Linggo, Hunyo 9, 2024

Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura - mga tala ni Allan A. Ortiz

 Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

Allan A. Ortiz

(Mula sa sariling tala) 

                     Ang awit at korido ay tinatangkilik pa rin hanggang sa ngayon bilang isang uri ng panitikan.

          Nagmula noong panahon ng mga Espanyol. Nang ang Pilipinas ay sakupin ng mga dayuhang Kastila, nagsilbing daan ang panitikan upang madali at mabisang maipakalat, maipasa, o maipalaganap ang mensahe, at upang maipakita sa mga tao, partikular na sa mga katutubo, ang konteksto ng Kristyanismo. Ngunit para sila ay maaliw at masiyahan, nabuo o naimbento ang isang anyong panitikan na tinawag na awit at korido. Noong gitnang panahon lumaganap ang awit at korido sa Europa bilang isang uri ng romansang panitikan. Nakarating ang mga ganitong uri ng panitikan noong 1610 mula Mexico sa pamamagitan ng kalakalang Galleon.

            Ginamit itong instrumento ng mga misyunerong prayle sa Pilipinas bilang kagamitan upang maipalaganap ang relihiyong Katolisismo sa mga katutubo. Ito ay nagsilbing libangan ng mga katutubo bukod sa pagtuturo ng mga gintong aral sa buhay at pananampalataya.

  

}  Ayon kay Isagani Cruz at Solidad Reyes sa kanilang aklat na “Ang Panitikan” “Hindi kaagad nagbago ang ating panitikan dahil sa pagsipot sa ating bayan ng mga Kastilang may dala ng krus at espada...Subalit malinaw ang pagpasok ng oryentasyong relihiyoso sa panahong ito.”

}  Pumasok ang awit at korido sa panahong ito upang matugunan ang interes na maaliw ang mga katutubo.  Sa pamamagitan ng awit at korido, naaliw ang mga mambabasa, natuturuan pa silang magpakatao at di tuwirang nayayakag silang pahalagahan ang Katolisismo at talikuran ang paniniwalang pagano.

}  Ang awit at korido ay may pangyayaring arketipo na katangiang romansa sa Europa noong Edad Media. Sa gitna ng pakikipagsapalaran ng Kristiyano at Muslim ay matatagpuan ang mga aral at paniniwala  hinggil sa pakikipagkapwa tao, sa katarungan, sa wastong pagsusunuran, sa pamilya at marami pang ibang konsepto na nagpapatibay ng mga kinaugaliang pananaw sa buong panahon ng Kastila - Reyes, Cruz, Ang Panitikan

}  Walang katiyakan kung saan o kailan isinulat ang awit na Florante at Laura. May ilang dalub-aral ang nagsasabing isinulat ni Balagtas ito sa bilangguan sa Pandacan sa pagitan ng 1835 at 1838 nang ipakulong ni Mariano Kapule.

}  May ilang haka-haka na maaaring naisulat ang awit sa bilangguan sa Balanga at Maynila sa pagitan ng 1856-1860. nang ipapiit siya ng katulong na babae ni Alferes Lucas ng Bataan sa sumbong ng pamumutol ng buhok.

}  1800 – 1900 – marami-rami na rin ang naglimbag ng Florante at Laura ni Balagtas sa panahong ito na isa sa basehan ng kasikatan ng anumang aklat ng panahong ito.

}  Ayon sa pananaliksik nina Herminigildo Cruz at Epifanio delos Santos, unang nalimbag ang awit ni Balagtas noong 1883 subalit walang anumang katibayang mapanghahawakan ngayon upang patunayan ang ganyang petsa.

}  1853 - Si Epifanio de los Santos Cristobal na nagsalin ng Florante at Laura sa Espanyol ang nagpatunay na binatay niya ang kaniyang sariling sa orihinal na edisyon noong 1853.

}  1861 na kopya - Napasakamay ni Carlos Ronquillo, isang mananalaysay. Ayon sa kanya ang limbag ay inimprenta sa papel de China ng y Giraudier. Binanggit din niya  si T.H. Pardo de Tavera, isang mananalaysay na nag-aral ng kasaysayan ng Pilipinas, ay nag-iingat naman ng edisyon 1870 na nalimbag ng Imprenta de B. Gonzalez Mora sa Binondo.

