Ang Panitikang
Filipino sa Panahon ng Kasarinlan
ni Allan A. Ortiz
Sa panahon ng Kasarinlan mula 1946, ang panitikang Pilipino ay
nagbukas ng mga bagong pinto para sa mga manunulat. Umusbong ang mga panitikang
Filipino sa Ingles. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naging mas
produktibo ang mga manunulat sa Pilipinas. Ang mga Amerikanong guro sa paaralan
ay nagsilbing insiprasyon nila upang makakuha ng mga istilo o teknik
pampanitikan at mas pinagbuti nila ang kanilang kaalaama sa wikang Ingles. Ilan
sa mga akda at manunulat ay sina: Paz Marquez-Benitez na kinilalang unang
manunulat sa Ingles at sa kanyang tanyag na isinulat ay “Dead Stars”. Kinilala
sa kanyang makabagong esilo ng pagsulat ng tula ay si Jose Garcia Villa na puno
ng imahinasyon at malalim na kahulugan at ang isa sa kanyang tula ay “Lyric 17”.
Tanyag sa kanyang nobelang “The Woman Who Had Two Navels” si Nick Joaquin na
isang mahusay na manunulat, nobelista at makata. Ang kanyang mga akda ay nagpapakita ng kultura,
kasaysayan, at pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Isa sa kanyang pinakapopular na
nobela. Ang manunulat na si F. Sionil Jose ay kilala sa kanyang “Rosales Saga”,
isang serye ng nobela na nagsasalaysay ng buhay at pag-usbong ng mga tao sa
Rosales, Pangasinan. Isa sa mga nobelang kabilang ditto ay ang “Dusk”. Si
N.V.M. Gonzalez ay isang manunulat na nagpapakita ng buhay sa lalawigan at
pag-usbong ng modernisasyon. Kilalang kuwentong kanyang isinulat ay “Children
of the Ash-Covered Loam”.
Ang tema ng mga Panitikang
Filipino sa panahon ng kasarinlan ay nagpapakita ng pananampalataya, alamat,
pamahiin, kathang-isip, sosyal na problema, kahirapan, pagatatlo sa mga uri, pulitika, pampabansang
pagkakakilanlan, dayuhang dominasyon, pangangalunya, moralidad at sekswalidad.
Ang mga ilang akdang sa panahon
ng kasarilnlay ay: ang tulang “Ako ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadilla, musikang
makabayan na “Bayan Ko” na sumisimbolismo sa pagmamahal sa bayan at paglaban sa
katiwalian, kuwentong “Ginto sa Makiling” ni Macario Pineda na isang simbolikal
na akda na tumatalakay sa lipunan, moralidad at pulitik, nobelang “Ako’y Isang
Tinig” ni Genoveva Edroza Matute na nagpapakita
ng pag-asa, paglaban at pagmamahal sa bayan, dulang “Walang Sugat” ni Severino
Reyes na nagpaapkita ng pag-ibig, pagdurusa, at pag-asa sa kalayaan, at
sanaysay na “Ang Pangunahing Makata” ni Amado Hernadez na timatalakay sa
pagmamahal sa bayan at pagtutol sa katiwalian.
Patuloy pa rin ang paglaganap ng
mga panitikang Filipino sa kasalukuyan gamit ang iba’t ibang plataporma upang
ito’y ilahad. Nanantili pa rin ang mga ganitong tema at mas lumalalim ang
pagtalakay dahil sa pag-unlad at pagbabago ng panahon na nagsisilbing paksa ng
mga akda.
Sanggunian:
Pineda
A. (May 14, 2024). The Impact of colonialism on the Philipine Literature. https://homebasedpinoy.com/the-impact-of-colonialism-on-philippine-literature/
N.A.
(1987). The British Family Journal. V. 23, No. 1, pp. 28-32 (5 pages) British Library. https://www.jstor.org/stable/42554440
Macansantos.F.,
& Macansantos P.(December 25, 2017). Philippine literature in the post-war
and contemporary period. https://www.puertoparrot.com/articles/philippine-literature-in-the-post-war-and-contemporary-period
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento