Pilipinas,
Dagok at Pamumukadkad sa ilalim ng Pananakopng Hapon
Allan A. Ortiz
Nang sakupin
ng Hapon ang Pilipinas noong 1942 hangang 1945 ay maraming pagbabago sa bansa
sa larangan ng kultura at panitikan. Nagsimula ito nang nilusob ng Imperyong
Hapon ang Pilininas na tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados
Unidos.
Noong Disyembre 8, 1941, binomba ng hukbo ng
mga sundalong Hapones ang Pilipinas, isang araw pagkaraang bombahin nila
ang Pearl Harbor, Hawaii,
at Estados Unidos. Pagkatapos ng ilang linggo, umatras sina Heneral Douglas McArthur at ang
pamahalaan ni Manuel L. Quezon.
Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2, 1942.
Sumuko
ang Bataan sa puwersa
ng mga Hapones noong Abril 9, 1942.
Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (ang tinatawag
na Martsa ng Kamatayan)
papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas, Tarlac.
Ang panahon ng pananakop ng
Hapon ay tumutukoy sa mga akdang pampanitikan na
nilikha at naisulat noong panahon ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas. Ito ay
panahon ng malaking pagbabago at pagsubok para sa mga manunulat at mga akdang
Pilipino. Nakaranas ng paghihirap at pagkakakulong ang mga manunulat sa
panahong ito.
Isa sa mga
akdang lumaganap noong dumating ang mga Hapones ay ang Tanka at Haiku. Ang Tanka ay binubuo ng limang taludtod
at may tig-7 bilang ng pantig sa sa tatlong taludtod at may tig-5 pantig sa
dalawang taludtod nito, samantalang
ang Haiku ay binubuo
ng tatlong taludtod at may bilang ng pantig na 5-7-5. Nagpapakita ang mga tulang ito ng buhay, imahe, at damdamin sa
pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
Ipinagbawal
ng mga Hapon ang pagsalita at pagsulat ng wikang banyaga, partikular na ang
Ingles. Dahil dito, naging malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng kanilang mga
panitikan na kasama ang kanilang kultura, mga paniniwala, at kaugalian. Ang mga
Pilipino ay muling nakasulat ng tulang Tagalog sa pagsulat ng haiku na
nagtataglay ng malalim na talinghaga. Ang mga
akdang ito ay naglalarawan ng buhay sa lalawigan, pagsasaka, pangingisda, at
iba pang aspeto ng buhay sa mga probinsya na nagpapakita ng karanasan ng mga
manunulat, tradisyon, at kultura ng mga tao sa malalayong lugar.
Pagkatapos ng
pagbagsak ng Bataan, umatras si MacArthur patungong Australia. Pinalitan siya sa Corregidor ni Heneral Jonathan Wainwright, upang
ipagpatuloy ang pakikipaglaban, hanggang sa mapilitang sumuko ang mga Pilipino
at Amerikano pagkalipas ng 27 mga araw.
Nagtagal nang
tatlong mga taon ang pananakop o okupasyon ng mga Hapones sa Pilipinas. Itinayo
ng mga Hapones ang isang pamahalaang tau-tauhan lamang nila, at ang
nagsisilbing pangulo ay si Jose P.
Laurel.
Noong Oktubre 1944, nagsimula ang digmaan ng
pagpapalaya sa Pilipinas mula sa mga Hapones nang lumapag ang mga puwersa
ni Douglas MacArthur sa Leyte.
Naproklama
bilang bagong pangulo ng Pilipinas si Sergio Osmeña nang mamatay si Manuel Quezon.
Malakas
na nabomba ng mga sundalo ng Estados Unidos
ang Maynila noong Pebrero 1945. Nahuli at napilitang sumuko ang
puwersang militar ni Heneral Homma sa mga Amerikano nang mabigo silang
tumakas..
May mga
magagndang idinulot ang pananakop ng Hapon sa bansa. Nagkaroon ng dibersidad
pagdating sa paniniwala dahil sa pagpapalawig ng kulturang Pilipino. Naging mas
maayos at kontrolado ang sistema ng pamumuno sa mga nasasakupan. Nabigyan muli
ng sigla ang wikang Pambansa at natuto ang mga Pilipino magsulat ng mga Haiku
Hindi mawawala
ang masamang epekto ng panankop ng Hapon sa Pilipinas. Nabago ng Kristiyanismo
ang mga tradisyon at paniniwalang mga Pilipino. Hindi lahat ng Pilipino ay
nabigyan ng pagkakataong makapag-aral, at nanatiling mga alipin ang ilan sa
kanila. Walang kalayaan ang bansa at masasabing totoong pamahalaan ang
mga PIlipino
Sa kabuuan, ang panahon ng pananakop ng Hapon ay nagdulot ng mga pagbabago at pag-usbong sa larangan ng panitikan, kultura, at lipunan sa Pilipinas. Ang yugtong ito ng Pilipinas ay nagbigay daan sa pag-angakt at pagkakakilanlan ng mga Pilipino bilang isang malayang bansa.
Sanggunian:
https://www.studocu.com/ph/messages/question/3378478/panitikan-sa-panahon-ng-hapon
https://www.padayonwikangfilipino.com/kaligirang-pangkasaysayan-ng-tanka-at-haiku/
[Expert Answer] bakit itinuturing na
ang panahon ng hapon ay gintong panahon? - Brainly.ph
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento