Kaligirang
Pangkasaysayan ng Tanka
Allan A. Ortiz
Ang Tanka ay isang
uri ng tula na may limang taludtod, at ito ay nagmula noong ikawalong siglo.
Ang pinakaunang Tanka ay matatagpuan sa Manyoshu
o “Collection of Ten Thousand Leaves,” isang antolohiya ng mga tula na
naglalaman ng 4,500 na tula, kung saan siyamnapung bahagdan nito ay tanka. Sa
panahong lumabas ang Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng mga makatang Hapon
ang kanilang wika sa pamamagitan ng madamdaming pagpapahayag. Ang mga unang
makatang Hapon ay sumusulat sa wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang ang
wikang Hapon sa pagsasalita at wala pang sistema ng pagsulat. Sa pagitan ng
ika-5 hanggang ika-8 siglo, isang sistema ng pagsulat ng Hapon ang nilinang na
mula sa karakter ng pagsulat sa Tsina upang ilarawan ang tunog ng Hapon.
Tinawag na Kana ang ponemikong
karakter na ito, na ang ibig sabihin ay “hiram na mga pangalan.” Noong panahong
nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng mga makatang Hapon ang
wika nila sa pamamagitan ng madamdaming pagpapahayag. Kung historikal ang
pagbabatayan, ipinahahayag ng mga Hapon na ang Manyoshu ang simula ng panitikan
nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-sarili nila. Maikling awitn ang
ibig sabihin ng tanka. Ito ay puno ng damdamin at karaniwang nagpapahayag ng
emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa nito ay pagbabago, pag-iisa, o
pag-ibig. Ang tanka ay naging
daan ng nagmamahalan upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa. Ang mga aristokrata ay ginagamit din ang
tanka sa paglalaro kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman
ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang tanka.
Maiikling awitin ang Tanka na
binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtod. Karaniwang hati ng
pantig sa mga taludtod ay: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkapalit-palit din
na ang kabuuan ng pantig ay tatlumpu’t isang pantig pa rin. Karaniwang
paksa nito ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa. Kaya’t sa paglikha ng Tanka,
maaari nating gamitin ang kakaunting salita uang magpahayag ng malalim na
damdamin at makapagbigay-inspirasyon sa isa’t isa.
Halimbawa ng Tanka
Araw na
mulat
Sa may
gintong palayan
Ngayon
taglagas
‘Di ko alam
kung kelan
Puso ay
titigil na
Ang tankang iyong nabasa ay sisnulat
ni Empress Iwa no Hime, na siyang Empress-consort of the 16th,
Emperor Nintoku. Sinasabing ang tula ay isinulat ng empress dahil sa kabiguan
niyang masolo ang pag-ibig ng emperor.
Sa Muraski
Ang bukid ng
palasyo
Pagpumunta ka
‘wag ka sanang
makita
Na kumakaway
sa’kin
Ang tanka ay isinulat noong ika-7
siglo ni Prinsesa Nukata. Isinulat niya ito noong dumalo siya ng ceremonial gathering og the herbs noong
May 6, 668 na inorganisa ni Emperor Tenji. Isa si Princesesa Nukata sa mga
consorts ng naturang emperor. Inalay niyo ito sa kanyang dating asawa na si
Prince Oama.
Sanggunian:
https://www.padayonwikangfilipino.com/kaligirang-pangkasaysayan-ng-tanka-at-haiku/
https://brainly.ph/question/207084
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento