na dapat makuha sa camera. Ang range of tonalities ay nangangahulugang tekstura at kulay na
makikita sa pelikula. Ang mga imaheng makikta ba ay madilim o maliwanag o
napakaliwanag. Ang tekstura ay maaaring nakita kung ang pelikula ay blur o malabo. Ang speed of motioinspeed of motioin ay ang paggalaw ng mga kilos sa
isang pelikula. Kung ang ginamit ba ay slow-motion,
ordinary o normal o fast-motion.
- Editing
– Ito ay ang pagkakabit-kabit ng mga eksena na hiwa-hiwalay na kinunan. Malinaw
bang napagtagni-tagni ang mga pangyayari nang eksena sa pelikula. Maayos
bang nailapat ang paraan sa pag-eedit gaya nang fade out, dissolves, wipes. Ang ibig sabihin ng fade out ay pagdilim sa huling
bahagi ng isang shot. Dissolve ay
isang mabilis na mabilis na paglagay ng susunod na shot mula sa nauna. Ang
wipe ay pagpapalit ng susunod na
shot na may gumagalaw na boundery line na makikita sa screen. Sa pagsuri ng editing
kinakailangang makita ang paguugnay-ugnay ng mga eksena sa bawat frame at malinis ang
pagkakakabit-kabit ng mga ito.
- Kasuotan,
Makeup at Production Design – ang kasuotan at makeup ay ang panlabas na anyo ng mga actor at aktres. Makikita
ang kasiningan ng pelikula mula sa mga kasuotang ginamit. Naipalalabas ng
kasuotan at makeup ang
ginagampanang karakter ng mga artista sa pelikula.Naipakikita rin sa
pamamagitan ng kasuotan ang panahon na ipinamalas sa pelikula. Ang production design ay
kinabibilangan nang set design,
backdrop at props. Tinutukoy nito kung ano ang tagpuan ng isang tagpo.
Halimbawa, may isang lalaking pupunta sa bahay ng isang mahirap na ginoo.
Kinakailangang maipakita ng production
designi ang kung ano ang itsura ng bahay ng mahirap na ginoo mula sa
kasangkapan, sahig upang mapakita ang kalagayan ng mahirap na ginoo.
- Musika – ang paglalapat ng musikang may awitin sa bahagi ng pelikula ay sinusuri rin. Maaari itong soundtrack o kombinasyon ng diyalogo, tunog at musika o kaya musical score, ito ang paglalapat ng soundtrack sa bahagi ng pelikula. Kilala ang musical score sa paglalapat ng movie themesong sa bahagi ng pelikula akung saan tayo pinakikilig o dili kaya’y mas naantig dahil sa musikang inilapat sa bahagi ng eksena ng pelikula. Maaari ring panay musika lang na walang liriko ang siyang inilapat sa eksena ng pelikula kung saan nagpadama sa atin ng mas lalong emosyon ng eksena ng pelikula.
- Direksyon – Mahirap ang ginagampanan ng isang director dahil kinakailangang maipamalas ng director ang kanyang bisyon sa pelikula sa kanyang producer at scriptwriter. Dapat maiugnay ng director ang mensahe ng pelikula sa mga manunuod. Ang tungkulin ng director ay maiugnay nito ang mga eksenang nakasulat sa iskrip. Dapat napag-ugnay-ugnay nito nang mahusay ang mga elemento ng pelikula mula sa mga pagganap ng artista, sa tunog, musika, kasuotan, props at disenyo ng produksyon, editing at iba pa. Ang isang mahusay na director ay naipamamalas niya ang isang mahusay na gawang pelikula
- Konklusyon at Rekomendasyon – sa bahaging ito, maaaring ilagay ang iyong pagbubuod o paglalagom sa mga key points na tinukoy sa iyong ginawang pagsusuri. Balikan ang mga elemento ng pelikula na binigyang suri at mula rito ay maaaring magbigay ng sariling rekomendasyon kung paano pa mapagbubuti ang isang pelikula mula sa iyong saring paghuhusga.
Sablay,
Claire T. Students’ Guidebok in Writing
School Paper (2005) Smart
Book Publishing.
Sagguniang larawan: Boses: http://boses.info/
Heneral Luna: https://en.wikipedia.org/wiki/Heneral_Luna