}  Ayon kay Patricia Melendez-Cruz, na nagbigay linaw sa dalawang limbag, na inilabas noong 1875 ng Imprenta de M Perez at noong 1901 ng Liberta Tagala na parehong nasa Binondo.

}  Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa wikang Tagalog at Ingles,subalit natupok ang mga ito noong 1945, nang magwakas ang Ikalawang DigmaangPandaigdig. Sapagkat kabilang nga ito sa mga korido noong ika-19 dantaon, nalimbag lamang ang mga kopya ng akda ni Baltasar sa mga mumurahing klase ng papel (papel dearroz ayon kay Epifanio de los Santos) na yari sa palay na ipinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa. 

}   Natatanging ang Aklatang Newberry ng Chicago, Estados Unidos lamang ang nakapagtabi ng mga kopya nalimbag noong 1870 at1875, kabilang sa tinatawag na Koleksiyong Ayer. Nabanggit ang mga kopyang ito sa Biblioteca Filipina ni T. H. Pardo de Tavera. Magkatulad na magkatulad ang kopyang pang-1870 at ang gawa noong 1875.

}  Nalilimbag ang pamagat ng bersyong pang-1870 sa ganitong paraan ng pagbabaybay

 

         Ang awit na “Florante at Laura” ni Frnacisco Balagtas noong 1838 ay hango sa kasaysayan ng pag-ibig niya kay Maria Asuncion Rivera. Nang mga panahong ito ay mahigpit ang sensura sa paglilimbag ng mga babasahin sa bansa. Ipinagbabawala nag mga ababsahin, palabras na tumutuligsa sa mahigpit at malupit na pamamalakad ng mga Espanyol. Ang Florante at Laura ay may orihinal na pamagat na “ Pinagdaanang Buhay ni Florante at Laura sa Kahariang Albanya: Kinuha sa ladling cuadro historico o pinyurang nagsasabi sa mga nangyari nang unang panahn sa impero ng Gresya, at tinula ng isang matuwain sa bersong Tagalog. Masasabing hindi lamang ito isang ordinaryong awit, bagkus may malalim na kahulugan at konteksto sa kasaysayan ng panahon. Batay sa pag-aaral, ang Florante at Laura ang kauna-unahang akdang may tagong pagtuligsa sa mga Espanyol. Masasabing nabasa ni Jose Rizal ang awit na ito na dala siyang sipi nang maglakbay sa Espanya, na maituturing na isang akdang nagbigay sa kanya ng impluwensya na sumulat ng nobelang tumutuligsa sa mga Espanyol. 


Ayon kay Lope K. Santos, may apat na himagsik si Francisco malagtas nang isulat nito ang kanyang awit na “Florante at Laura”.

1.    Himagsik laban sa malupit na pamahalaan – masamang palakad ng pamahalaan, pagmamaltrato ng mga Espanyol sa mga Pilipino at hindi pantay na karapatan ng mga Pilipino at Espanyol.

2.    Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya – dalawa man ang pangalan, iisa sa turing at kapangyarihan; hiwalay ang estado at simbahan; pagtanggi ng mga Muslim sa Mindanao at Jolo sa relihiyong Katolika.

3.    Himagsik laban sa maling kaugalian – mga kamalian at kasalanang nagkaugat nang malalim – hindi mabuting kaugalian ng lahi, masagwang pagpapalayaw sa anak, pagkamaiinggitin, pagkamapanghamak, mapaghiganti sa kaaway, pang-aagaw ng pag-ibig, at masamang kaugalian sa lipunan.

4.    Himagsik laban sa mababangn uri ng panitikan – agwat ng pagtula at pananagalog – napagitna ang panitikang tagalog na nakatuon sa pananampalataya; pinatunayan ni Balagtas na maaaring makasulat ng isang akdang pampani-tikan na maglalahad ng kanyang paghihimagsik laban sa pamamalakad ng mga Espanyol. 


 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento