Baliktanaw
sa Haiku sa Pilipinas
Allan A. Ortiz
Hindi maipagkakaila na nasa dugo ng
mga Pilipino ang pagiging isang makata. Bago pa man dumating ang mga mananakop
sa bansa ay nakatagni na ito sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay gaya ng
paghehele ng sanggol, mga ritwal sa pagtatanim, pananagumpay sa digmaan,
pagdiriwang gaya ng pag-iisang-dibdib, paglalakbay at marami pang iba na
nagpapakita ng damdamin ng mga katutubong Pilipino. Kaya ang panulaan ay isang
kulturang dapat yakapin, payabungin at linangin. Naging madali sa mga
Pilipinong makata na sumulat ng ibang anyo ng tula gaya ng haiku.
Matutunton ang paglaganap ng haiku
sa Pilipinans noong panahon ng pananakop ng Hapon noong 1942 hanggang 1945. Ang
impluwensyang Hapon sa panitikan gaya ng haiku ay madaling niyakap ng mga
Pilipino nang ipagbawal ang panitikang Pilipino sa Ingles. Ito ang nagging Gintong Panahon ng Panitikang
Pilipino dahil sa namamatay na panitikan dahil ang mga manunulat ay sumusulat
sa wikang Ingles.
Ang haiku ay isang uri ng maikling
tula mula sa hapon na nagtataglay ng ilang katangiang nagbibigay-kulay sa
kanyang pagkakaiba. Ang tradisyunal na haiku ay binubuo ng 17 pantig na ang
unang taludtod ay limang pantig, ang ikalawang taludtod ay pito at ang ikatlong
taludtod ay limang pantig. Tungkol sa kalikasan at imahen ng haiku. Ipinakikita
nito ang pagmamahal sa kaliksan at ang pagiging sensitibo sa mga detalye sa
paligid. Sa makabagong panahon, mas malawak na ang tema ng paglikha ng haiku.
Hindi na umiikot sa kalikasan bagkus nakatuon na rin sa tao at kanyang
karanasan.
Ang kinillang unang makatang
Pilipino na sumulat ng haiku ay si Gonzalo K. Flores, kilala rin bilang
Severino Gerundio, isang avant-garde makatang noong panahong ng Hapon. Narito
ang dalawa sa kanyang haiku, isinalin sa Tagalog, na inilathala sa magasing
Liwayway noong Hunyo 5, 1943.
tutubi
hila mo’y tabak…
ang bulaklak, nanginig!
sa paglapit mo.
anyaya
ulilang damo
sa tahimik na ilog
halika, sinta.
Sa paglipas ng panahon at pag-unad ng
teknolohiya, ang internet ang nagdala ng haiku sa ilang makata sa bansa. Nabuo
ang mga organisasyon at pangkat s aonline upang unti-unting buhayin ang
pagsulat nito. Ilan sa mga pangkat at organisasyon ay Brown Song o Kayumangging
Awit na isang forum sa Yahoo ng mga makata sa Pilipinas at iba’t ibang bansa.
Naitatag noong Oktubre 4, 2004 ni Robert Wilson, isang Amerikanong makata ng
haiku na naninirahan sa Pilipinas. Siya ang co-owner at co-publisher, at
co-editor-in-chief ng Simply Haiku. Ito ay isang online na literaturang journal
na nagpapakita ng mga Japanese short form of poetry. Ang Bahag-hari ay isa ring
online na pangkat sa Yahoo ng mga Filipinong makata at manunulat. Naitatag
noong Marso 30, 2005 na may layuning magsalin ng mga Japanese haiku sa wikang
Filipino.
Noong 2006 ay ginunita ang ika-50
anibersaryo ng diplomasya sa pagitan ng PIlipinas at Hapoon mula 1956-2006 bilang
Philippine-Japan Friendship Day na inanunsyo ni Pangulong Gloria Arroyo. Dito
nagsimulang magkaroon ng interes ang mga Pilipino na simulat ng haiku na
nagdala sa unang paligsahan sa pagsulat ng haiku para sa mga Pilipino na
iorganisa ng Japan Information and Culture at Embassy of Japan at Unibersidad
ng Santo Tomas Graduate Studies.
Sa kabuoan, ang haiku ay patuloy na
nagng bahagi ng ating kultura. Ito ay isang maikling tula na nagpapakita ng
kalikasan, damdamin at pagmamahal sa buhay.
Sanggunian:
https://thehaikufoundation.org/omeka/files/original/f5c5d8879bfe018401a94da6fe9c9b70.pdf
https://www.slideshare.net/allanortiz/tula-updated-handout
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento