Miyerkules, Hunyo 5, 2024

Tanaga, Katutubong Tulang Pilipino ni Allan A. Ortiz

                                              Tanaga, Katutubong Tulang Pilipino

Allan A. Ortiz

          Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na kinaugaliang ginagamit sa wikang Tagalog. Ito’y may malalim na kasaysayan sa Pilipinas at hindi lamang simpleng anyo ng tula, kundi bahagi na rin ng kultura ng mga sinaunang Pilipino. Binubuo ito ng apat na taludturan na may pituhang pantig bawat taludtod. Ang makabagong tanaga ay ginagamit sa iba’t ibang wikang Pilipino at Ingles dahil sa kanyang katanyagan noong ika-20 siglo. Lumaos ito sa huling bahagi ng ika-20 siglo, ngunit muling isinilang ito ng kapanlahatan ng mga Pilipinong alagad-sining sa ika-21 siglo.

          Sa orihinal na Tagalog, ang tanaga ay may ganitong estruktura: “Catitibay ca tolos sacaling datnang agos! aco’I momonting lomot sa iyo, I popolopot.” Sa makabagong ortograpiya ng Tagalog, ito ay naging: “Katitibay kang Tulos Sakaling datnan ng agos! Ako ay mumunting lumot sa iyo ay pupulupot.”

          Ipinapalagay na ang tanaga ay kina Prayleng Juan de Noceda at Pedro de Sanlucar ni Vim Nadera, at sinipi nila ang sinabi nilang “Poesia muy alta en tagalo, compuesta de siete silabas, y cuatro versos, llena de metafora” (ika-16 na siglo) o “Medyo mataas ang panulaan sa Tagalog, binubuo ng pitong pantig, at apat na taludtod, puno ng metapora.”

         Tulad ng haiku ng Hapones, kinaugaliang walang pamagat ang mga tanaga. Sila ay mga matulaing anyo na nagsasalita para sa kanilang sarili. Ipinapasa-pasa ang karamihan sa pamamagitan ng sali’t saling sabi, at naglalaman ng mga salawikain, araling moral, at pira-piraso ng alituntunin ng pag-uugali.

          Bagamat itinuturing itong namamatay na anyo ng sining, kasalukuyang isinisilang muli ito ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining. Ang mga grupong PinoyPoets, ay itinataguyod ang Filipinong panulaan sa Ingles.  


Sanggunian: 

https://tl.wikipedia.org/wiki/Tanaga

https://www.sanaysay.ph/tanaga-examples/

https://www.tagaloglang.com/ano-ang-tanaga/


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento